Sulli's POV
Kasalukuyan akong nagluluto ng pancakes para kay V. 7am palang kaya for sure natutulog pa yung alien na yon.
"Sulli, hanggang kelan ka magiging manhid." Ayan na naman si Chanyeol hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko ang pagluluto.
"Tama na...sinasaktan ka lang niya" Sabi niya pa kaya lumingon ako sakanya
"May amnesia lang siya. Alam kong mahal niya ako, gagawin ko ang lahat maibalik lang ang alaala niya. Ayaw mo na bang nakikitira ako dito sa condo mo? Bibili na lang akong ibang unit." Sabi ko at tumalikod na.
Simula nung gabing pinagtabuyan ako ni V dito na ako nakatira sa condo ni Chanyeol. Alam naman nila Suho ang tungkol dito kaya hinayaan na nila ako.
Hindi naman ako pinapabayaan ni Chanyeol at sinusuportahan niya ako sa ginagawa ko para kay V, pero nakakapanibago iba ang kinikilos ni Chanyeol simula noong isang araw na pumunta dito ang Shinee.
"Sulli, gusto ko dito ka lang pero hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan kapag pinagtatabuyan ka ni V. Hindi kaba napapagod? Hanggang kailan Sulli? Hanggang kailan mo tatanggapin na hindi kana maalala ni V?" Sa sinabi ni Chanyeol ay nagpintig ang tenga ko kaya sinampal ko siya.
"Hinding hindi ako mapapagod na ipaalala kay V ang lahat dahil mahal ko siya. Bakit kaba ganyan!? Bakit bigla kana lang naging ganyan!? Imbis na tulungan mo ako ganyan ang mga sinasabi mo! Parang pinapamukha mo sakin na hindi na niya ako maalala! Ang utak nakakalimot pero ang puso hindi." Sigaw ko at palihim na pinunasan ang mga pesteng luha ko.
"I'm sorry ayoko lang masaktan ka." Mahinang sabi niya at kasabay non ang pagyakap niya sakin.
"Naguguluhan ako sabi ng utak ko tamana masasaktan ka lang pero sabi ng puso ko mahal ka niya wag kang sumuko. I choose what my heart says." Mahinang sabi ko
"Sulli sundin mo ang utak mo kaysa puso." Bulong niya
"Aalis na ako, dadalhin ko na kay V ang mga pancakes na niluto ko. Kumain kana nagluto din ako para sayo" Mahinang sabi ko at nag ayos na. Walking distance lang naman ang condo ni V dito kaya hindi hassle
-
Akmang kakatok na ako pero may narinig akong nagtatalo mula sa loob ng condo unit ni V.
"KIM TAEHYUNG! WHAT THE HELL! ANO BA SA TINGIN MO ANG SINASABI MO!" Kung hindi ako nagkakamali boses iyon ni Jungkook, nag-aaway ba sila
"Jungkook hindi mo naiintindihan! Pwede bang itago mo na lang ang lahat ng nalalaman mo. Ayokong may makaalam...lalo na siya." Boses ni V, naguguluhan ako...ano bang pinag-uusapan nila.
"Nasasaktan na siya sa mga ginagawa mo. Hanggang kailan!? Hanggang kailan mo siya sasaktan ng ganito!?" Sigaw pa ni Jungkook
Hawak ko na ang door knob pero nanatili parin ako dito. Kailangan kong malaman kung ano ang pinag uusapan nila
"Hindi ko alam Jungkook! HINDI KO ALAM! GINAGAWA KO LANG TO PARA SAKANYA! KAHIT MASAKIT PARA SAKIN GAGAWIN KO!" Ano bang pinag sasabi ni V.
"Sabihin mo na lang ang totoo!" Sigaw ni Jungkook kaya agad kong binuksan ang pinto
"Anong totoo?! Ano!? Sumagot kayo!" Sigaw ko sa kanilang dalawa at halatang nagulat sila
"A-ang totoo ay wala naman talaga siyang amnesia." Malamig na sabi ni Jungkook pero naka tingin lang siya kay V
"V...totoo ba?" Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, pero bakit...bakit pinalabas niyang may amnesia siya.
BINABASA MO ANG
|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost Princess
FanfictionI DON'T KNOW IF I WOULD BE ABLE TO CONTINUE THIS. REST IN PEACE MY ANGEL CHOI JINRI 101419 [EDITING] IT'S TRASH DON'T READ I'M STILL WORKING ON IT. MAGULO PA ANG PLOT. Flaming Princess is known as The Great Fighter in Gangster World. No pain and no...