Pagtatapos

1.7K 105 1
                                    

KEN'S POV

Makalipas ang mga taon. Naka pag tapos kaming lahat na mag kakaibigan. Ikinasal na sila Aiah at Melvin last year. Sumunod naman sina Steve at Zenny. At katatapos lang namin ni Jax.

Hanggang ngayon kinikilig parin ako kapag kasama siya. Sa mga naka lipas na taon hindi talaga maiiwasan ang pag aaway, hindi pag kaka intindihan, at selos. Sa totoo lang, ako lang naman talaga ang ganun eh. Si Jax talaga ang umuunawa sa'kin. Lagi niya akong iniintindi. Pero ipinangako namin sa isa't isa na kahit may hindi pag kaka intindihan walang mag hihiwalay. Hindi ko yun hahayaan na mangyari.

Naging isang successful na Abogado si Jax habang ako ay isa nang Engineer. Minsan nga ang tawagan namin sa isa't isa pag trip lang namin eh Atty. Del Falco at Engineer. Harrison but now she's Atty. Harrison.

May sarili na kaming bahay, negosyo at farm. Sa dating bahay ni Jax at doon na nakatira ang mga kapatid niyang sina Neil at Yel. Malalaki na sila at talagang gwapong gwapo na. Pero syempre mas gwapo ako. Yung mga negosyo ni Jax noon ay negosyo na namin ngayon dahil nga mag asawa na kami.

"Love.." gising ko sa kanya dahil napaka himbing ng tulog niya.

"Hmm..."

"Nag luto na ako ng breakfast.. let's eat.."

"Hmm.." nag unat unat siya at saka inaantok na tumingin sa'kin. "Anong breakfast, Love?"

Nginitian ko siya at sinabing.."Ginisang kamatis na may itlog. Kaya bumangon ka na diyan." Natuto ako sa pag luto niya ng ganyan kaya talagang inaral ko kung paano mag luto nun. Siya ang madalas mag luto pero maaga akong nagising para tignan ang susunod na project ko kaya naisipan kong ipag luto siya. Good husband diba? Hehe.

"Inaantok pa ako.." natulog na naman kuno siya.

May naisip ako at humiga ako sa ibabaw niya. "Dun ka nga!! Ang bigat mo!" Sigaw niya sa'kin.

"Babangon ka o Babangon ka?" Tanong ko sa kanya nang magka tabi na kaming naka higa.

"No choice.. Babangon." Bumangon na siya.

"Buti naman.. halika na." Binuhat ko siya pababa.

"Ken! Bitawan mo nga ako!"

"Pag binitawan kita.. mahuhulog ka!"

"Ibaba mo ko."

"Ganon." Ibinaba ko siya at ginulo ang buhok niya. Nag sipilyo muna siya at dumiretso na sa hapag kainan namin. Kaming dalawa lang ang nandito pero minsan nag o-overnight din yung mga kaibigan namin. Meron kaming dalawang maid pero nag bakasyon muna sila.

"Good morning.." tinitigan ko ang maamo niyang mukha.

"Good morning, Love.." hayyyy.. kinikilig na naman ako. Hehehehe.

"I love you, Jax.."

"I love you too, Ken.." sabay hinalikan ko siya ng mabilis at nginitian ko siya. Hinalikan ko na naman siya at nang matinag kami.. nag tawanan na lang kami.

Nag simula na kaming kumain. Nasa harap ko ngayon ang babaeng pinakasalan ko, minahal ko, at magiging future na magiging Mommy ng mga anak ko.

This weird girl is really swag, funny, at minsan abnoy. Kaya mahal na mahal ko itong babaeng ito. Wala nang iba.. wala nang iba ang papalit sa kanya sa puso ko.

Kung may papalit man.. ang gusto kong babae ay ang nangangalan na..

Jaxcel Ly Del Falco Shin - Harrison.

----------

END

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now