Chapter 39

1.1K 72 0
                                    

Jax's POV


Hindi ko na matago tong sakit na nararamdaman ko ngayon, hindi ko na kayang pigilin ang mga luha ko, sa bawat patak ng luha sa mga mata ko, nararamdaman ko ang sakit sa mga nag yayari sakin ngayon.

Sa totoo lang ayaw ko talagang umiyak sa harap nila, ayaw kong ipakita sakanila na nasasaktan ako pero hindi ko na talaga mapigilan. Bawat masasakit na salita ang lumalabas sa bibig nila tungkol sakin, nasasaktan na ako. Parang hindi nila ako anak kung ituring. Parang hindi na ako importante sakanila. Sa bawat sampal na ibinibigay nila sakin, sa bawat masasakit na salita, sa bawat sigaw nila, unti unti akong nawawalan ng pag asang maging maayos pa at babalik sa dati ang lahat.

Muli nanaman akong nasampal sa kamay ng mga magulang ko at sa mahal kong lolo.

Lagi nalang akong nasasaktan, lagi nalang akong sinisigawan, lagi nalang akong binabalewala.

"You okay, Jax?" Nag aalalang tanong ni Paul, I nodded. "I'm sorry, hindi kita natulungan."

"Ba't ganon sila?" Diretso lang ang tingin ko habang nag mamaneho siya. "Lagi nila akong tinatrato ng ganon." Maiyak iyak nanaman na sabi ko.

"Jax, please don't cry, it hurts me."

"Sige, mag maneho ka nalang." Sinabi ko na sakanya ang address kung nasaan ang bahay ko, para naman malaman na niya kung ano na ang katayuan ko sa buhay. Balak ko ring ikwento sakanya ang mga nangyari sakin matapos ang dalawang taon.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay ko, kaya ako na ang bumukas ng gate dahil may password yun. Nang nakapasok na kami dito sa loob,


0_0

"A-Auntie?" Nasabi ko nang makita ko siyang nanonood ng TV.

"Oh nandito kana," bahagya siyang napatigil dahil naka tingin siya sa likod ko "Jaxpaul? Okay na kayo?"

"Auntie," tumakbo na si Paul at yumakap kay Auntie. "Oo Auntie, okay na kami."

"What happen to you?" Baling ni Auntie sakin at naka taas na ang isa niyang kilay. "Nakikipag away kaba?"

"A-Auntie," huminga muna ako ng malalim. "Nag kaharap harap kami nila Lolo." Naka tungong sabi ko.

"Oh my! You okay nak?!" Nag aalalang tanong niya at lumapit sakin, hindi ko na mapigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "Did they hurt you?"

Hindi ko siya sinagot at bumagsak na ako sa sahig na luhaan, pagod, at lungkot habang humahagulgol na sa harapan nilang dalawa. "A-Auntie..." Nasabi ko nalang habang humahagulgol.

Lumapit na si Paul sakin at dalawa na silang nag papatahan sakin. "Ayaw ko nang masaktan!!!!" Sigaw ko habang humahagulgol parin.

"Shhh, calm down nak." Pag papatahan ni Auntie.

"Jax!" Sigaw ni Aiah yun pero hindi ko na siya nilingon, naramdaman ko nalang na nasa tabi kona siya pati si Danielle.

"Pagod na pagod na ako!!" Sigaw ko ulit "lagi nalang akong sinasaktan!! Ayaw ko na!!" Sa palagay ko namamaos na ang boses ko.

"Tama na Jax, I'm here." Mangiyak iyak na sabi ni Paul.

"Nak, mainit ka ah?" Takang tanong ni Auntie.

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now