Chapter 56

1K 61 1
                                    

KEN'S POV

Malaki ang pinag bago ni Jax simula nung madalas ko siyang nakaka sama.  Pala ngiti siya at palaging tumatawa. Salita na rin siya ng salita hindi tulad ng dati na parang tinatamad mag salita pero may mga time na ganun.. blangko parin at parang walang pake alam sa mundo pero hindi na madalas. Habang tumatagal palalim ng palalim ang nararamdaman ko par sa kanya para bang naaadik ako sa kanya ganon.

"Talaga?!!! Congats pre!" Sabi namin ni Steve kay Melvin dahil sila na ni Aiah.

"Salamat mga pre! Naunahan ko na kayo haha!" Pang aasar niya pero mukhang ako lang ang naasar at si Steve naman ay naka ngiti lang.

"Sa totoo lang ako yung nauna. Mag t-two weeks na kami ni Zenny!"

0_0

"Wow surprise yan ha! Congrats!" Nag fist bump naman sila ni Melvin.

Pilit akong ngumiti. "Congats Steve."

"Eh kayo? Di pa ba kayo ni Jax?" Baling ni Melvin sa'kin.

"H-Hindi pa eh.." nahiya ako bigla. Sila meron nang girlfriend eh ako single parin pero masaya ako dahil isa akong manliligaw ng isang Jaxcel Ly Del Falco. "Sandali. Tatawagan ko lang si Jax."

"Hello."

"Jax! Asan kana? Nandito na kami sa Canteen!"

"Nag bibihis pa kami."

"Kami? Sinong kami? Sinong kasama mo?!" Inis na tanong ko sa kabilang linya.

"Tsk! Si Aiah kasama ko! Huwag kang OA!"

"Ahh buti naman.. hintayin nalang namin kayo dito.."

"Geh."

"Ingat ka.. bye."

Kahit papaano napa ngiti na ako nang marinig ang boses ni Weirdo.

"Oh? Ano sabi?"

"Nag bibihis pa daw.. sabay daw sila ni Aiah."

"Yes!!" Napa lingon kami sa biglaang pag saya ni Melvin. "Makikita ko na si Aiah."

"Tch."

"Zenny!" Biglang tawang ni Steve. "Dito!"

"Hi Steve! Good morning sainyo." Masayang bati ni Zenny sa amin ngitian lang namin. Sunod na dumating sina Johnny at Rodell.

"Yow! Good luck sa lahat!!"

"Galingan natin!"

"Talagang gagalingan natin!!" Malakas ang loob na sigaw ko.

"Tsk!"

0_0

Sa narinig kong iyon napa ngiti na ako. Alam ko na kung sino yun.

"Weirdooooooo!!"

"Aiaaaahhhhh!!!"

Sabay kami ni Melvin na napa yakap sa kanila. Masayang sinalubong ang mga bagong ligo na sina Aiah at Jax. Blank expression na naman si Jax habang si Aiah naka ngiti lang kay Melvin. Naiinggit ako.

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now