Chapter 33

1.2K 79 0
                                    

Jax's POV

"Jax. Nag treat ako kanina. Saan kaba nag punta?" Kanina pa ako kinukulit ng mokong na'to hindi ko lang pinapansin.

"Tumahimik ka nga!"

"Sagutin mo lang yung tanong ko."

"Nag treat si Paul kanina. Tumahimik ka na." Pigil ko sakanya.

"Sinong Paul?" Tanong niya.

"Yung yumakap sakanya kanina. Boyfriend niya." Sabat ni Ella. "May practice pa tayo. Punta kana sa ka grupo mo. Chupi!" Pag papa alis ni Ella kay Dan.

"Okay. Sabay tayo mamaya Jax ah." Sabi niya at tumakbo na para mag practice sila ng mga ka grupo niya sa sayaw.

"Okay. Let's start na." Sabi ni Ella samin kaya nag practice na kami. Dahil ako daw ang center ako palagi ang nasa gitna. Medyo nakakalayo na kami ng step kaya maybe next week perfect na namin tong sayaw. Astig din kasi Intension by Justin Bieber.

Kanina pa ako pagod. Kasalanan kasi ito ni payatot. Sana lang hindi na niya itutuloy yung sa singing contest. Mabuti naman at na realize niya ang mga kalokohan na ginawa niya saken. Mabuti din at siya ang nag sorry.

Dapat lang! Siya ang nag umpisa eh.

Halos apat na oras kaming nag practice ng sayaw. Paulit ulit lang kami sa from the top yung mga ibang kasama ko hindi pa nila masyado memorize ang step kaya palagi kaming umuulit. Basa na ang damit ko ngayon dahil sa pawis. Ang haba pa ng buhok ko doble pa ang init na nararamdaman ko. Mag papagupit nalang ako pag may oras ako.

Tapos na ang practice namin kaya nag si uwi na kaming lahat. As usual sabay kami ni Danielle. Medyo gabi na tinignan ko ang oras sa cellphone ko at 6:27 pm na ng gabi. Nag lakad na kami ni Danielle hanggang sa parking lot at nakita namin si Aiah na nag hihintay sa labas ng kotse ni Danielle. Mag katabi lang ang sasakyan namin kaya malapit lang.

"You look exhausted Jax." Naih said.

"Wait. May boyfriend kana pala?" Danielle said while he pointed me.

"Huh?" Nag tataka kong saad.

"The Paul guy. Yung yumakap sayo kanina sa gym." Pag uulit ni Danielle.

"Ahhh.. so?" Sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko sa motor.

"Wala lang." Buti hindi na nag salita ng madami tong mokong na'to.

Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos at biglang may nahulog na libro sa bag ko. Pupulutin kona sana kaso inunahan ako ni Danielle kaya siya na ang kumuha mula sa sahig. Si Aiah naman pumasok na sa kotse. Inabot sakin ni Danielle ang libro at....

"Ano ba Ken! Sino ba kasi hinahanap mo?!" Boses ni Steve yun kaya napa lingon kaming pareho ni Danielle sa isang side ko na may kotseng itim. Si payatot ang nakita namin at Steve. Nang mag tama ang mga mata namin ni payatot bigla siyang natahimik at napatigil.

"U-Uhm Wala! Uuwi na ako." Sabi niya at tinignan ng masama si Danielle.

Mag kaaway ba sila?

"Danielle!!!" Biglang sigaw ni Steve at nakatingin siya sa likod ko. Kaya napa tigil si payatot at humarap sa gawi namin. Tinignan ko ang pwesto ni Danielle at nakita kong hawak na siya ni....

0_0

Mac???

Tinignan ko ang mga iba pang mga kasama ni Mac. Nasa apat silang lahat pero si Mac at Van lang ang nakilala ko.

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now