Chapter 53

1.1K 77 0
                                    

KEN'S POV

Naka ngiti akong nagising.

0_0

Nagulat ako ng mapansin kong may kumot at unan na ako at.. nasa ibang sofa ako.

Nasaan na kaya yun?

Bumangon na ako at pumunta na sa kusina at nag hilamos.

0_0

Laking gulat ko ng may nakahain na sa lamesa. Tinignan ko ang mga ito. Kamatis na hinalo sa itlog, hotdog at bacon. Napangiti ako.

Nasaan na kaya yun?

--,

"Weirdo.." tawag ko sa pangalan niya pero walang sumagot. "Weirdo.." tawag ko ulit pero wala parin. Saan kaya nag punta yun? "Weirdo.. kumain kana? Sabay na tayo.."

--,

Wala paring sumagot. Umakyat ako at pumunta sa tapat ng kwarto niya. Paulit ulit kong kinakatok ang pintuan niya pero walang sumasagot. Kaya napag desisyunan kong buksan nalang ang kwarto niya.

Sana hindi magalit.

Dahan dahan akong pumasok sa kwarto niya at..

0_0

Ang lawak ng kwarto niya! Ang ganda! Pero wala akong nakitang bakas ng isang Jaxcel. Maayos naman ang kama niya.

Saan na kaya yun?

Inilibot libot ko muna ang paningin ko sa loob ng kwarto niya. Maraming libro at talagang aakalin mong isang library na ito. May terrace. Tumungo ako sa terrace at naramdaman ko ang preskong hangin at init ng umaga. Habang dinadamdam ko ang preskong hangin.. may nakita akong naka jacket ng black na may hood habang nag jo-jogging.

Naagaw niya ang atensyon ko. Naka earphones siya. Tatakbo siya at titigil at mag wa-warm up. Hmm.. interesting.

Matapos niyang mag ikot ikot ay napansin kong tutungo siya dito. Nag taka ako lalo na't nabuksan niya ang gate na may password na alam kong si Weirdo lang ang nakaka alam. Dali dali akong tumakbo para pigilan siya. Nandito na ako sa sala at..

"Kumain ka na?"

0_0

Ang boses na yon.

Hindi ako pwedeng mag kamali.

Boses yun ni Weirdo.

Bigla niyang tinanggal ang hood ng jacket niya at..

0_0

Si Weirdo nga!

"H-Hindi pa.." bat ako nauutal ngayon? Tch.

"Parang naka kita ka ng multo." Natatawang sabi niya at tinanggal na niya ang jacket niya. Naka white shirt na siya ngayon.

"H-Hinahanap kasi k-kita.."

"Ahh.." pumunta siya sa mga dumbbells niya at nag patuloy na nag work out. Napatitig ako sa mga hawak niya. Ang lalaki ng mga yun! Nabuhat niya talaga?! Sa pag kakatantya ko nasa 5 kilos yung mga yun. Tch. 2 kilos diko na kaya eh yang babaeng yan pa kaya na mukhang lalaki. "Kumain ka na.. mamaya pa ako."

--,

"Nag aalala ka sa'kin no?" Panunukso ko sa kanya. Nilingon niya ako ng blangko at bumalik din sa dati.

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now