Chapter 10- Trouble

2.9K 123 7
                                    

Suho's POV

Kasalukuyan kaming naglalakad sa hall way. Wala ng mga estudyanteng nakakalat malamang oras na ng klase.

"Wala pa sila Chen at Xiumin." Sabi naman ni Tao.

"Fuck late na tayo." Tinawanan lang nila ko. Ano bang bago?

"Chill, sorry na leader. Excited ka lang makita ang kambal mo." Nagkakape pa si Luhan at parang walang oras na hinahabol.

"Nasaan si Aireze?" Bungad na tanong ko sa Professor ng makapasok sa classroom.

"A-ahh w-wala pa po." Kinakabahang sagot ng matandang professor. 

"Suho, bad news kasama ng dark army si Sulli!" Iritang sigaw ni Baekhyun kaya naman agad kong binaling ang buong atensyon ko sakanya. Paanong nangyari 'yon?

"Nasaan sila?" Mariin na tanong ko. Kasabay ng pagdating ni Xiumin kasama si Chen.

"Nasa coffee shop malapit lang dito." Seryosong sagot naman Chanyeol.

"Woah teka mga bro, anong meron?" Tanong ni Chen pero agad ko lang hinila ang kwelyo niya at kinaladkad.

"Bro, ang init ng ulo mo." Pang-aasar niya kaya agad ko siyang pabalyang binagsak at pero tumatawa parin ito habang pinapagpag ang sarili. Hindi nila alam puno na ko ng pag-aalala habang natatawa lang ang isang 'to.

"Chen, hindi oras ng biro ngayon." Paalala sakanya ni Sehun kaya kumunot ang noo nito.

"Guys ano bang nangyayari?" Inosenteng tanong ni Xiumin.

"Kasama ng Dark Army si Sulli." Seryosong sagot ni Lay at nakita ko naman ang agad ang pagbabago ng ekspresyon ng dalawa.

Ngayon ko lang ulit nakitang mag seryoso ang mga 'to. Matagal-tagal na rin kaming walang balita sa kanila. Hindi na ko mapakaling magharap-harap ulit.

"Putangina! Wala kayong plano mag madali?" Inis na sigaw ni Kyungsoo at nauna na sumakay ng kotse. 

Nang makarating kami sa tapat ng sinasabing coffee shop. Agad kaming pumasok sa loob pero may humarang kaagad samin. Siguro mga nasa bilang na sampung lalaki. Hindi talaga ligtas hanggat wala sa poder namin si Sulli.

"Bawal pong pumasok ang sinoman sa lugar na 'to." Sabi ng isang lalaki na malaki ang katawan. Tinignan ko siya at nakita ko ang bewang niya na may naka-ipit na baril. Ano kami tanga para sumunod sa sinabi ng isang 'to.

"Suho, mukhang hindi ordinaryong coffee shop ang pinuntahan natin." Sabi ni Kris at nililibot ang paningin sa building.

"Tama si Kris, look may logo ng Dark Army." Pagsang-ayon naman ni Kai habang nakaturo sa may glass door. Tama siya may tatak itong Bullets. Tinted ang mga salamin kaya wala kang makikita mula sa loob.

"Wala akong pake kung bawal pumasok ang sinoman dito." Tinabig ko ang nasa harap at dire-deretsong pumasok. Bago pa man ako makapasok may dalawang lalaki ang humawak sa magkabilang braso ko. Napupuno na ko. Binalibag ko na lang dalawang lalaki.

"No one can stop me." Inis kong sabi at isa-isa silang matatalim na tinignan.

"Hayaan ninyo na lang kasi. Huwag ng pumalag." sabi ni Chen habang hawak niya sa kwelyo yung lalaking nagsalita kanina.

"Chen, Xiumin kayo na bahala dyan." Bilin ni Luhan at iniwan sila doon.

Pumasok kami sa loob at hindi nga kami nagkamali. Nakita ko si Sulli na nakaupo habang katabi niya si Jimin at ang ibang miyembro ng DA. Nagulat naman sila nang makita nilang nandito kami. Ngayon ko na lang ulit nakita ang mga demonyong ito. Nagkamali kami sa kanila.

|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon