Chapter 21

1.3K 75 0
                                    

Jax's POV



Nagising ako sa malakas na boses ni Aiah! Kahit kailan istorbo talaga tong babaeng to. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko sila Aiah at Paul na nag hahanda na ng makakain. Hindi pa Naman ako gutom, gusto ko munang matulog!


"Bumangon kana nga diyan!" Sigaw ni Aiah sakin. O diba? Kahit kailan istorbo talaga.

"Tsk! Ang sarap ng tulog ko, sinira mo!"

"Tinemplahan kita ng gatas, lalamig na to."

O_O

Gatas?

Syempre bumangon nako. Nag simula na kaming kumain at nag kwekwentuhan ng Kung ano ano. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na kasama ko ngayon si Paul. Siya kase ang pinaka close kong kapatid o di kaya sa lahat ng miyembro ng pamilya ko siya talaga ang malapit sakin. Hindi naman ako nagalit sakanya e, nag tampo lang siguro ako.. Basta hindi ko alam ang nararamdaman ko, basta ang importante nasa tabi ko ngayon si Paul.


Hindi ko siya madalas na tawaging kuya. Wala lang trip ko lang. Para sakin, hindi bagay ang tulad kong guma galang. Bastos ba? Ewan ko. Pinipili ko ang ginagalang ko. Walang makakapag pabago niyan sakin.

Natapos na kaming kumain at biglang pumasok yung doctor ko. "Kamusta pakiramdam mo iha?"

"Okay na po ako,Doc. Medyo masakit pa ang katawan ko."

"Magpahinga kalang ng dalawang araw. Pwede ka nang lumabas mamaya." Ngiti niya sakin kaya nginitian ko narin siya. At umalis.

Pumasok na si Paul ganon nadin si Aiah. Kaya magisa lang ako ngayon. Wala silang awa no? Iniwan nila ako ditong mag Isa! Nakakabastos lang. Tumawag nalang daw ako sakanila pag may kailangan ako. Tsk! Boring! Wala akong magawa dito at nag mumokmok. May nakita akong isang libro na nakapatong sa side ng table ko at binasa Yun.. libro siguro ni Paul.

Maganda yung story kaso kapal nung libro, mukhang Hindi ko agad matatapos to. Marami akong libro sa bahay, meron din sa kwarto ko.. mahilig akong magbasa ng Kung ano ano. Nasa kalagitnaan na ako ng biglang bumukas ang pinto. At lumabas dun si...

O_o

Si payatot!? Anong ginagawa niya dito? Dadalawin? Tsk! Wala sa itsura niya e.

Tila nagulat siya nang mag tama ang mga Mata namin! Wala ako sa mood, kaya tinitigan ko lang siya ng walang kagana gana. At binalik sa libro ko ang binabasa ko.

"U-Uhm.. Hi. Pwedeng pumasok?" Utal utal na tanong niya. Tumango tango lang ako at hindi siya tinignan. At ayun pumasok siya at umupo sa sofa.. Tahimik lang siya kaya nag salita na ako.

"What are you doing here?"

"Uhm... A-ano k-kasee...." Hindi siya maka salita! Tsk! Walang kwenta..

"Ano?"

"W-Wala, alis na ako." At Dali Dali siyang umalis sa kwarto ko. Anong nangyari dun? Anong trip nun? Abnoy! Ilang oras pa akong nagbasa sa libro at nakatulog nako at hinintay sila Paul na dumating para makauwi na ako.



Ken's POV


Nasa gate na ako ng maka salubong ko si Aiah. Bakit sila mag kasama ni Paul? Sino nagbabantay Kay Weirdo? Iniwan ba nila mag Isa si Weirdo?

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now