Chapter 6- A night with them

3.3K 130 10
                                    

Aireze's POV

"Anong gusto mong kainin?" Pangungulit ko kay Kyungsoo pero ayaw niya parin magsalita at puro iling ng ulo ang nakukuha kong sagot mula sa kanya.

Ang kulit talaga. Nandito kasi kami sa mansion nila oo kasi sobrang laki ng mansion nila isipin mo labing-dalawang lalaki ang nagsama-sama sa iisang bahay. Hindi ko rin akalain na puro lalaki pala ang nakatira dito dahil sa sobrang linis at parang takot madapuan ng alikabok.

"Ayaw mong kumain at ayaw mo rin pumuntang ospital para ipagamot yang sugat mo." Bumuntong hininga na lang ako at umupo sa harapan niya. Madilimna rin sa labas baka hinahanap na ko ni Nanay. Nako lagot.

"Look i'm okay, ginamot na ko ni Lay." Sabi niya at tinapat sa mukha ko ang kanang braso niya kaya tumango na lang ako

Sabay kaming napalingon sa may malaking pintuan at iniluwa doon ang labing isang mga lalaki. Lahat sila ay basang-basa ng pawis at nakadagdag naman yon sa gandang lalaki nila. Pero bakit may isang half naked. My virgin eyes.

Napa-awang ang bibig ko at naramdaman ko nalang na may malambot na kamay ang tumakip sa mata ko.

"Hey Suho wag mong takpan ang mata niya. I'm the hottest guy in this world. Isa ako sa dahilan kung bakit na imbento ang salitang hot. That's all." Narinig kong sabi nung half naked. Ang pervert niya. Halata ko na iyon sa aura niya

"Sunog magdamit ka nga." Sabi naman ni Baekhyun, mabuti at kilala ko na ang mga boses at pangalan nila hindi nako nalilito.

"Kai, kakatapos lang ng pista ng Black Nazaren kaya pwede mo ng itago yang katawan mo." Sabi naman ni Chen nahalatang nagpipigil ng tawa

Nakarinig ako ng mga yabag paakyat sa hagdan at kasabay ng pagtanggal ni Suho ng kamay niya sa mga mata ko. Nginitian ko siya at ganon din ang ginawa niya.

Pero kahit na nakangiti siya parang may kung anong lungkot ang nasa mga mata niya. I saw longingness inside his eyes. Who are you? Bakit ang gaan ng loob ko sayo. Naramdaman ko na lang na yakap yakap na niya ako ng mahigpit.

"Aakyat lang kami, bro." Narinig kong paalam ni Luhan

"I'm glad you are alright. You don't know how much I care for you. Nag-alala ako ng sobra sayo, natatakot akong mawala ka ulit." Sinseridad na sabi ni Suho pumiyok pa siya dahil umiiyak na siya, nababasa na rin ang balikat ko dahil sa mga luha niya.

Hindi ko alam pero ginantihan ko na lang din ang yakap niya. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang konektado tayo sa isa't-isa, not in a romantic way.

"Nagkakilala na ba tayo?" Tanong ko sa gitna ng yakapan namin. Ilang minuto ang katahimikan at kumalas na siya sa yakap. Nakita ko pang pasimple niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi niya.

"Higit pa sa magkakilala." Sa sinabi niya may kung anong naalala ang isip ko pero sobrang labo at kahit anong pilit ko ay hindi ko makita.

"Wag mong pilitin ang sarili mong alalahanin ang lahat. Handa kaming maghintay hanggang sa dumating yung oras na ikaw mismo ang lalapit samin." Marahan niyang hinagod ang buhok.

"What a sweet brother and sister scenario." Napalingon ako kay Baekhyun na kasalukuyang pababa ng hagdan.

"Ah kailangan ko ng umuwi hinahanap na ako sa bahay." Nagmamadaling sabi ko pero pinigilan ako ni Lay kaya nilingon ko siya

"Wala pa naman pasok bukas pwede bang mag stay ka muna kahit ngayong gabi lang?" Pag-mamakaawa niya, nilibot ko naman ang tingin ko sa iba at ganon din ang mga itsura nila.

|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon