Chapter 40

1.3K 73 0
                                    

Ken's POV

Maaga akong nagising dahil sa sobrang excitement. Hihingi ako ng advice kila Mommy and Daddy about kay Jax. Actually hindi pa nila kilala si Miah noong nililigawan ko palang siya pero alam nilang may nililigawan ako noon. Naligo na ako at nag palit at dali daling bumaba.

"Good morning, everyone!!!!!" Masayang bati ko sakanila.

"Mukhang maganda ang gising ng baby ko ah..." Nakangiting sabi ni Mommy habang silang lahat ay kumakain na.

"Meron siguro siyang magandang panaginip, diba baby brother?" Tanong ni ate at umupo na ako sa tabi niya.

"Maybe? HAHAHA,"

"Sobrang saya mo ata ngayon Ken?" Si Daddy.

"Bawal bang sumaya Dad?"

"Hindi bawal maging masaya, pero iba yung saya mo ngayon iho." Singit ni manang nginitian ko lang siya at bumaling kila Mommy and Daddy.

"I think I'm i-inlove again." Nakatungong sabi ko.

"Really????" Nakangiti at medyo pasigaw na sabi ni Mommy.

"Yeah!! Congrats brother!"

"Who's that girl?" Tanong ni Daddy.

"Dad, nakakahiya." Nag pout ako.

"Just say it!" Excited talaga si Mommy.

"S-Si.." nahihiya ako!

"Sino?"

"Si J-Jax po." Arrrrggghh!! Namumula na ata ako.

"Yeheyyyyy!!!!!!!"

0_0

Lahat sila nag palakpakan at nag sigawan?!

"Yieee... Gusto ko siyang mag dinner dito mamaya baby.. diba honey?"

"Yeah," sagot ni Dad.

"M-Mom.. next time nalang." Sabi ko.

"Huh? But why?"

"I think she's not okay for today, she's sick yesterday eh."

"Aww.. ganun ba?" Parang nalungkot si Mommy. "Ipag luluto ko nalang siya, at bibigyan ko siya ng mga fruits." Dali daling tumayo si Mommy at nag luto nga ng mga pagkain at nag lagay ng mga prutas sa isang baunan. "Ibigay mo yan sakanya ah, paki sabi na mag pagaling siya para maka pag dinner siya dito hihihi."

"Yes Mom. Bye guys!" Sabi ko at lumabas na.

"Bye, good luck!" Pahabol nila.

Sumakay na ako ng kotse ko at pinatakbo kona. Hindi na ako naka hingi ng advice sakanila dahil nahihiya ako sakanila. Arrrrggghh! Ang hirap naman nito! Kila Steve nalang ako hihingi tutal mukhang expert naman yun. Nandito na ako sa parking lot at nag lalakad na ako papunta sa school at bitbit ko ang pagkaing niluto ni Mommy para kay Weirdo.

Parang nihihiya ako kay Weirdo! Paano ko ibibigay to? Arrrrggghh! Ano bayan!

Nagtitilian nanaman ang mga babaeng nalalampasan ko pero hindi ko na sila pinapansin.

Sorry girls,..

Nandito na ako sa room at nandito narin sila Steve at Melvin. "Wow, ano yan?" Nguso ni Steve sa hawak ko.

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now