Chapter 47

1.2K 74 0
                                    

Jax's POV

Bukas na ang Party. Kaya obviously lahat ay excited. Yung mga kaibigan ko nakabili na ng dress nila at ako naman, syempre mas astig hehehe. Costume namin sa sayaw.

"Uy guys, sino naman date niyo?" Tanong ni Zenny saaming lahat. Wala ng masyadong lessons ngayon dahil lahat nag pa-practice na sila para sa party.

"Hmm, ako wala pa eh." Sagot bigla ni Aiah.

"Nag hahanap pa ako." Si Johnny.

"Edi kayo na mag partner," turo ni Zenny kila Johnny at Aiah. Natawa ako. "Tas si Rodell at Jax naman,"

0_0

Wtf?!

"Dance 5 ako."

"Ah oo nga pala."

"Edi tayong dalawa na lang Zenny." Sabat ni Rodell.

"Ahh sorry, may date na ako."

"Huh, Sino?"

"Si Steve hehehe."

"Kayo na ba?" Tanong ni Aiah.

"Hindi pa hehehe."

"Si Danielle, Aiah?" Tanong ko habang palinga linga sa gilid ko.

"Nasa dance hall ata, mukhang ganado ang loko."

"Ah sige una na ako." Narinig ko pa ang mga pang iinsulto nila pero hindi ko na pinansin. Naglakad na ako hanggang sa dance hall ng biglang....

"HAHAHAHA," ang.. ang tawa na yun.

Biglang tumambad sa harap ko ang mga pag mumukha nila Mark.

"Mag isa ka lang?" Tanong niya habang titingin tingin pa sa gilid ko. "Kawawa ka naman." Nag tawanan pa sila ng nag tawanan. Saang banda ba ang nakakatawa?

"Ha ha ha ha," sambit ko habang blangko ko silang tinitigan.

"Nang iinsulto ka ba?" Galit na tanong ni Mark.

"Ano bang tinatawanan niyo, makiki tawa ako."

"Hoy! Pag uminit ang ulo ko, hindi ako mag dadalawang isip na tapusin ka!" Banta niya saakin.

Tsk, hindi mo pa alam kung sino ako bukod sa pagiging Shin.

"Okay."

"Huh? Yun lang isasagot mo?!"

"Ano bang gusto mong isagot ko?"

"Hoy, huwag mo akong galitin!"

"Umalis ka sa harap ko,"

"Ha! Inuutusan mo ako?!"

"Kase dadaan ako," kalmado parin ang tono ko.

Hindi ko na sila pinansin at nilampasan ko nalang sila. Talagang nag sama pa talaga kayo ni Mac ah? Huh!

Kala niyo natatakot ako?! Maski sila Mac hindi pa nila nakikita kung ano talaga ako. Pag nalaman kong dinamay niyo ang mga kaibigan ko, hindi niyo na makikilala ang isang ako.

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now