Chapter 25

1.3K 63 0
                                    

Aiah's POV

Maaga akong nagising dahil ngayon na papasok si kuya. Kahapon palang siya naka uwi. Grabe sinurpresa niya daw ako. Tsk! Tsk! Actually ngayon palang kami mag kikita. Makalipas ng limang taon na tumira siya sa France. Umuwi daw siya sa bahay namin. So nakita na niya sila mama at papa. Ako nalang.. waaa... I'm excited! Kamusta na Kaya siya? Ipapakilala ko siya kay Jax. Hihihi.

Apat na taon palang kami na mag kaibigan ni Jax at hindi niya pa nakikilala si kuya. HAHAHA.. sigurado akong wala nanaman siyang karea reaksyon. Alam ko na ang magiging itsura niya mamaya. Blangko. As in blangko. Hindi na siguro yun mag babago. Weird nga daw e.

Ang pangalan nga pala ng kuya ko ay si.... Danielle Aressa. Sa totoo lang gwapo siya. Matangkad at magaling siya sa sayaw. Siguradong sasali siya sa interhigh. Kumakain na ako ngayon at biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si kuya!

"Hello kuya?"

"Aiah, kita nalang tayo sa parking lot mamaya. Text mo nalang ako para sabay na tayong papasok. Okay?"

"Okay kuya. Ano kayang itsura mo?"

"Gwapo parin ako Aiah! HAHAHA" tsk. Yabang!

"Sige kuya. Kumakain na ako."

"Sige kita nalang tayo mamaya."

"Okay bye."

Pinutol kona ang linya. At kumain na ako. Hinugasan kona ang plato ko at nag sipilyo. Excited na akong makita kung may nag bago ba sa itsura ni kuya. Para sakin kahit anong itsura niya, pangit parin siya. HAHAHA. Bahala na si Batman.

Nilock kona ang apartment ko at sumakay na sa motor ko. At pinatakbo yun. Bibisitahin korin sila mama mamaya. Hindi muna ako mag momotor ngayon. Yung muna kotse ni kuya ang gagamitin namin para tipid. Nandito na ako ngayon sa parking lot at tinext nasi kuya.

To: Kuya Danielle

Kuya, I'm here na.

Sent...

Nag reply naman agad siya.

From: Kuya Danielle

Sige. I'm on my way. See you.

Waaaa! Excited na ako. Kaya umupo muna ako sa gilid at hinintay siya. Habang naka upo ako nahagip ng mata ko si Melvin. Ang gwapo niya talaga. Hindi nakaka sawang tignan.. Hmmm! Ang swerte ni Jax. Mukhang may gusto kasi si Melvin kay Jax. Yung mga titig niya palang talagang makikita mona may gusto na siya sakanya. Tinitigan ko lang siya hanggang sa makapasok na sa school.

Ilang minuto lang akong nag hintay at dumating na ang kotse ni kuya! Pinark niya yung kotse niya sa tabi ng motor ko. Meron pang space for Jax. Bumaba si Kuya sa kotse at... Hmm... Gumwapo siya. Lalaking lalaki. Hindi na siya payat. Medyo lumaki na ang katawan niya. At tumangkad nadin siya.

Lumapit siya sakin at nakangiting yumakap saken. Kaya niyakap kona din siya. "How are you? Long time no see, Aiah!" Ngiti niya sakin at saka bumitaw sa pag kakayap niya sakin. Ngumiti rin ako sakanya.

"I'm okay kuya. Your so good looking now huh!?"

"Inshort gwapo parin ako." Yabang talaga! Hmm!!!! "Let's go?" Aya niya sakin.

"Hihintayin ko pa yung si Jax kuya. Okay lang?

"Yeah. Sure no problem." At umupo na sa tabi ko. At ayun nag kwentuhan kami tungkol sa mga experience niya sa France. Sa apartment ko na siya manunuluyan. Pareho naman kaming estudyante e. Ipinakita pa niya sakin yung iilang maleta niya sa kotse niya. At kumuha ng isang box na chocolate at kinain namin yun. Habang nag tatawanan kami. Narinig kona yung motor ni Jax. At nakita kona siya papalapit saamin.

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now