Chapter 11- Her memories is back

3.1K 140 12
                                    

Xiumin's POV

Nandito kami sa tagong ospital. Kung saan dinadala ang mga taong kabilang sa gang na may sugat na natamo mula sa isang labanan. Kakaiba ang ospital na ito kumpara sa normal na ospital. Dahil ang lahat ng gamot dito ay hindi ordinaryo. It means nakakapag pagaling ng mabilis like bruises kayang mabura with in 5 minutes.

"Kasalan mo Jungkook. Kung hindi mo inagaw yung baril sakin hindi matatamaan si Suho." Sumbat ni Kai. Simula kanina ay nagtatalo sila. Palibhasa parehas pinaka bata sa grupo.

"Anong ako!? Bakit kasi naglabas kapa ng baril. Kung hindi ko inagaw edi sana si V yung tinamaan mo." Naiinis ako sa boses niya.

"Enough both of you. Tama lang naman yung nangyari." Pag-awat ko sa dalawa habang nakangiti ng malawak. Hindi kasi nila ginagamit ang utak nila.

"What do you mean na tama ang nangyari?" Tanong ng lahat

"For pete's sake. Gamitin niyo nga ang utak ninyo. Look kung hindi nabaril si Suho hindi babalik ang ala-ala ni Sulli. Narinig niyo naman yung sinigaw niya kanina hindi diba?" Mukha namang naisip nila ang pinupunto ko.

"Fine, I'm sorry Jungkook." Sambit ni Kai kahit na labag sa kalooban nito ang paghingi ng tawad. Sino ba namang gaganahan humingi ng tawad sa isang grupong kalaban namin simula umpisa.

"Sige pasensya na rin kung nasigawan kita." Para sa tulad namin ay simpleng bagay lang 'yon pero dahil dawit ang leader ay babawian na lang sa susunod.

"Bakit hindi na lang magbati ang Dark Army at Exo?" Suhestyon ni Tao kaya agad akong napatingin sakanya. Magbati? Malabong mangyari ang bagay na' yon.

"Yeah. Why not?" Sabi naman ni Suga

"What's going on here? Anong magbati ang sinasabi mo Tao? Kailan man hindi magkaka-ayos ang D.A at EXO. Alam ninyong lahat na simula't sapul karibal natin ang basurang grupo na ito sa lahat." Bungad ni Suho habang tumatawa. Isang nakaka-insultong tawa para sa Dark Army

"Suho, bakit hindi. Pwede naman diba? Let's forget what happened in the past and everything." Sabi ko kay Suho at nagkibit balikat.

"Have you forgotten? They just used Sulli to find the Master's Eye?" Tila natigilan ako sa sinabi ni Baekhyun.

"Xiumin. Leader ang masusunod at tama naman ang sinasabi ni Suho huwag kana makipagtalo pa." Sabat ni Luhan at umalis kasama si Suho kaya sumunod na rin ang iba. Kami na lang nila Kai, Tao at pitong miyembro ng D.A ang naiwan. Mukhang mahabang proseso pa ang mangyayari bago maayos ang namaagitan samin.

"Huwag kayong mag-alala, makikipag-ayos din sila sa inyo." Sabi ni Tao.

"Sana nga. Papatunayan naming wala kaming kasalanan sa nangyari noon." Sabi naman ni RM at bumuntong hininga.

"We need to find way, para maayos na 'to." Sabi naman ni Jimin habang nakahawak sa baba ni Hoseok. Kakaiba rin talaga ang grupong ito.

"You're right. How about Sulli? Kung tuluyan ng bumalik ang mga ala-ala niya maaaring nakatatak parin sa isip niya ang ginawa ninyo noon." Paalala ko sa kanila. Kahit na paulit-ulit nilang sabihin na wala silang kinalaman sa nangyaring 'yon ay ganon parin ang tingin ng iba sakanila.

"Hindi pa naman sigurado kung bumalik na talaga si Sulli. Not because she said that it doesn't mean she already gained all the memories she have lost." Sabi naman ni V

"Pumunta na kaya tayo sa kwarto ni Sulli, baka gising na siya sa mga oras na 'to." sabi naman ni Jin kaya tumango na lang kami at nagpunta doon.

|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon