Epilogue

2.2K 76 41
                                    

Sulli's POV

Limang buwan ang mabilis na lumipas at kasama na ako ni V sa pagpapagamot niya.

Medyo nakakalbo na siya, namamayat, at palaging maputla pero para sakin napaka gwapo niya pa rin.

Kaming magkakaibigan ganun parin nakatira kami sa iisang bahay, pero madalas kaming nasa hospital ni V.

Christmas vacation ngayon...ang bilis ng panahon at isang Linggo na lang at magcecelebrate na kami ng Christmas at Birthday ni V.

"Taehyung!" shit inabutan ko siyang nakabulagta sa sahig. At nakikita kong sobrang sakit ng nararamdaman niya dulot ng cancer.

Inaatake na naman siya ng sakit niya.

"SHIT SULLI ANONG NANGYARI!" Bungad ni RM pagpasok sa kwarto

"JIMIN TAWAGAN MO ANG DOCTOR NI V!" Natatarantang utos ni Jungkook

"AAAAHHHHHHH!" Hiyaw ni V sa sakit. Nakasabunot na yung kamay niya sa bed sheet

"TEKA ANONG GAGAWIN NATIN!" sabi naman ni Suho na naglalakad pabalik balik

"Calm down. Kumalma muna kayo" Sabi ni Kris at natahimik naman sila

Tanging mga ungol at impit na sigaw lang ni V ang maririnig ngayon sa kwarto. Lumabas naman ang iba dahil hindi nila kayang makitang nagkakaganito si V.

"Nahihirapan na siya" Maluha luhang sabi ni Tao bago lumabas

"Please Taehyung, lumaban ka please don't die, hindi ko pa kaya! Mabuhay ka pa ng matagal" Umiiyak na sabi ko habang yakap yakap siya

Ayokong makita siyang nahihirapan ng ganito. Sana ako na lang, ako na lang ang dadanas ng ganitong paghihirap.

Napakatagal ng pag atake ng sakit ngayon, unlike dati. Shit lang halos mapugto na yung hininga niya at wala akong magawa!

"Ss-sulli, I-i'm tired...G-gusto ko ng mag...pahinga" Nahihirapang sabi niya pero lalo ko lang siyang niyakap ng mahigpit

"No!!! Hindi ka magpapahinga! Hindi ka pwedeng sumuko. Magpapakasal pa tayo" Sabi ko at pilit siyang pinapakalma

Lord, please...

"Thank y-you for everything, s-salamat dahil minahal mo ang isang tulad ko...Salamat sa pagpapadama na mahalaga ako sayo" Sabi niya habang hawak ang pisngi ko

Damn it! Limang buwan pa lang. Akala ko pitong buwan. May dalawang buwan pa, pero bakit?

"Taehyung please lumaban ka kahit para sakin lang. I love you and please don't leave me hanging." Sabi ko at nakita ko namang pumasok ang doctor niya para bigyan siya ng pain reliver

"Sulli, ihanda mo na ang sarili mo, mukhang hindi na siya magtatagal. Bumibigay na ang katawan niya at mas lalong lumala ang sakit niya. I'm sorry" Sabi ng doctor at parang nanlulumo na ako hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Hindi ko kaya. Hindi ko kaya kapag nawala siya sakin.

"I still don't lose hope" Mariin na sabi ko

Kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong maging malakas dahil sakin huhugot ng lakas si V.

Kinagabihan pumasok ako sa kwarto niya, may dala-dala akong soup.

Tulog siya. Pero para akong tanga na tinitingnan kung humihinga pa ba siya. Kung nag pa-pump yung dibdib niya.

Natatakot ako.

Natatakot akong mawala siya. Dumadalang na yung paghinga niya.

"Taehyung, please. Don't...don't leave me" Sabi ko at hinalikan ko siya sa noo, pagkatapos ay sa labi.

|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon