Chapter 38

1.1K 71 1
                                    

Jax's POV

Grabe! Ngayon ko lang nalaman na ang special guest namin ay ang mga Shin! Ang pamilya ko. Hindi man lang sinabi ni Paul na dadating sila dito, sana hindi nalang ako pumasok. Hindi pa ako handang mag pakita sakanila, lalo pa ngayong may mga pasa at sugat ako. Tsk!

Isa pa si Calvin, parang kabute na susulpot nalang bigla. Pero kaninang hinawakan niya tong braso ko, parang gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Siguro iniisip niyang galit ako sakanya. Hindi. Hindi ako galit sakanya at ni minsan hindi ako nagalit sakanya.

At mabuti nalang na dumating si Paul, hindi pa ako handang maki pag usap sakanya. Sa ngayon huwag muna.

Tong mga kasama ko, may pa tago tago pa silang nalalaman, eh nararamdaman ko naman na sumusunod sila, pero hindi ko nalang pinansin. Naawa ako sa mga bata yun. Sana mag kita kami ulit at makilala ko ang mga magulang nila. Gusto ko silang ipasok sa resto ko, para naman hindi sila nagugutom.

Sobra akong naka ramdam ng saya dahil nakita ko na ang mga kapatid ko. Ni hindi ko sila nakilala kaya hindi ko sila pinansin, pero sila napansin nila ako. Ang tangkad na nila siguro hanggang sa balikat ko sila at sobrang matured na nilang tignan. Nakaka tuwa, dahil nayakap ko na din sila sa wakas. Kaninang nayakap kona sila Paul, Neil at Yel, gusto kong maiyak dahil sa saya. Sa dalawang taon na pag layo ko sakanila, nayakap ko na din sila.

Pero nabago lahat ng yun, dahil ngayon ko lang nalaman na ang mga Shin pala ang special guest namin dito. Nice, ni walang nag sabi sakin. Nandito pa naman ako sa harap naka upo siguradong mapapansin nila ako, pero sana hindi.

Nag palakpakan ang mga istudyante sa pag i-introduce ni principal sakanila. "Jax.." nilingon ko si Aiah na nasa pagitan namin ni Danielle, mukhang nagulat din si Aiah sa mga nangyayari.

Nginitian ko nalang siya na parang wala lang sakin ang lahat. "Why? May problema ba?" Tanong ni Danielle.

"Wala." I said.

Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa harap at nakinig nalang. Habang nag papalakpakan ang mga students pumunta na sa harap si Lolo. Tinatawag namin siyang Professor pag nasa public kami at Lolo naman pag kami kami lang.

"Good afternoon students!" Maligayang bati ni professor sa lahat. "I'm sure kilala niyo ako and my family, hindi na nakasama yung asawa ko kase may importanteng inaasikaso about business, so before I announce about the schedule of your programs," tumigil muna sa siya saglit. "Mag tatanong ako sainyo at pipili ako ng student na sasagot sa mga katanungan ko, just for fun diba?"

"Yes professor." Sagot ng lahat.

"Naku baka ako ang mapili."

"Huwag naman sana."

"Grabe naman to."

"Parang graded recitation?"

"Naku sana hindi ako mapili."

"Siguro nakakatakot siyang magalit." Sinabi mo pa.

"Oo nga eh, sa dating palang ng pamilyang Shin, kakaiba na."

Mga bulungan ng mga students.

Tsk! Just for fun? Nakakatawa naman.

"Okay, so this is my question. How many moons in planet Saturn?" Tsk! Easy. "Okay, answer..." Nag hanap siya ng sasagot. "You." Turo niya sa pinaka likod. "You blue shirt guy." Sabi niya at mukhang kinakabahan yung lalaki habang nag lalakad papunta sa harap.

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now