Aireze's POV
Naglalakad ako ngayon pauwi ng may madaanan akong plaza. Hindi na kasi ako pinapasok ni nurse Joanna, kailangan ko ng pahinga. Baka raw dahil sa subsob na pag-aaral sumakit ang ulo ko. Makulimlim naman dito dahil maraming puno. Peaceful makakapag relax ako. Ito lang siguro ang kailangan ko.
Mahigit dalawang linggo na pala simula nung makilala ko ang 'doseng prinsipe' kuno ko raw. Palagi silang nakasunod at pakiramdam ko laging may mga matang naka subaybay sakin. Siguro nasasanay na rin ako. Baka pagkakaibigan lang talaga ang habol nila sakin. Isa lang akong simpleng estudyante na nag-aaral ng mabuti, mahirap lang kami wala silang makukuha sakin.
Naalala ko nabanggit sakin ni nanay na nabagok daw ako noon kaya minsan sumasakit ang ulo ko. Wala raw akong maalala nang magising ako kahit pangalan at edad ko ay nakalimutan ko. Habang lumalaki ako kinalimutan ko na ang insidente na 'yon at di na inaalala ang kalahati ng memorya ko bago nabagok. Wala naman sigurong importante doon.
"Mukhang malalim ang iniisip mo?" Napasinghap ako sa nagsalita mula sa likod ko kaya lumingon ako para tignan kung sino iyon.
Hindi pamilyar ang mukha niya, hindi ko siya kilala. Ako ba ang kinakausap ng lalaking 'to?
"Paupo sa tabi mo, mukhang wala kang balak mag-salita."
"Sino kaba?" Hindi niya pinansin ang tanong ko. Sa halip ay nakapamulsa lang siya habang diretso ang tingin.
"Totoo nga ang balita na may amnesia? Hindi mo na ba ako natatandaan?"
"Ako ang unang nagtanong kaya sagutin mo ako. Sino kaba talaga?" Tumawa lang siya sa sinabi ko.
"Ipapaalala ko sayo kung sino ako." Sabi niya at sa ngiti niyang iyon alam kong may binabalak siyang hindi maganda kaya mabilis akong tumayo para tumakbo pero hindi pa ako nakakalayo nahila niya ang bag ko.
"Bakit hindi mo ako labanan? Mahina kana? Hindi mo alam kung gaano kalaking kahihiyan ang nangyari sakin. Alam ko masyado pa tayong bata noon pero ngayon wala ka ng takas sakin. Sabi ko naman sayo babalikan kita at babawi ako." Matapos niyang magsalita ay tinakpan niya ang bibig ko gamit ang panyo.
Kahit anong palag ko di ako makaalis sa pagkakahawak niya at tuluyan na akong nanghihina sa panyong tinapat niya sa ilong ko.
Luhan's POV
Kasalukuyan kaming nasa special room lahat sila may kanya-kanyang ginagawa. Matapos ng nangyari kanina dito muna kami dumiretso. Baka masyado pang mabilis para kay Sulli ang lahat, nagulat lang siguro 'yon sa mga nalaman niya. Pero hindi parin kami titigil hanggat hindi siya bumabalik samin.
We won't stop chasing our princess.
"Lu-gege, baka natakot satin si Aireze? Dalawang linggo na rin ang nagdaan. Wala araw na hindi natin siya kinukulit." Nag-aalalang tanong ni Sehun
"Sulli not Aireze." Pagtatama ni Suho habang abala sa pagbabasa ng libro
"Baka nabigla lang siya sa pagsulpot natin." Sabi ko kay Sehun at tinapik ang braso niya
"Wala ba kayong balak pumasok sa next class?" Tanong ni Chen kaya napatingin kaming lahat sakanya
"Wow Chen, anong nakain mo?" Nag-iba ata ang ihip ng hangin ngayon
"Sipag mo ata ngayon." Nakangising sabi ni Baekhyun
"Gago tinatanong ko nga kayo, ako kasi walang balak." Sabi ni Chen bago lumabas
"Tara pumasok tayo sa next class gusto ko siya makita at kailangan natin bantayan si Sulli." Pag-aya ni Chanyeol at sumangayon na rin naman ang iba
BINABASA MO ANG
|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost Princess
FanfictionI DON'T KNOW IF I WOULD BE ABLE TO CONTINUE THIS. REST IN PEACE MY ANGEL CHOI JINRI 101419 [EDITING] IT'S TRASH DON'T READ I'M STILL WORKING ON IT. MAGULO PA ANG PLOT. Flaming Princess is known as The Great Fighter in Gangster World. No pain and no...