Chapter 3- EXO meets Aireze

4K 149 17
                                    

Chen's POV

Si Poging Chen at your service. Wanna know more about me? Well ako lang naman ang dahilan kung bakit na-imbento ang salitang handsome, gwapo, pogi, hanseum, at magandang lalaki. Sige na suportahan niyo naman ako.

Kilala niyo naman si Sulli diba? SIlence means yes. She's The Lost Princess and now hindi na siya mukhang prinsesa. Isa lang siyang nerd ngayon at walang pake sa ibang tao. Tatlong bagay lang naman ang napansin ko sakanya:

First she's a nerd

Second she's a fucking nerd

And third she's a goddamn nerd

Lahat kami nagulat sa bagong katauhan niya. Sa bagong Sulli na nagtatago sa pangalang Aireze Tan. Sobrang layo niya sa Sulli na kilala namin.

Ang Sulli na kilala namin ay matapang at walang inuurungan higit sa lahat pinaka ayaw niya ang mag-aral, dahil matalino na siya. Kabaliktaran ito ng pagkatao niya, I remember back then siya ang promotor sa lahat ng kalokohan and now sobrang tahimik niya at madalang magsalita.

"EXO mamayang lunch time. Kausapin na natin si Sulli." Sabi ni Suho kaya tumango kami bilang sagot.

"Ano naman ang sasabihin mo sakanya?" Tanong ni Lay kaya napakunot ang noo namin

"Lay, what kind of question is that?" natatawang tanong ni Kris pero nagkibit balikat lang si Lay.

Inatake na naman siya ng sakit niya. Malala na 'to.

"Lay wag mo kalimutan inumin ang gamot mo." Paalala ni Kyungsoo at tinapik ang balikat ni Lay.

Buong klase nakatitig lang kami sa bawat kilos ni Sulli. Binabantayan namin at parang sinusuri ang bawat galaw na gagawin niya. We should know kung ano ang nangyari sakanya at bakit di niya kami makilala. Siguro ay naiilang na rin siya sa tingin na binibigay namin sa kanya.

Tumunog na ang bell hudyat para mag tanghalian. Hinintay namin lumabas si Sulli oh I mean Aireze. Wala na ang lahat ng estudyante dito sa kwarto tanging kami na lang ng EXO at si Su—Aireze ang natira.

"Bakit hindi pa siya lumalabas?" Tanong ni Tao. Bakit samin niya tinatanong mukha bang alam ko ang sagot?

"Eating is not her style?" Sabi ni Kris habang nilalaro ang stuff toy niyang si Ace. Hanggang dito ba naman ay bitbit niya 'yon.

"Baka diet siya." Sabi ni Thehun ay Sehun pala. Inatake na naman ito ng pagkabulol sa S.

"Lapitan na kaya natin siya. Hindi niya ba tayo namumukhaan. Ang tagal kaya ng panahon ng pinagsamahan natin." Suhestyon ni Baekhyun habang tinititigan niya si Sulli.

"Tama, imposible naman na hindi niya tayo makilala. Wala namang nagbago satin." Sabi naman ni Chanyeol habang pinagyayabang ang biceps niya. Nakakadiri ang ginagawa niyang ito. Nagmukha lang siyang higante na may umbok ang braso.

"Merong nagbago marami!" Sigaw ko kaya naagaw ko ang atensyon nilang lahat.

"Ano naman?" Unison na tanong nila kaya ngumisi muna ako bago tumayo.

"Well, lalo akong naging handsome, humaba lalo ang baba ni Kris, Lumaki lalo tenga ni Chanyeol, si Beakhyun, Dyo at Suho gramps lalong lumiit, Si Lay lalong lumala ang pagka-ulyanen, Si Xiumin lalong naging matakaw, si Luhan lalong naadik kay Hello Kity, kita ninyo ang daming nagbago!" Sigaw ko. Kaya naman kanya-kanya silang batok sakin. Fuck. I don't deserve this kind of treatment.

"ARAY! Hindi na kayo mabiro. Pakiramdam ko magkakaroon ako ng ulcer." Anong klaseng mga kagrupo ito.

"Chen matuto kang mag-isip ang ulcer ay sakit sa tyan hindi sa ulo." Nakasimangot na sabi ni Suho pero inirapan ko lang siya. Edi siya na matalino ako na sobrang talino.

|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon