Chapter 18

1.3K 67 0
                                    

Jax's POV




Kahit Hindi pa sabado pumunta na ako Kay teacher Fred.. Wala na akong ganang makinig sa klase dahil sa pag tatalo namin ni Aiah!

Nandito na ako sa gym ni Teacher Fred.. At nagpalit ako Ng damit. Isang black jogging pants at isang fit na jacket color Gray.



"Sabik na sabik ka talagang mag ensayo ha?!" Bungad ni Teacher Fred. Tumango Lang ako sakanya at sisipain Kona Sana siya bigla sa tiyan kaso naunahan niya ako! Ako na Ang nasipa sa tiyan Kaya tumilapon ako at malakas na bumagsak sa sahig!



Ang bilis niya makaramdam! At Ang sakit ng sipa niya! Ang sakit pa Ng pwet ko! Tsk! Badtrip!



"Alam kong gagawin moyan, ramdam ko sa kilos mo." Malumanay na Sabi niya! Hindi ako nakapag salita, at tumayo nalang ako at hinaplos haplos ang pwet Kong masakit.



"Mag ensayo nalang tayo!"Inis na Sabi ko.



Nag ensayo kami at ganon padin, natatamaan niya padin ako at masakit na ang buong katawan ko! Halos tatlong oras kaming nag ensayo at talagang masakit na ang katawan ko! Hindi niya Lang masyadong nilalakasan Ang mga tira niya dahil kung lalakasan niya Bali Bali na Ang buto ko! Pero kahit na Hindi masyadong malakas Yun para sakanya, para sakin malakas Yun!





Tsk! Ano bayan! Gagaling pa Kaya ako?!



Naka ramdam ako ng inis dahil sa tingin ko Ang Hina ko! Ayaw kong maging mahina, ayaw kong natatalo! Dahil sa inis ko, sineryoso ko ang mga Palo ko sakanya at tuloy tuloy na pinag sisipa, hanggang sa napapaatras na siya pero Hindi ko Yun pinansin dahil nararamdaman ko parin Yung inis ko, pinag patuloy ko Lang Yun at dirediretsong itinumba siya at tumalon ako tas pumatong sa tiyan niya! Akmang susuntukin Kona siya nang pigilan niya ako!


"Teka! Papatayin mo ba ako?" Hingal na tanong niya. Tumayo ako at inilahad sakanya Ang kamay ko at inabot niya Naman Ito at hinila ko siya patayo. "Good Job! Napa tumba mo ako. Sa tingin ko sa susunod, Kaya Mona." Sabi niya habang nakangiti sakin at pinalo ang balikat ko at umalis sa harap ko papunta sa pinto at nakangiting bumaling sakin! "That's it for today, umuwi kana, keep it up."


Ako? Speechless hindi ko alam Kung paano ko yun nagawa, Basta Ang alam kong naiinis ako at siya ang pinag buntungan ko ng sama ng loob!


Pero kahit papano masaya ako at napa tumba ko siya! Konting practice pa Jaxcel, masisigurong handa kana! Handa na sa lahat ng Laban na maaaring dumating. At kahit papano handa ko nang ipag tanggol Ang sarili ko mag Isa.



Nag suot ako ng jacket at uminom muna ng tubig at umalis na din. Pinaandar Kona Ang motor ko at nag simulang mag patakbo.... Hindi parin mawala sa isip ko Ang ginawa ko Kay teacher Fred! Nagawa ko lang yun dahil na iinis ako, pero Sana sa susunod Yung seryoso Laban kona. Yung walang halong inis o galit.. Gusto ko siyang matalo sa pamamagitan lang ng kilos at ramdam.



Nakarating na ako sa bahay ko at pinark Ang motor sa dating pwesto niya... Habang nag papark ako nilingon ko muna ang dalawang sasakyan ko.. Yung kotse at sports car ko.



Matagal Kona kayong Hindi nagagamit.. gumagana paba kayo?! Sana gumagana pa kayo..

Di bale gagamitin ko nalang kayo pag may practice ako Kay teacher Fred o di Kaya pag bumisita ako sa resto.. Ayaw kong ipakita sakanila na mayaman ako, gusto ko ang tingin nila sakin mahirap Kaya ako nag dadamit at nag kikilos baduy dahil ayaw Kong ipakita sakanila ang tunay na ako..


To Love The EnemyWhere stories live. Discover now