Chapter 18- Surprise

2.6K 127 19
                                    

Suho's POV

Dahil sa text na natanggap namin mula kay Mom agad kaming sumakay ng private plane papuntang Korea. Hindi na kami nag-abala pa para magdala ng mga damit. Tanging cellphone at wallet lang ang dala namin.

Lahat kami hindi makatulog dahil iniisip namin kung ano yung sasabihin ni Mom. Kung bakit pinapabalik kami sa Korea. Nag-aala pa kami kay Sulli. Paano kung may nangyaring masama sakanya...walang ibang sisisihin kung hindi ako. Dahil pinabayaan ko siya.

"Ano sa tingin niyo ang sasabihin ni Tita Jane?" Tanong ni Kris

"Diba sabi niya important matters about our Princess. It means about kay Ate Sulli." Sabi ni Krystal

"Fuck! Kinakabahan ako." Inis na sabi  ni Chanyeol

"Huwag na muna natin isipin yon. Sa ngayon magpahinga muna tayo. Mahaba pa ang byahe." Sabi ko sa kanila

"Tama ka. Kailangan ko ng mag beauty rest." Parang bakla na sabi ni Baekhyun

"Yuck. Gayshit" sabi ni Chen at umirap

"Mas bakla ka pa nga kay Baekhyun. Kung maka irap ka dyan." Sabi naman ni Chanyeol

"Shaddap!" Iritang sigaw ni Kris

"Ssshhh. Guys tumahimik naman kayo." Sabi ni Lay

~

Nang makababa kami sa plane. May sumundo samin na dalawang kulay black na van.

Nang makarating kami sa mansion namin dito sa Korea. Agad kaming sinalubong ni Mom.

"Mom. Bakit ba pinabalik niyo agad kami dito? Mom. Nawawala si Sulli." Sabi ko pero naka ngiti lamang si Mom. She's weird.

"Tita Jane, nawawala po si Sulli kailangan namin siyang hanapin." Sabi ni Chanyeol

"Yeah. We need to find her right now." Sabi ni Luhan

"You're weird tita. Eonnie Sulli is missing...and you're smiling like that." Sabi ni Krystal.

"Be ready may magaganap na malaking party dito. This coming Sunday and one more thing walang aalis ni isa sa inyo. Dito lang kayo." Ma awtoridad na sabi ni Mom

"But–" may sasabihin pa sana ako ng putulin na ni Mom

"No, buts. Dito lang kayo ng Exo. Krystal sumama ka sakin." Sabi ni Mom kaya sumunod naman si Krystal.

"What the hell is going on here!" Sigaw ko ng makaalis si Mom kasama si Krystal.

"Paano na ngayon. Tutunganga lang tayo dito." Inis na sabi ni Baekhyun

"Guys. Mukhang hindi lang tayo ang naiwan dito." Sabi ni Kai habang nakatingin sa malaking bintana. Kaya nakisilip narin kami sa bintana. At napamura na lang ang ibang members.

"What the hell! Surprise gang fight?!" Inis na sabi ko

"Yeah, why not. Exercise na din to. Ilang months na rin mula nung napa away tayo." Sabi ni Luhan

"Okay, Bring it on Exo." Sabi ni Kris at isa-isa na kaming lumabas para harapin ang new gang kuno.

"Magandang welcome party to." Sabi ni Chanyeol at Nagsimula na ang laban. 15 ang member ng gang na to. Pero mukha pa lang alam na namin na hindi kami mahihirapan dito.

Suntok doon suntok dito. Pinagsisipa ang ginawa nila sa new gang na kaharap namin ngayon. Tatlo lang pala kaming nakikipaglaban. Ako, si Luhan at Sehun.

"Wala pa lang binatbat ang mga to." Maangas na sabi ni Sehun

"Sinabi mo pa. Tatlo lang tayo pero talo na agad sila" sabi naman ni Luhan

|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon