Chapter 47- Trust

1.3K 66 10
                                    

Author's POV

Black clothes, white roses, teardrops on their faces.

Mukhang nakisabay pa ata ang panahon dahil sa marahang pagbuhos ng ulan.

Maraming nakasimpatya para maihatid siya sa kanyang huling hantungan.

Maraming nagmamahal sa kanya pero sa isang iglap...namatay siya sa hindi malamang dahilan.

"A great leader, a great fighter, a princess, that's her. Kim Jayshin also known as Sulli the flaming princess of the legendary gangsters. Iniidolo ka namin, naging isa ka sa pinaka magaling na gangster sa buong mundo. Naging isa kang mabuting anak, kapatid, at kaibigan. On behalf of all people here...on behalf of him...we thank you Miss Kim Jayshin. Have a safe trip to heaven. Goodbye! Our beloved princess Sulli"

Isa-isa na nilang hinulog ang hawak nilang mga bulaklak sa kanyang libingan. Kahit labag sakanilang kalooban na lumapit sa kabaong niya...pinilit parin nilang gawin bilang respeto at para masilayan siya sa huling pagkakataon.

Wala silang salitang binitawan kung hindi ay pag-iyak...

Maging ang ibang gang leader na tinalo ni Sulli ay narito. Katulad ng Exo, Dark Army at Black swift ay umiiyak din sila.

"Hindi buo ang black swift kung wala ka..." umiiyak na sabi ni Krystal

"Damn it....I wish this is just a nightmare." Sabi ni Chanyeol at naglakad palayo.

"Wake...up Ssul! Wake..up..please" humahagulgol na sabi ni Luna.

Ang iba ay nakatulala lang sa libingan ni Sulli. Lumipas ang oras at unti-unti ng umalis ang mga tao. Maliban sa mga taong malapit kay Sulli...ang mga kaibigan niya simula pagkabata.

"Suho...ano bang nangyari! B-bakit!? Bakit ganito!?" Sigaw ni Suzy habang hinahampas ang dibdib ni Suho.

"B-bakit bigla na lang siyang namatay!? Isang linggo! Isang linggo kaming walang balita sa inyo!?" Sigaw naman ni Baekhyun pero nag-iwas lamang ng tingin si Suho.

"We need answer...Suho...please we need answers in our fucking question!?" Umiiyak na sabi ni Jin

"She's-...in pain. Isang sakit na walang lunas. Sinubukan namin siyang pagalingin pero walang nangyari.Wala na tayong magagawa...wala na siya. Accept the fact she's dead!" Sabi ni Suho at naglakad ng palayo. I'm sorry, just trust me. Sabi niya sakanyang isip.

"I trust you Suho..." bulong ni V bago makalagpas si Suho kaya naman nagulat siya sa sinabi ni V. Pero hindi na lang niya ito pinansin.

Bigla naman may dumating na kulay pulang sasakyan at bumaba doon ang taong ayaw na nilang makita...ang taong gusto nilang patayin...ang taong kinamumunghian nilang lahat...si Minho.

"Ang kapal ng mukha mong pumunta pa dito!" Sigaw ni Amber at sinuntok sa mukha si Minho. Agad naman pinigilan ng iba si Amber. Habang ang iba ay nagtitimpi na sugudin si Minho.

"Did you know how to respect?" Malamig na sabi ni Victoria sa babaeng nakasuot ng kulay pulang dress na kasama ni Minho.

"Well, rest in peace for flaming princess." Nakangising sabi ng babaeng nakapula at naglagay ng kulay itim na rosas.

Nag-init naman ang ulo ni Suzy sa narinig at akmang sasampalin niya ang walang respetong babae ay hinawakan agad ni Minho ang kamay niya. Kaya naman napangiwi si Suzy sa sakit.

Agad naman sinuntok ni Kris si Minho pero nakailag ito at pabalyang binitawan ang kamay ni Suzy.

"Don't dare to hurt my sister." Malamig na sabi ni Minho na naging dahilan ng pagkagulat nila.

|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon