Chapter 15- Bunso

2.7K 123 10
                                    

Krystal'sPOV

Hanggang ngayon maiinit parin ang ulo ko. Geez! Nakakabwiset sila Jessica! Ang dami tuloy sugat ni Ate Sulli.

Namamaga ang mukha niya. Puro pasa ang buong katawan. May hiwa sa labi. Ang daming bruise. May benda ang ulo dulot ng malakas na pagkakahampas ng kahoy sa kanya.

Naku talaga humanda talaga sila Jessica sa Exo.

"Ayy mag gagabi na pala. Hindi ka parin nagising. Ate Sulli wake up.... I really miss you. Asa naman akong marinig mo ako." Sabi ko habang hawak ang mga kamay niya. Akmang tatayo na ako pero bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Pero nakapikit parin siya.

"Don'tleavemebunso...Krystal..." Sabi niya. Nagsasalita habang tulog? Wait may naaalala na siya.

"Ssshhhh. Don't worry eonnie I will never leave you." Sabi ko st hinawakan ko ulit ang kamay niya at kiniss siya sa noo. "Hinding-hindi kita iiwanan. Kahit anong mangyari." Bulong ko pa sakanya

"Anong ka dramahan yan?" Nagulat ako sa boses na iyon. Si D.O pala at kasama niya ang buong Exo

"Hayy nako bakit ba bigla-bigla kayong sumusulpot." Sabi ko na lang

"Okay na ba siya. Shit anong ginawa nila Jessica sakanya. Aiisssh!" Inis na sabi ni Suho at umupo sa gilid ng kama at hinahaplos ang mukha niya ang mukha ni Ate Sulli

"Ohh, ano na nangyari?" Pagtatanong ko

"Hindi namin sila makita. Mukhang pinagtaguan tayo." Sagot ni Luhan

"Ganun naman sila Jessica mahilig magtago kapag naduduwag." Sabi ko na lang

"Ano bang balak niyong gawin sa grupo ni Jessica?" Pagtatanong ko

"Bakit? Concern kaba sa step sister mo?" Mapang-asar na tanong ni Chen kaya nabato ko siya ng baso na nasa table pero masyado siyang mabilis dahil nasambot niya yung baso. Pero mas mabilis pa rin ako kasi nasipa ko agad ang *down there* niya. Kaya ayun namilipit sa sakit.

"Mabuti na lang mahaba ang mga binti ko para masipa kita." Naka smirk na sabi ko

"Balak kasi namin gawin sa kanila ang ginawa nila kay Sulli." Sabi naman ni Kai

"Ahh ganon ba." Sabi ko na lang

"Hahayaan na lang namin sila na kusang magpakita samin." Sabi ni Sehun

"Hindi kami mag-aaksaya ng oras para hanapin sila." Sabi ni Xiumin

"Pero kung gusto mo ikaw na ang bahala mag turo ng leksyon sa grupo ng step sister mo" suggest ni Lay

"Why not. Matagal-tagal na nung huli kong ginamit ang kamao ko." Naka smirk na sabi ko

"Ahh Krystal kanina pa ba siya hindi ba siya nagising?" Pagtatanong ni Chanyeol

"Oo ehh. Masyado ng mahaba ang tulog niya. By the way kanina bigla siyang nagsalita habang tulog. Sabi niya Don'tleavemebunso.... Krystal." Sabi ko sa kanila

"Unti-unti ng babalik ang memories niya." Masayang sabi ni Kris

"Please... Helpme..." Nagsalita ulit si Ate Sulli at nagulat kami. Tanging na aky ate Sulli ang mga attensyon namin at naghihintay sa susunod nitong sasabihin

"Nagugutomnaako." Sabi ni ate Sulli pero naka pikit pa rin siya. Kaya naman lahat kami napa Poker Face na lang.

"Magluluto muna ako ng pagkain." Sabi ko at pumunta sa kusina nakita ko naman na sumunod sakin si D.O

Aireze'sPOV

Nakikita ko ang sarili ko sa isang madilim na lugar at tumatakbo...

Madilim

Sobrang dilim... Para akong nalulunod.

May dugong umaagos mula sa ulo ko.

Tumigil ako sa pagtakbo at may nakita akong 12 lalaki na naglalakad pa lapit sakin... Sa likod ko may 4 na babae... Sa gilid may 7 lalaki at sa hindi kalayuan may natanaw akong mag-asawa.. naguguluhan ako sino sila. Lahat sila nag salita pero iisa lang ang kanilang sinasabi... Sullibumalikkana... Paulit-ulit at pilit nilang inaabot ang mga kamay ko.

"AAAAAAAAHHHHH LAYUAN NIYO AKO!" sigaw ko kasabay ng pagmulat ng mga mata ko...

Panaginip.. Panaginip.. Sila na naman...palagi ko na lang napapanaginipan ang mga taong iyon.. Sino ba sila.

Ngayon ko lang napansin nandito ako sa isang kwarto... Hindi ito pamilyar sakin...

"AAAAAHHHH!" sigaw ko dahil biglang sumakit ang ulo ko... Sobrang sakit namimilipit na ako sa sakit. Nang biglang bumukas ang pinto. Parang matatanggal na yung pinto sa lakas ng pagkabukas. Pumasok ang isang babae at ang Exo...

"OH my gosh! Anong masakit?!" Natatarantang tanong ng babaeng pumasok

"Shit! Sumasakit na naman yung ulo niya!" Sabi naman ni Suho

"Fuck! Nasaan yung gamit niya?!" Natatarantang tanong ni Luhan

"Nandoon sa may sofa!" Sagot naman ng babae na ngayon ay nasa tabi ko at pilit akong pinapakalma

"AHHH S-SOBRANG S-SAKIT!!!!" Hiyaw ko

"Ipainom mo sakanya!" Sabi ni Baekhyun at may inabot na gamot

Ininom ko naman yung gamot. At maya-maya lanvmg unti-unti na akong kumakalma dahil nawawala na yung sakit.

"Okay kana ba?" Tanong ng babae kaya tumango na ako... Siya ba yung Krystal na napapanaginipan ko...

"I-ikaw ba si Krystal?" Pagtatanong ko

"Oo ako nga ito si Krystal." Nakangiting sabi niya. Nagkatitigan kami. At biglang may nag flash sa utak ko isang batang babae na nakapasan sa isang babae umuulan noon at... Bigla na naman ako nakaramdam ng kirot sa ulo ko.

"Kailangan ko ng umuwi." Sabi ko na lang

"Pero hindi ka pa okay." Sabi ni Sehun

"Dito ka muna." Sabi ni Krystal

"Hindi matutuwa ang mama mo kapag nakitang ganyan ang itsura mo." Sabi ni Suho sa bagay

"Pero bukas uuwi na talaga ako." Sabi ko na lang.

~

Sabay-sabay kaming kumain. At pagkatapos nanood lang kami ng movie at umalis na rin ang exo. Kahit pinagtabuyan ko ang exo hindi pa rin nila ako iniiwan. Nandyan parin sila.

"Ahh Sul— ate Aireze sorry sa ginawa nila Jessica sayo." Nakatungong sabi ni Krystal

"Hayaan mo na yun. Hindi mo kailangan mag sorry. Wala ka namang ginawang mali. At Thank you kung hindi ka dumating baka malala pa dito ang nangyari sakin." Sabi ko na lang.

"Matulog na tayo. Tabihan mo na lang ako dito sa kama. Baka magkasipon ka kapag dyan ka natulog sa lapag." Sabi ko kaya tumabi na siya sakin. Ang gaan ng loob ko sakanya feeling ko super close kami.

"Pwede ba kitang yakapin?" Tanong niya.

"Oo naman. Basta ikaw bunso." Sabi ko. Bunso? Bakit ko siya tinawag na bunso.

Ilang sandali lang ay nakatulog na siya. Pero ako.. Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung ano ba yung bumabagabag sakin.

Nabaling ang atensyon ko sa isang picture frame. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin para tignan ang litrato na iyon.

Dalawang batang babae na kulay puti ang damit. Hindi ako pwedeng magkamali... Ako yung isa doon at si Krystal naman yung isa. Sa left side si Krystal at right naman ako kung saan nakapatong ang ulo ko sa balikat niya. [Photoonthemultimedia]

Jeez. Ako ba talaga ang nasa picture na ito or kamukha ko lang.

|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon