Chapter 14

1.3K 68 0
                                    

Jax's POV



Hindi ko inaasahan na gagawin Yun ni payatot! Pinatid niya ako! Hindi pa ako nakaka recover sa nangyari kanina sa canteen, tapos siya Naman!






Hindi korin namalayan na may sugat pala ako sa siko!



Umalis na ako sa lugar nayun dahil naiinis na ako! Papunta ako ngayon sa meeting naming Dance 5.


Oo, sumali ako Ng sayaw. Meeting namin ngayon. Dance 5 ang pangalan Ng grupo. Matagal narin akong hindi sumasayaw, Ewan ko ba kung anong nakain ko at sumali ako, siguro para makapag libang.




"Oh. Anong nangyari sayo?"takang tanong ni Annie, Isa sa member ng Dance 5 at siya Rin ang una Kong nakilala sa grupo.



"Nadapa Lang."walang ganang sagot ko.




"Pag nadadapa ako hindi naman napupunit ang damit ko, e bakit sayo punit?"




Ipinakita ko sakanya Yung siko Kona may tali."Ahw.. Sorry, may sugat ka pala, dapat panyo nalang ginamit mo, pinunit mo pa yang damit mo." Sabi ni Annie.



"Nakalimutan ko eh."



" Okay guys! Let's start na!" Tawag ni Annie sa mga ibang kasama.





At ayun. Nag meeting kami Kung ano Ang sasayawin namin at Kung Sino Ang center sa Dance 5. Ang sasayawin namin ay Intension by Justin Bieber.


"Si Jax ang center natin guys! That's final. Bye." Sabi ni Annie sa lahat at umalis na!




Tsk! Ako? Ba't ako?



Nag lakad na ako at pumasok na sa room! Wala daw yung teacher namin sa Science.. Kaya lumabas muna ako at sumunod naman Yung mga kasama ko.





"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Aiah.


"Nadapa."


"Tsk! Walang kwentang kausap!" Bulong niya pero dinig na dinig ko!


Hindi Kona lang siya pinansin at umupo nalang ako sa bench dito sa mini park Ng School.



"Kamusta Yung meeting?"tanong ni Johnny.


"Ako Yung Center."


"Wow! Astig, galingan mo a!"



Tumango nalang ako sakanya, Wala ako sa mood para Makipag usap! Hindi na ako nakaka isip ng matino ngayon! Gusto ko ng umuwi at matulog. Ang daming nangyari sa araw na to! Kaya napag desisyunan Kona umuwi na.



"Uwi nako!" Matamlay kong Sabi sakanila!



"Huh? Hindi pa uwian a." Sabi ni Aiah.



"Last subject na naman yung kanina, absent pa yung teacher. Uwi nako! Bye."



Pumunta muna ako sa locker ko para kunin yung libro ko dahil may recitation pa bukas. Nag lakad na ako papunta sa parking lot at sasakay na Sana ako sa motor ko nang may biglang tumawag sakin.



"Jax!"nilingon ko ito at si Melvin Lang pala.



Hindi ako nag salita at hinarap Kona Lang siya.




"A-ahh.. Binilhan Kita ng T-shirt" nahihiyang Sabi niya! "Oh." Sabay abot sakin nung paper bag. Tinignan kolang Yung paper bag na hawak niya pero ayaw Kong tanggapin. Marami akong damit!


"Ba't ka bumili?" Takang tanong ko.


"Ahh.. Kasi... " Hindi maka sagot ng diretso kaya itinaas Kona Ang kanang kamay senyales na tumigil na siya. Alam Kona Ang ibig niyang sabihin!



Tsk! Tanggapin Kona nga Lang!




Kinuha ko sa kamay niya Yung paper bag at tinitigan siya!


"Magkano ba?"



"H-Hindi ko pinapabayad sayo."


"Gumastos kapa." Walang ganang Sabi ko.


"No. It's okay. Afford ko Naman e." Hindi siya makatingin sakin!



"Hmm... Sige salamat. Una na ako." Paalam ko sakanya.





"Sige Jax ingat ka." Ngiti niya sakin.



Sinuot Kona Ang helmet ko at sumakay sa motor ko at pinaandar yun.



BAHAY



Nang makarating na ako sa bahay humiga agad ako sa sofa... Ang daming nangyari ngayong araw nato! Mag papahinga muna ako. Sa kalagitnaan ng pag higa ko, na alala ko Yung binigay ni Melvin... Kaya Dali Dali Kong kinuha Yun at binuksan!





O_O




Dalawang Malalaking T-shirt na plain black at dark blue!


Hmmm... Nice choice!



Marami Naman akong damit dito e, puro t-shirt, oversize, ganun Lang... Hindi ako nag dedress! At puro jogging pants din ang pang baba ko.



Huminga ako ng malalim at inilibot ko Ang paningin ko sa buong bahay ko! At nahinto Yun sa music room ko! Matagal na akong Hindi pumupunta sa parte na Yun! Dahil may maaalala ako pag pinasok ko Yun.



May piano, gitara, violin, drum at flutes... Marami akong alam na patugtugin, pero dalawang taon na Ang nag daan na Hindi ako tumutugtog at kumakanta..



Bigla ko ulit naisip Sina Mac!


Kailan niyo ba ako susugudin? Gusto ko Ng matapos to!



Tumayo ako sa sofa at kinuha ko ang dalawang dumbbells at nag simulang mag papawis! Gusto ko munang iiba ang pag iisip ko!





Sa totoo Lang Hindi Naman talaga magaling sa Laban Sina Mac, pero Hindi Kona alam ngayon...

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now