Chapter 44

1K 68 0
                                    

"Mom, Dad nag confess na ako sakanya......."

Masayang sigaw ko sakanila habang kumakain sila.

"Ohh talaga baby? Oh anong sabi?" Masayang masaya si Mommy.

"Matagal na daw niyang alam Mommy."

"Talaga? Niligawan mo na ba?" Tanong naman ni Dad.

"E-eh nahihiya po ako eh." Napa kamot ako sa batok ko.

Nahihiya ako kay Weirdo dahil baka hindi siya pumayag. Ayaw ko namang masaktan ulit. Pero itutuloy ko parin ito, gustong gusto ko siya, ay mali mahal na mahal ko siya.

"D-dad, pa help naman oh." Nag puppy eyes ako kay Dad.

Inakbayan naman niya ako at bumulong. "I got you." Yessss!

"Thanks Dad, your the best!"

"Kumain ka muna brother, baka mamaya baliw kana." Singit ni ate, tch. Istorbo naman to eh. Nag eenjoy ako.

Kumain na ako ng mabilis at bumaon pa ako ng dalawang slice of cake para kainin ko mamaya sa kwarto ko. Mabilis din akong naligo at umupo sa harap ng salamin. Inaayos ko ang itsura ko at maya maya tatawagan ko si Weirdo.

Hay.... Ang sarap ma-inlove!

Dinial ko na ang number niya nag ri-ring na siya pero hindi niya ito sinasagot. Tch!


Sagutin mo na Weirdo! Gusto ko ng marinig ang boses mo!

Nakaka limang dial na ako pero hindi niya parin ito sinasagot. Naka ramdam ako ng inis, bakit ba siya nagka cellphone kung hindi niya naman pina pahalagahan.

Huminga ako ng malalim at sinubukang tawagan siya ulit.

Please, sagutin mo na.

Nasa pang limang ring na ito ng bigla niyang sinagot ang tawag ko.

"Hello?" Mukhang badtrip siya ah at bakit parang lalaki ang boses niya?

"H-Hello? W-Weirdo, ako to!" Naka ngiting sabi ko as if naman kung nakikita niya kung gaano ako naka ngiti ngayon.

"Payatot?! Paano napunta sayo tong number ko?!" Mukhang galit siya ah.

"Secret, ang importante kausap na kita." Naka ngiti parin ako habang inaayos ayos ang buhok ko at nag papa gwapo sa harap ng salamin.

Hayy.. kung nandito ka lang Weirdo.

"Tsk, may kailangan ka ba?"

"Meron," naka ngiti parin ako ano ba!

"Sabihin mo na!"

"Galit ka eh, paano ko naman sasabihin?"

Ramdam kong huminga siya ng malalim at tsaka nag salita "ano ba yun?" Yung boses niyang parang lalake kanina napalitan ng napaka ganda at napaka sarap sa pandinig na boses. Wow.

"Pwede mo ba akong kantahan?"

"Pwedeng iba nalang?"

"Please?"

"Ayaw ko!"

"Please Jaxcel?"

Wala nang nag salita sa kabilang linya at mukhang napa tigil siya sa sinabi ko. Jaxcel.

"Hello? Nandiyan ka pa ba?"

"O-oo,"

"Kantahan mo na ako please?"

"S-Sige, ano bang gusto mo?"

"Ikaw."

"H-Huh?"

"Ikaw na bahala kung anong kakantahin mo."

"S-Sige." Kinikilig na ata siya sa banat ng isang Kendrick Luke Harrison.

Narinig kong may piano na tumugtog sa kabilang linya at ang sunod nun ay ang napaka gandang boses niya.




To Love The EnemyWhere stories live. Discover now