Aireze's POV
Nakita ko ang labis na pag-alala ni Nanay nang maka-uwi ako sa bahay. Hindi na ako nagpahatid kay Minho, ayoko ng maka-abala pa sakanya. Pero mamaya lang ay susunduin niya ako para mamasyal. Unang beses pa lang na may mag-aya sakin para mamasyal at isang gwapong lalaki pa.
"Ms. Tan are you with us?" Bigla akong nabalik sa wisyo ng tawagin ako ng Prof namin, kaya agad akong napatayo ng wala sa oras.
Nakita ko ang mga blockmates ko na nakatingin sakin yung iba nagpipigil ng tawa habang ang iba naman ay nakangisi. Ayan na naman ang mga mata nilang mapang-husga.
"I didn't ask you to stand up. Take your sit and go to my office after class." Seryosong sabi ng Prof namin, kaya humingi ako ng paumanhin bago umupo.
Napasigaw ako sa sakit dahil imbis na sa upuan ako nakaupo ay isang malamig na tiles ang sumalubong sa palaupuan ko. Ang aga namang kamalasan nito.
"Lampa!" Sabi ng lalaking nasa likod ko, siya siguro ang humila ng upuan ko.
Naririnig ko parin ang mga tawanan sa loob ng room. Wala naman magawa ang Prof namin dahil alam kong miski siya ay nagpipigil ng tawa dahil sa katangahan ko.
I'm so sick of this. No one will help you if you're unattractive. Kahit na nahihirapan ako ay pinilit kong kunin ang upuan ko at umayos ng upo. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa librong binabasa ko para di bigyang atensyon ang mga tawanan at panlalait nila.
Pinilit kong hindi umiyak habang iniinda ang sakit ng kanang kamay ko na ginamit kong pang-suporta kanina isabay pa ang balakang ko na kumikirot dahil sa pagbagsak ko kanina.
"Miss Tan, you can leave this class and go to clinic." Marahan akong tumango sa sinabi ng prof.
Kahit hirap akong maglakad ay pinilit ko hanggang sa makarating sa clinic hanggang sa nakasalubong ko si Tao. Nakita ko agad ang malawak niyang ngiti ng salubungin niya ko. Hindi ko alam pero agad kong nilagay sa bulsa ang kanang kamay na iniinda ko.
"Hey, are you okay?" Bati niya habang nakataas ang kanang kamay niya waiting for a high five. Kaliwang kamay ang ginamit ko para makipag-apir sa kanya.
Naalala ko na naman ang sinabi sakin ni Nanay na layuan ko na sila. Bumuntong hininga ako at tuluyan na siyang nilagpasan. Pinilit kong ayusin ang paglalakad ko kahit masakit ang balakang ko.
Nakakailang hakbang pa lang ako ay bigla na lang may bumuhat sakin na parang bagong kasal, it's Tao. Nakita ko ang panlilisik sa mga mata niya na may halong pag-aalala. In this cruel world, there still kind people who are still existing.
"Who did this to you?" Matigas na tanong niya habang buhat-buhat ako at tinatahak ang infirmary.
Hindi ko siya sinagot sa halip ay nag-iwas ako ng tingin. Nakita ko na naman ang mga pares ng mata na nakapako samin. Ang mapang-husgang mga mata nila, parang pinapatay nila ako sa pamamagitan ng mga titig nila.
"Ang landi niya"
"If I know she seduced our Huang ZiTao"
"Gaga. Isang nerd? Baka ang sabihin mo ginayuma"
"Sana naman nilugar niya ang itsura niya"
"Hinding-hindi siya magugustuhan ni Tao, duh!"
"Yeah kinakaawaan lang siya kasi masyado siyang kawawa I mean paawa"
Mariin kong pinikit ang mga mata ko dahil sa mga naririnig ko. Tumutulo na naman sa pisngi ko ang mga traydor na luha. Mas nasasaktan ako sa salita nila.
BINABASA MO ANG
|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost Princess
FanfictionI DON'T KNOW IF I WOULD BE ABLE TO CONTINUE THIS. REST IN PEACE MY ANGEL CHOI JINRI 101419 [EDITING] IT'S TRASH DON'T READ I'M STILL WORKING ON IT. MAGULO PA ANG PLOT. Flaming Princess is known as The Great Fighter in Gangster World. No pain and no...