Chapter 1- EXO Gang

5.6K 173 9
                                    

Suho's POV

Limang taon

Ang mabilis na nagdaan. Sa loob ng limang taon ay marami na ang nagbago. Hindi na kami nabibilang sa Amateur gangsters. Kung nandito lamang si Sulli ay malamang magkasama kaming nagsasaya dahil sa wakas hindi na bata ang tingin ng iba samin.

Isa na kaming ganap na Adult Gangsters. Hindi na limitado ang mga gang fights na gusto namin. Pwede na kaming makipaglaban sa loob o labas ng arena.

"Young master pinapatawag po kayo ni Mr. Kim kasama na rin ang gangmates mo." Magalang na sabi ni Butler L, siya ang butler ni Sulli noon. Hindi siya umaalis sa trabaho hanggat hindi bumabalik ang totoong pinagsisilbihan niya.

"Susunod na 'ko" Tugon ko sakanya at tinawag ko na rin ang iba para pumunta sa opisina ni Mr. Kim, he is my dad. Ang ama namin ng kambal kong si Sulli.

Bumungad samin ang nakakunot na noo ni Dad kasama si Mom. Isang malalim na buntong hininga lang ang ginawa ko bago pakinggan ang sasabihin niya.

"Ano ba naman yan Junmyeon. Ilang taon na kayong tumutulong sa paghahanap sakanya pero wala parin. Isang dosena kayo at well trained gangster wala man lang kahit isang impormasyon ang nakalap?" Kasalukuyan kaming pinapagalitan ni Dad dahil isang palpak na mission na naman. Limang taon na namin siyang hinahanap pero tangina saan namin siya hahagilapin.

"Tito, we will heading back to Philippines to find her." Nakangiting sabi ni Kris, hindi man lang niya pinansin ang matalim na tingin sakanya ni Dad.

Our family is a legendary gangsters. Nagkalat ang mga hideout namin sa iba't-ibang bansa. My dad is known as a Mafia Boss while my mom is a Yakuza. Creepy right? Kaya hindi malayong maging ganito ang kinalakihan namin. Kailangan naming sumunod sa yapak nila.

"I want my daughter back. I hope all of you will be able to bring her to me as soon as possible, understood?" Sabay-sabay naman kaming tumango sa sinabi ni Mom.

Ganito kami kaseryoso kapag pinag-uusapan ang paghahanap sa nag-iisang prinsesa ng pamilya namin. Our dearest Kim Jayshin, one and only princess of legendary gangsters.

"Suho, you're the leader here be responsible. Nanganganib na ang kapatid mo dahil kumikilos na sila para sa Master's Eye. Kapag napunta sa mga kamay nila 'yon ay malaking gulo ang mangyayari hindi lang dito sa gangster world maging sa kahit anong sulok ng buong mundo." Paalala sakin ni Dad kaya tumugon lang ako ng isang tipid na ngiti. They should trust my team.

Simula ng mawala ang kambal ko ay ganito na lang lagi ang nangyayari. Halos buong buhay namin ginugol ang paglilipat sa iba't-ibang lugar para mahanap siya.

Isa-isa namang nagpaalam ang mga miyembro ng gang ko. Nang makalabas kami ng pintuan ay agad bumagsak ang mga balikat nila.

"Gusto kong mag pahinga" Parang lantang gulay na sabi ni Kai habang sapo-sapo ang noo nito.

"Saan kaya tinago ni Sulli ang Master's Eye na sinasabi ninyo? Hanggang ngayon ay wala akong ideya kung ano ang Master's Eye." Sabi naman ni Xiumin habang nakahawak sa baba niya na tila nag-iisip.

"Pamilya lang namin ang nakaka-alam ng tungkol doon. Pero may mga traydor talaga kaya naman nalaman ng masamang organisasyon ang tungkol don." Sabi ko na lang at tinapik ang balikat niya.

"I'm sorry hyung, dapat ginagawa namin ang best para mahanap siya." Malungkot na sabi ni Sehun kaya naman tinapik ko lang din ang balikat niya at ngumiti. Alam kong ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para lang mahanap ang Prinsesa namin.

"Konting tiis na lang mahahanap na natin si noona." Masayang sabi ni Tao habang pinapakita samin ang isang litrato.

"Who's that girl?" Tanong ni Kyungsoo pero isang ngisi lamang ang sinagot ni Tao sakanya.

|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon