Chapter 41- Drunk

1.7K 80 17
                                    

Sulli's POV

Nagsimula na kaming mag-inuman. Kwento lang sila ng kwento tungkol sa buhay nila. Tapos mapupunta sa nonesense ang pinagkekwentuhan namin. Puno ng tawanan sa loob ng bahay na to.

"Tapos tapos, naalala niyo ba nung nawawala yung mga briefs ni Kris hyung? Grabe ang epic ng mukha niya nung nangheheram siya ng brief kay Chanyeol!" Tawa ng tawa si Chen at pati na rin ang iba ay naiiyak na dahil sa kakatawa. Namumula naman si Kris at tumatawa lang din si Chanyeol.

"HAHAHAHA! Si Chanyeol lang kasi yung....yung....pffft!" Hindi maituloy-tuloy ni Baekhyun yung sinasabi niya dahil sa kakatawa.

"Say it Baekhyun, and I'll kill you." Pulang-pula na si Kris dahil ba sa kahihiyan o dahil lasing na?

Lasing na rin kami dahil marami-rami na ang nainom namin.

"Hahaha! Si Chanyeol lang kasi yung ka-size niya!" Sabi ni Chen habang lahat kami tumatawa na parang wala ng bukas at halos hindi na makahinga at pagulong-gulong pa sa sahig.

"Hahaha-huk..." sa kakatawa ni Tao nauubo na siya mukhang nalunok niya ang laway niya. It's Kris turn to laugh at him. Nakaturo pa ito sakanya habang tawa ng tawa tapos sinabayan pa ng iba.

Napahinto ako sa pagtawa ng may naramdaman akong kamay na pumatong sa kamay ko.

Napatingin ako kay Luhan na tumatawa din habang umiinom. Napakunot ang noo ko sakanya. Napatingin naman siya sakin.

"What?" Inosenteng tanong niya. Psh anong what!? Hampasin ko kaya siya ng hawak kong baso. Pero infairness ang lambot ng kamay niya.

"Your hand." Simpleng sabi ko tapos umiwas ako ng tingin. Hindi nila nakikita ang kamay ko dahil nasa likod ito at nakadikit-dikit kami sa isa't-isa. Busy sila sa pagtawa kaya hindi nila kami napapansin na dalawa.

"I feel cold." Nakangiting sabi niya tapos tumawa ulit sa joke ni Chen. Napakunot naman ang noo ko. Nahihilo ako dahil lasing na ako pero kaya ko pa naman.

"Your hands warm." Sabi niya pero hindi parin siya nakatingin sakin dahil baka makahalata ang iba. Nagulat ako ng unting-unti niyang ipagsalikop ang mga daliri namin hanggang sa magka-holding hands kami.

"Alisin mo yang kamay mo." Cold na sabi ko pero ngumiti lang siya sakin at unti-unting lumapit. Mukhang nakuha niya ang atensyon ng iba dahil tumigil na sila sa pagtawa at seryosong nakatingin samin.

"Luhan hyung...anong...ginagawa mo?" Halos bulong na lang ang pagkakasabi ni Chanyeol.

Palapit ng palapit ang mukha ni Luhan sakin. Teka ano ba tong ginagawa niya?! lasing na ba to? It's like...he's going to kiss me.

Hindi ko siya matulak dahil baka makita nila ang kamay namin na magka-holding hands parin.

Magkadikit na ang noo namin. At kumakabog ang dibdib ko. Shit naman!

Nabigla ako sa susunod na nangyari.

"DAMN IT! FUCK LUHAN! SINUKAHAN MO AKO!" nandidiring sigaw ko

Author's POV

"Luhan hyung!" Sigaw ni Baekhyun at agad na pinuntahan si Luhan tapos hinagod-hagod ang likod nito. Habang napatitig lang si Sulli sa damit niyang sinukahan ni Luhan.

"YUCK!!!FUCK! KADIRI!" sigaw ni Sulli at tumayo habang inis na inis parin ang mukha. Nagtawanan naman ang iba dahil sa eksenang naganap. Buong akala kasi nila hahalikan talaga ni Luhan si Sulli.

Napabuntong hininga naman si Chanyeol at humawak sa dibdib. "Buti na lang" bulong niya sakanyang sarili.

"Tatayo kana lang ba dyan at tititigan ang damit na sinukahan ni Luhan? Bakit hindi ka maligo o magpalit ng damit?" Natatawang sabi ni Suho sa kanyang kambal.

|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon