Chapter 27

1.2K 55 0
                                    

Jax's POV








Pagod ako ngayon. Nakaka walang gana naman ngayong araw nato. Nakita pala ako ni payatot na umiiyak?! Tsk! Nakakainis! Okay. Hindi na ako mag paligoy ligoy. Tsismoso talaga siya. Ewan koba. Isa na rin yung kapatid ni Aiah, kalalaking tao ang ingay at ang kulit. Feeling close na siya sakin. Naiinis na din ako sakanya.




Umiiyak lang naman ako kanina dahil hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nandito si Calvin. Same school kami. Kung makikita o makasa lubong koman siya. Sana hindi na ako apektado sa nakaraan.



Narating ko ang bahay ko na tahimik. Syempre wala naman akong kasama dito e. Maski aso wala. Kaya nilinis ko muna ang motor ko at nag simula na akong nag papawis. Kinuha ko ang dalawang dumbbells ko at nag simula nang mag papawis. Bukas pupunta nanaman akong mag ensayo kay teacher Fred. Saturday bukas kaya dapat seryosohin kona ang laban namin. Sana matalo kona siya. Sana kaya kona.



Matapos kong mag papawis, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Sana maging okay na ang lahat. Nagpahinga muna ako at kumuha ng libro sa kwarto ko. Matapos non naligo na ako at nag timpla ng gatas. Oo, gatas. At nag luto ng ulam na adobo. Kung hindi ko man mauubos to ngayon pwede ko nang ulamin uli bukas.


Kumakain ako habang nakatingin sa isang dyaryo. Nag babasa ako hanggang sa mapunta ako sa litrato ng pamilya ko. Sila na ang pinaka mayaman dito sa lugar namin. Siguro gusto pa nilang maging mas pinaka mayaman. Dahil mas gusto lang naman nila PERA! Hindi man lang nila ako hinanap nung wala ako. Wala na talaga akong halaga sakanila. Sa totoo lang namimiss kona sila.


Niligpit ko na ang mga ginamit ko sa pagkain at pumasok na sa kwarto ko at naligo na. Hindi pa ako inaantok kaya kinuha ko ang cellphone ko at nag pa tugtog na pampatulog. Matagal na akong hindi tumutugtog. Nag bago na talaga ako. Habang tumatagal nakaka ramdam na ako ng antok at tuluyan na akong nakatulog.




K I N A B U K A S A N ! ! !


Maaga akong nagising at kumain papunta na ako sa gym ni Teacher Fred. Ginamit ko ang sports car ko at mabilis na naka rating sa gym niya pero sarado pa. Tinignan ko ang cellphone ko kung anong oras na.



0_0


7:00 am palang?!?!??


Bumalik ako sa loob ng sasakyan ko at nag hintay nalang. Tsk! Excited ba ako? Napa aga yata ako a. Maghihintay nalang ako dito. Kaya naisip ko munang mag patugtog muna. Ilang minuto lang ako nag hintay ay dumating na si teacher Fred. Binuksan kona din ang sasakyan ko at lumapit sakanya.





"Oh! Ang aga mo a." Bungad niya sakin.


"Oo nga e." Walang ganang sagot ko. Hindi na siya nag salita kaya pumasok na kami sa loob. Mag papapawis daw muna siya. Kaya nag papawis narin ako. Nag push up at curl up nadin. Hanggang sa pumawis na ako. Hanggang sa pareho na kaming pawis. Nagpahinga muna kami ng ilang minuto at nag simula nang mag ensayo.



Ngayon seryoso na ako. Kaya koto. Sana matalo kona siya. Sana kaya kona. Focus lang Jaxcel, kaya mo yan. Hindi ka basta basta nag papatalo diba? Kaya mo yan. Maniwala kalang sa sarili mo.


Nagsimula na kami at ngayon talagang sineryoso kona. Lahat ng pagtira niya naiiwasan ko at ako na ang tumitira sakanya. Nararamdaman ko rin ang mga paparating na pag tira niya sa likod ko o kahit na ano. Pinaki ramdaman ko ang mga bawat pwede niyang gawin. Kaya ngayon hindi na siya madalas nakakatira sakin.


Pinag sisipa ko ang tiyan niya at kinuha ko ang kamay niya at inikot ko papuntang likod niya. "Time!" Sigaw niya. Binitawan kona siya at kinuha ko ang bottled water ko sa gilid at uminom. Napagod ako dun a. "Congratulation, Jax. Kaya mona." Nakangiting bati niya sakin. Nag tataka naman akong napalingon sakanya.



To Love The EnemyWhere stories live. Discover now