Chapter 7- Reunite

2.8K 117 10
                                    

Suho's POV

I really miss the real Sulli. Ang laki na talaga ng pinagbago niya. Ang babaeng na nasa harapan ko ngayon ay kabaliktaran ng Sulli na kilala namin noon. Nasaan na yung palagi mong sinasabi "Don't worry, I can deal with the pain, I'm strong and no one can defeat me." bumaliktad na ang mundo.

"Napaka-amo ng mukha mo pero hindi nila alam kung ano ba talaga ang kaya mong gawin. You have beast inside you, my twin."

Ito lang ang pagkakataon ko para titigan siya. Kailan kaba babalik? Oo nga nandito kana pero hindi mo man lang kami maalala. Ang tagal ka naming hinanap.

"Hyung, magdamag mo ng tinititigan si Noona baka gusto mong gisingin na siya para makakain na tayo." Rinig kong sabi ni Tao mula sa pinto

"Ayokong sirain ang magandang tulog niya, hayaan na muna natin-" Natigil ako sa pagsasalita ng makita kong kinukusot niya ang mga mata niya. Mukhang nagising siya dahil sa pag-uusap namin ni Tao.

"Hmmm anong oras na ba?" Tanong ni Sulli habang mapungay ang mga mata

"Mag-ayos kana at bumaba ka agad para kumain." Nakangiting sabi ko bago lumabas ng kwarto niya. Sana ay araw araw na lang ganito, asama siya.

"Noona ang cute mo pag may panis na laway ka sa pisngi." Narinig kong asar ni Tao bago ako akbayan. Pasaway talaga ang isang 'to.

"Gising na ba siya?" Salubong na tanong ni Xiumin habang inaayos ang mga kubyertos sa lamesa, isang tango lang ang sinagot ko sa kanya.

Ang iba ay naabutan kong may kanya-kanyang ginagawa at si Kyungsoo naman ay abala sa kusina katulong si Lay. Makalipas ang ilang minuto ay nakahanda na ang lahat kasabay ng pagpasok ni Sulli ditosa dinning area.

"Good morning!" Masiglang bati namin sa kanya kaya naman nginitian niya kami at binati pabalik. Sana ay ganito na lang palagi.

That smile, it never changed. Her angelic smile.

"Salamat sa pagkain!"

-

Hinatid na namin si Sulli sa kanila at agad din kaming umalis doon. Masyadong liblib ang lugar na inuuwian niya ngayon. Iba talaga ang kutob ko lalo pa ngayon na nakakalat ang ibang gang na gusto siyang makuha para sa Master's Eye.

Hanggang ngayon ay wala ni-isa sa amin ang may alam kung ano nga ba ang Master's Eye na 'yon. Bakit nga ba maraming gusto ang makatuklas doon?

"Medyo mahihirapan tayong kilalanin ang mga kumupkop kay Sulli." Bungad ni Chanyeol habang may binabasa sa kanyang laptop. Pabalik-balik ang tingin niya sa mga papeles na hawak.

"Tama si Yeol, wala man lang kaming mahanap na information tungkol sa mga magulang niya ngayon." Pagsang-ayon naman ni Baekhyun.

Hindi pwede 'to imposibleng walang makalap na impormasyon. Dahil kahit ordinaryong tao may data. Mukhang pinagplanuhan talaga ang pagkawala ni Sulli, simula pa lang.

"That only means, her parents right now is one of our enemy. Siguro ang mastermind ng lahat ng ito ay gustong makuha ang, Master's Eye." May point si Kris, kaya siguro wala kaming mahanap na information. Sobrang halaga ng Master's Eye, hindi pwedeng mapunta 'yon sa mga kalaban.

"Gulong-gulo na talaga ko sa Master's Eye na 'yan." Reklamo naman ni Kai

"Don't worry, as soon as maalala na lahat ni Sulli siya mismo ang magpapaliwanag sa inyo." Nakangising sabi ko

"Balita ko nandito ngayon si Minho." Sabi ni Luhan habang busy sa 4x4 rubics cube niya, matalino talaga ang usang ito pag-dating sa mga puzzle.

"That's good. Makakatulong din naman siya sa 'tin." Sabi ni Kyungsoo

|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon