Chapter 25- First Day

2.6K 113 11
                                    

Suho's POV

Hindi parin ako mapakali iniisip ko parin yung nangyari kagabi...sino ba ang nagtangkang pumatay kay Sulli. Natatakot ako na baka maulit ang dati na mawala ulit siya samin.

What if iisa lang ang nasa likod ng lahat.... yung aksidente noon at sa nangyari kagabi. Pero sino? Impossible kasi pinatay na ang Mafia Boss na sinasabi ng Dark Army

"Okay Guys, let's go ihahatid ko na kayo sa mansion niyo." Sabi ni Mom kaya naman sumunod na kaming lahat. Sumakay na kami sa van.

-

Hindi naman matagal ang biyahe kaya nakarating kami agad. Bumungad samin ang isang malaking gate at kusa itong bumukas.

Bumaba na kami sa van at napanganga kami sa lugar na ito. Sobrang laki ng lugar na ito. Puno at halaman ang nakapaligid sa mansion kaya sariwa ang simoy ng hangin. May malaking fountain sa gitna at may labirint din. Ang cool. Parang isang paraiso ang lugar na ito kung saan malayo sa magulong lungsod.

"Pumasok na tayo sa loob" sabi ni Mom at sumunod naman kami.

"Wow" yan lang ang nasabi naming lahat nang makapasok kami sa loob ng mansion. Nakakamangha...hindi ko ma explain basta ang ganda.

"So, nakikita niyo namang walang maids, diba. Kayo ang gagawa ng lahat ng gawaing bahay. Dapat marunong kayong magluto, maglinis ng bahay, maglaba at lahat ng house chores. Be independent. Marami naman kayo kaya, magtulungan kayo. Kasama niyo naman dito si Butler L." Paliwanag ni Mom

"Mom. Wala kaming alam sa household chores." Reklamo ko

"Kaya nga nandyan si Butler L para turuan kayo. Anyway may underground ang mansion kung saan isang training room at nandoon ang lahat ng weapons na kailangan niyo in case. First floor nandito ang living area at ;dining area. Second and Third floor room for boys. Fourth floor room for girls. Fifth floor nandoon ang game room, music room, studio, mini bar at movie room for short Entertainment Floor. And Last rooftop." Paliwanag ni Mom ang laki talaga nito.

"Don't worry may elevator naman dito para hindi kayo mapagod sa hagdan. Kung gusto niyong mag swimming may pool naman dyan. May labirint kung gusto niyo ng maze. Sa garage may hundreds of sport cars feel free to use." Dagdag pa ni Mom.

Kaya kami super nganga na lang. Ang cool talaga wala na kong hahanapin pa. Nandito lahat.

"Okay bye mauuna na ako. And by the way, kasama niyo rin titira dito ang Dark Army." Sabi ni Mom at umalis.

"What the hell! Hindi ko kayang tumira sa iisang bahay na kasama ang Dark Army." Inis na sabi Sulli.

"Ssul, why don't you give them another chance." Sabi ni Xiumin habang prenteng nakaupo sa malaking sofa.

"Yeah I think Xiumin is right. Kalimutan na lang natin ang nangyari noon. Move-on eonnie" sabi naman ni Krystal

"Paano ko sila pagkakatiwalaan, kung sirang-sira na ang tiwala ko sakanila. Bahala kayo." Mariin na sabi ni Sulli at nag walk out.

"I think we need to have a plan para magka-ayos na tayong lahat." Sabi ni Kai habang nakahawak sa baba niya.

"Hinding-hindi magkaka-ayos ang Dark Army at Exo." Mariin na sabi ni Luhan at nag walk out rin.

Bakit nga ba galit kami sa Dark Army? Simple lang. kasi mga sinungaling at manggagamit sila.

Well nalaman namin na kinaibigan lang nila kami because of money and fame. Worst, sila ang naglagay ng bomba sa barko kung saan ginaganap ang 14th birthday namin ni Ssul. Dark Army ang may kasalanan kung bakit nawala samin ang twin sister ko.

|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon