Suho's POV
Nasa isang malaking bahay kami...isang malaking bahay na puno ng kalungkutan.
Kung noon maingay at masaya, ngayon ay tahimik at malungkot.
Naka itim ang lahat. Nagluluksa ang lahat dahil sa pagkawala ni Kim Taehyung. Nasa isang lalagyan ang abo niya na nakalagay sa altar. Pinili naming ipa-cremate ang katawan ni V kaysa makita siyang naaagnas.
"Wala daw ganang kumain si Sulli." Walang emosyon na sabi ni Victoria at nagsimula na kaming kumain.
Maybe she need time para maka move on sa pagkawala ni V...ang taong mahal niya. Alam ko ang nararamdaman ng kambal ko dahil nangyari na sakin yan.
Nakaka panibago dahil puro ingay lang ng mga kubyertos ang naririnig ko sa apat na sulok ng dining area. Usually kasi kapag kumakain kami maingay, nandyan yung kahit puno ng pagkain yung bunganga magsasalita. Tapos mag aasaran pa na parang bata. Tapos ilang sandali lang may mga lumilipad ng ulam, kutsara o tinidor.
"Hanggang kailan ba tayo malulungkot ng ganito?" Malamig na tanong ni Jungkook habang nilalaro ang tinidor na hawak niya.
"Hanggang sa mag hilom na ang sakit..." mahinang sabi ni Sehun.
Tahimik na tumayo ang lahat at nagtungo sa sala. Seryoso at parang zombie lang kaming nanonood ng tv nang biglang marinig namin ang mga yabag mula sa hagdanan.
"GUYS! SI V! NASAAN SI V?!" Natatarantang tanong ni Sulli. Magulo ang kanyang buhok at mugto ang mga mata niya. Walang umimik kahit isa samin at ang iba ay nag-iwas ng tingin.
"S-sulli...w-wala n-na...s-si V" nauutal na sabi ni Luna at nilapitan si Sulli para yakapin. Nag-unahang tumulo ang mga luha ni Sulli at napaluhod na lang ito.
Hindi ako makatingin ngayon sa kambal ko...dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita siyang ganyan.
"Ang tanga ko...h-hindi ko man lang nagawang iligtas ang taong mahal ko..." Sabi ni Sulli habang umiiyak
"Don't blame yourself Noona..." Mahinang sabi ni Jimin at nilapitan si Sulli para yakapin.
"We need to be strong...because she need us. Our princess need us" Sabi ni Kris at nag nod naman kami. Tama si Kris. Dapat hindi kami ganito.
"We're here for you Sulli..." Sabi ni Jin
"Let's have a promise." Sabi ni Sulli habang nakatingin saming lahat
"A promise that neither of us can break. We will be together forever. Hindi ko kayo iiwanan, I'm sure of that, walang pwedeng umalis sa inyo dahil sama sama tayo...Nabawasan na tayo ng isa at ayoko nang mabawasan pa ulit tayo." Pagpapatuloy ni Sulli
Nagkatinginan kami sa isa't isa at ngumiti.
"We promise."
Author's POV
Sa loob ng isang linggo pinilit nilang maging masaya. Pinilit nilang tanggapin na wala na si V.
Hanggang isang umaga.
*ding*dong*ding*dong*
"May bisita ba tayo ngayon?" Pagtatanong ni Luhan sa kanila pero nag kibit balikat lang sila. Pumunta na sa Jhope sa pinto at binuksan ito.
"Sulli may bisita ka." Sabi ni Jhope at pinapasok ang lalaki. Nanlaki naman ang mata ng lahat ng makita ang lalaking pumasok.
"Long time no see Key" Bati ni Sulli, Si Key isa sa member ng Shinee.
"Well nandito lang ako para sabihin ang isang importanteng balita. Gusto ko sana yung tayong dalawa lang." Seryosong sabi ni Key. Umalis naman ang lahat at nagtungo sa kusina. Kaya si Sulli at Key na lang ang natira sa sala.
BINABASA MO ANG
|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost Princess
FanfictionI DON'T KNOW IF I WOULD BE ABLE TO CONTINUE THIS. REST IN PEACE MY ANGEL CHOI JINRI 101419 [EDITING] IT'S TRASH DON'T READ I'M STILL WORKING ON IT. MAGULO PA ANG PLOT. Flaming Princess is known as The Great Fighter in Gangster World. No pain and no...