Chapter 42- Bae

1.8K 71 12
                                    

Author's POV

Kinabukasan

"Grabe ang sakit parin ng ulo ko" sabi ni Chen habang hinihimas himas ang sentido niya. Umupo naman sa tabi niya si Kyungsoo as he placed his coffee on the table.

"Thanks Soo" sabi ni Chen at sumipsip sa coffee niya na ginawa ni Kyungsoo. Nasa dining room sila kasama sina Sehun, Xiumin at Tao. Yung iba kasi tulog pa.

"Wala akong alam dahil nakatulog agad ako kagabi." Sabi ni Sehun pero masakit parin ang ulo niya dahil marami siyang nainom at firat time niyang uminom ng hard drinks.

"Ako din. Nakatulog agad ako. Basta sa mga ganyan hindi ako makasabay kila hyung." Sabi naman ni Tao at sumipsip sa kape niya.

Napailing naman si Kyungsoo at tumingin kay Chen. "Ano alam mo ba ang ginawa mo kagabi?" Tanong niya habang nakataas ang kaliwang kilay nito. Nagkamot naman ng batok si Chen at nahihiyang umiling. Ganun naman kasi siya kapag lasing yan hindi niya alam ang mga pinaggagawa niya.

"Katulad nung uminom tayo ng hard drinks dati. Ganyan din ang ginawa niyo nila Kai, Suho at Baekhyun hyung. Dapat talaga sa inyo hindi umiinom ng mga hard drinks." Pailing-iling na sabi ni Kyungsoo

"Ang alam ko lang nag knock knock jokes sila." Sabi naman ni Xiumin

"Shit naman! Bakit hindi ko matandaan ang ginawa ko kagabi!" Kunot noong sabi ni Chen. Napatingin naman sila sa pinto ng makita nilang pumasok si Baekhyun na halatang kagigising lang.

"Kyungsoo, coffee please." Sabi ni Baekhyun at umupo sa tabi Xiumin. Walang nagawa si Kyungsoo kung hindi ay tumayo at pinagtimpla ng kape si Baekhyun. Siya lang naman ang marunong gumawa ng kape bukod kay Xiumin. Hindi lang makapag timpla ng kape si Xiumin dahil masakit din ang ulo nito.

"Baek, ano may naalala kaba?" Tanong ni Chen kay Baekhyun pero umiling lang ito. Pumasok na din naman sila Suho, Chanyeol, Kris, Lay at nagsiupo tapos nagpatimpla ng kape kay Kyungsoo.

"Last night was so fun though wala kaming maalala ni Chen" sabi ni Baekhyun habang nakatingin sa kanila. Nag-iwas naman ng tingin sakanya si Chanyeol kaya nagtaka si Baekhyun at napaisip. May nagawa ba ako sakanya kagabi?

"What do you mean, fun? It was tiring." Sabi ni Kris na masakit din ang ulo.

"Ano bang nangyari kagabi?" Tanong naman ni Suho tapos umiling-iling naman sila Baekhyun at Chen.

"Glad you didn't remeber" sabi ni Kris at umirap tumingin naman siya kay Chanyeol at nag-iwas naman ito ng ito ng tingin.

Dumating na ang mga kape nila at nagsi-inom.

"Luhan hyung, ayos kana ba? I remembered last night sinukahan mo si Sulli." Natatawang sabi ni Tao. Iyon kasi ang huli nilang naalala ni Sehun bago makatulog dahil sa pagkalasing.

Bigla naman nanlaki ang mata ni Luhan "Patay" bulong nito bago umupo. "Sobrang dami ba? Anong reaksyon niya? Galit ba siya?" Sunod-sunod na tanong niya.

Tumawa naman ang lahat. "Malamang hyung galit yon sayo. Inis na inis nga siya sayo kagabi eh. Akala namin hahalikan mo siya. Hahaha!" Tawa ng tawa na sabi ni Sehun

Namula naman si Luhan sa kahihiyan. Thank God pinasuka niyo ako. Bulong ni Luhan sa kanyang sarili.

Napatingin naman sakanya si Kris. So I see he didn't remember what happened last night. Tss that I Love You Sulli thingy.

Halos tumalon sa gulat si Chanyeol ng pumasok si Sulli at umupo. Nagpagawa din ito ng coffee kay Kyungsoo. Halatang masakit parin ang ulo niya dahil napatungo siya sa mesa.

|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon