Chapter 9- Dark Army

3K 131 17
                                    

Aireze's POV

*don't wanna be fool wanna be cool*

"Isang magandang umaga Miss Nerdy A!" Sigaw ko ng magising ako.

Nakatulala ako sa salamin habang pinagmamasdan ang tsura ko. Lumilitaw pala ang ganda ng mga mata ko kapag walang suot na salamin. Pero ako parin si Aireze Tan, kilala bilang gusgusing nerd. Ayokong baguhin ang sarili ko para lang matanggap nila.

"Kumain kana ng almusal at bilisan mo dahil baka mahuli kapa sa klase." Bungad sakin ni Nanay, isang tipid na tango lang ang tinugon ko bago mag simulang kumain.

"Ito ang baon mong pagkain para sa tanghalian. Pasensya kana anak. Hindi kasi kita mabibigyan ng pera ngayon. Gipit kasi ang nanay ngayon." Sabi ni Nanay pero nginitian ko lang siya at hinawakan ang kamay niya.

"Ayos lang po." Binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap.

"Napaka saya ko at dumating ka sa buhay ko...Pasensya na kung hindi ko maibigay ang mga bagay na dapat sayo." Makabuluhang sabi niya pero hindi ko na yon pinansin pa basta ang mahalaga ay maayos na kami.

"Nanay naman nagdrama pa po kayo. Hayaan ninyo at magsisikap ako lalo sa pag-aaral at maghahanap ako ng part time job para naman makatulong sa gastusin dito sa bahay."

"Naku napaka bait mo talagang bata. Hayaan mo na akong magtrabaho mag-aral kana lang."

"Nay, alam kong nahihirapan na kayo. Hayaan ninyo na po akong tumulong sa gastusin." Pagpupumilit ko sakanya.

Marami na siyang dugo't pawis para lang pag-aralin ako. Kahit kailan hindi ako nakatanggap ng sumbat sakanya. Sana ako naman ang gumawa ng paraan para masuklian lahat ng hirap niya para sakin.

"Hindi pwede. O' siya sige, mauuna na ako. Mag-iingat ka, ang bilin ko sayo lumayo ka sa mga lalaki. Huwag ka basta magtitiwala." Paalam niya bago tuluyang umalis.

Hindi niya ako binigyan ng sapat na dahilan kung bakit ko lalayuan ang labing-dalawang mga lalaking tumutulong palagi sakin. Wala akong magawa kundi sumunod sa mga bilin niya.

"Sorry Miss, hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo." Malumanay na sabi niya kaya itinaas ko yung ulo ko para makita siya.

"Pasensya na talaga, kasalanan ko." sabi ko pero nakayuko siya para pulutin ang salamin kong nahulog dahil sa pagkakabunggo ko sakanya. 

"It's okay, here's your eyeglasses." biglang nanlaki ang mga maliit niyang mata nang magkatinginan kaming dalawa.

"Thank you. Teka para kang nakakita ng multo ayos ka lang ba?" Tanong ko pero naka tulala parin siya sakin kaya kinaway ko sa harap ng mukha niya ang kamay ko. Ang weird naman ng taong 'to.

 Ang weird naman ng taong 'to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"J-jayshin..." Mahinang sambit nito. Bakit ba ang daming tumatawag sakin ng pangalan na iyon? Nilagpasan ko na siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Wait!" Pigil niya sakin at nahawakan niya ang kanang kamay ko na may benda kaya napangiwi ako sa sakit. Agad kong binawi ang kamay ko at nagpatuloy muli sa paglalakad.

|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon