Aireze's POV
Sa mga nagdaan na ilang araw ay hindi ko nakikita ang EXO pati na rin ang Dark Army. Mabuti na rin at ganito walang mangungulit sakin. Patuloy parin akong nagta-trabaho sa part time job ko.
"Aireze sabay na tayo pumasok." Nakangiting bungad ni DK sakin kaya naman tumango lang ako. Agad akong napatigil ng may naalala ako.
"Sandali lang DK, mauna kana pala may nakalimutan pa akong ayusin sa library." Nahihiyang sabi ko habang nakatungo.
"Matatagalan kaba? Hintayin na lang kita dito o kung gusto mo samahan na kita." Gusto ko man pero agad din akong tumanggi. Hindi ko masasabing mag kaibigan na kami dahil hindi naman kami madalas na nag-uusap. I'm still antisocial.
"Mauna kana DK, nakakahiya naman kung hihintayin mo pa ako." Sabi ko at tuluyan ng bumalik sa loob ng university.
Bakit kasi nakalimutan kong gawin ang inutos sakin. May mga estudyante pa at ni-isa man lang sakanila ay walang tumulong sakin. Siguro ay kung sexy at maganda ako ay nag-unahan na silang magbitbit ng dala kong mga libro. Ano ba itong iniisip ko? Kahit nahihirapan akong tignan ang nilalakaran ko ay pinilit ko nakakinis kasi itong patong-patong na libro na dala ko. Wala ng tao sa library sino ba naman ang tatambay dito ng ganitong oras.
Nilagay ko na sa iba't ibang bookshelves ang mga libro. Isang libro na lang at tapos na ko. Ilalagay ko na dapat ang libro ng makarinig ako ng kaluskos.
"May tao ba dyan?" Tanong ko at nag-echo pa ang boses ko. Baka naman guni-guni ko lang 'yon.
Naglakad na ako sa pinto pero nakakapagtaka dahil iniwan ko itong nakabukas. Baka siguro hinangin lang at di ko narinig na sumara. Pagbukas ko ng pintuan ay may kung anong malagkit na likido ang bumuhos sakin.
"You look like a walking shit." Pinunasan ko ang mata ko para makita kung sino ang nagsalita. It's Jessica, kasama ang nga alipores niya.
"You deserve that, bitch." Hindi ko maaninag kung sino ang nagsalita basta sigurado ako isa iyon sa mga alipores niya.
"Based on my research, bitch is a female dog." Sabi ko at nilagpasan na sila. Bakit ko ba sinabi iyon? Hindi ko na sila nilingon at nagmadali na akong makalayo doon.
Ramdam na ramdam ko ang mapanghusgang tingin ng ibang mga estudyante. I'm used to it. Sino ba naman ang hindi pagtitinginan dahil naliligo ako ngayon sa brown na pintura.
"Dapat sinamahan na kita." Nagulat ako dahil nandito pa si DK kung saan ko siya iniwan kanina. Nakita ko sakanya ang pag-aalala. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan siyang punasan ang mukha ko gamit ang panyo niya.
"Pwede mo bang hubarin yung salamin mo para mapunasan ko ng ayos yung sa bandang mata mo?" Tanong niya pero umiling na lang ako.
"Salamat, uuwi na muna ako magkita na lang tayo sa shop." Sabi ko at naglakad na palayo. Ayokong may nag-aalala sakin.
Hindi pa man ako nakakalayo sa university ay may kung sinong bumato ng kung ano sa ulo ko kaya naman lumingon ako.
"We are not yet done, bitch." Maangas na sabi ni Jessica. Sila na naman, hindi paba sapat itong ginawa nila sakin? Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong kasalanan sa kanila.
"Akala mo kung sinong anghel pero nasa loob naman pala ang kulo. Ang kapal din pala ng pagmumukha mo, Nerdy A." Mataray na sabi ng isa sakanila na itim at mahaba ang buhok nay suot na itim na relos. Lahat naman sila ay may suot ng relos na iba ibang kulay.
"Nilandi mo na ang EXO pati ba naman ang Dark Army." sabi naman nung kulay gray ang suot at nakasuot ng asul na relos. Binato niya sa harapan ko ang mga litrato. May mga pictures na kasama ko ang EXO na nagtatawanan mayroong kuha na kasama ko ang Dark Army sa coffe shop yung unang pagkikita namin. Naagaw ng atensyon ko ang litrato ni V na buhat buhat ako at walang malay.
BINABASA MO ANG
|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost Princess
FanfictionI DON'T KNOW IF I WOULD BE ABLE TO CONTINUE THIS. REST IN PEACE MY ANGEL CHOI JINRI 101419 [EDITING] IT'S TRASH DON'T READ I'M STILL WORKING ON IT. MAGULO PA ANG PLOT. Flaming Princess is known as The Great Fighter in Gangster World. No pain and no...