Taehyung/V's POV
She passed out dahil na rin siguro sa pagod. Dinala ko na lang siya sa secret place ko na tanging ako lang nakakaalam. Kaya nga secret hindi ba?
"Kailan kaba babalik? May unfinish business ka pang dapat tapusin." Bakit ko ba kinakausap ang tulog? Nababaliw na ako. Marahan kong tinaggal ang suot niyang makapal na salamin. Hinawi ko rin ang ilang hibla ng buhok niya para makita ko ang kabuuan ng mukha niya.
"Napaka peaceful mo kapag tulog. Napaka amo ng mukha mo pero there's a demon inside you. Isang pagkatao na kakatakutan ng lahat." Ang fluffy ng pisngi niya parang gusto kong pisilin. Bwi behave nagpapahinga yung tao. Pero kasi isang sundot lang.
"Fuck ang lambot triggered ako." Paulit-ulit kong sinundot ang pisngi niya. Parang marshmallow sa sobrang lambot at isa pa napaka kinis. Bigla tuloy akong nagutom.
"Ano ba yang ginagawa mo?" Nanlaki ang mata ko ng makita kong gising na siya at naka kunot ang noo.
"Ahh kasi tinignan ko lang kung gaano kalambot yung pisngi mo para kasing siopao." Sabi ko habang nagkakamot sa batok at ngumiti ng malapad.
"Thank you pero kailangan ko ng umuwi." Sabi niya at pinipilit na bumangon pero agad ko siyang pinigilan.
"Duh hindi mo pa kaya. May tuna sandwich ako dito." Inabot ko sakanya 'yon pero tinitigan niya lang ako. Alam kong gwapo talaga ako, sanay na ako sa mga ganitong scenario.
"Hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang yan. Eat now." Sabi ko at nilagay na sa mismong kamay niya ang sandwich. Isang tipid na ngiti lang ang sinukli niya sakin habang kumakain.
"Anong tawag sa dwendeng may abs?" Hindi ko kasi mapigilan ang bibig ko, ayoko ng tahimik. Nagsalubong naman ang kilay niya at tinignan ako.
"Meron ba non? Sige an?" Tanong niya pero bago ako sumagot ay kumuha ako ng tissue para punasan ang gilid ng labi niya. Nagulat siya sa ginawa ko pero nginitian ko lang siya.
"Ang tawag sa dwendeng may abs ay Jimin." Bigla naman siyang natawa kaya naman napaubo siya. Agad akong kumuha ng tubig at binigay sakanya.
"Ang harsh mo naman sa height ni Jimin." Natatawang sabi niya kaya natawa na lang din ako. Ang ganda ng ngiti niya. Angelic smile, na kahit sino ay mapapatitig sa kanya.
*you know it all you're my bestfriend-*
Namjoon (Badjao) Calling...
"Sandali lang sasagutin ko lang 'to." Paalam ko at tumango lang siya habang nakangiti kaya lumabas na ako ng kwarto.
"Hello Namjoon-hyung"
"Kasama mo ba siya?"
"Oo nasa kwarto siya ngayon, pinagpapahinga ko lang. Anong plano niyo?"
"Wala muna sa ngayon. Ihatid mo na siya dahil pinapapunta tayo ng EXO sa headquarters nila." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinutol na niya ang tawag. Binalikan ko na si Sulli at nakita kong nakatayo na siya sa gilid ng kama.
"I will drive you home." Sabi ko at tumango naman siya at sinundan ako palabas.
"Salamat talaga, V tatanawin kong utang na loob itong ginawa mo." Sabi niya habang hawak ang magkabilang kamay ko.
"Wala 'yon, basta i'm always here for you. Alagaan mo na sarili mo. Mag-iingat ka." Paalala ko sakanya at ginulo ang buhok niya.
Tahimik at naging mabilis lang ang byahe papunta sa bahay nila. Sinigurado kong makakarating siya ng ligtas sa kanila. Dahil kargo ko pa kapag may nangyari sakanyang masama.
BINABASA MO ANG
|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost Princess
FanfictionI DON'T KNOW IF I WOULD BE ABLE TO CONTINUE THIS. REST IN PEACE MY ANGEL CHOI JINRI 101419 [EDITING] IT'S TRASH DON'T READ I'M STILL WORKING ON IT. MAGULO PA ANG PLOT. Flaming Princess is known as The Great Fighter in Gangster World. No pain and no...