Chapter 44- I need you

1.6K 71 19
                                    

Taehyung's POV

Mabuti na lang at agad kaming tinawagan ni Tita Jane. Masyado kasing makulit si Noona Ssul.

Nakasakay kami ngayon sa isang van kasama rin namin ang friend ni Ssul na si Suzy?

"Ang taas ng lagnat niya." Sabi ko habang hawak ko ang kanyang noo.

"Hey! You driver! Pwedeng pakibilisan!" Sigaw ni Suzy kay Jin kaya napa-irap na lang si Jin dahil sa inasal ni Suzy.

"Kailangan niya mainitan. Hindi sapat ang jacket at kumot." Sabi ni RM na nakaupo sa likod.

"Hey, yakapin mo si Sulli para mainitan siya." Sabi sakin ni Suzy kaya nagulat ako.

"V! Gawin mo na lang. Chance mo yan." Bulong ni Jungkook tapos nag wink.

"C'mmon hug her tight." Sabi naman ni Jimin

"Makakatulong iyon para mawala ang lamig sa katawan niya." Sabi ni Suga.

Kaya wala akong nagawa. Niyakap ko na lang si Sulli. Nahihiya pa nga ako eh..kasi naman ngayon ko lang siya mayayakap ng ganito.

"You're blushing." Pang-aasar sakin ni Jhope kaya lalo akong namula. Nakita ko naman sa salamin sa may taas na nakatingin sakin si Jin.

I know he love Sulli...and I love Sulli too. Bakit sa iisang tao pa kami nagkagusto damn it. Para ko nang tunay na kuya si Jin...kaya hanggang ngayon hindi ko masabi ang feelings ko para kay Sulli dahil natatakot ako...may masasaktan na malapit sakin kapag ginawa ko iyon.

Kailangan kong pigilan ang feelings ko...

Hindi ko namalayan nandito na pala kami sa mansion ni Suzy. Agad ko namang binuhat si Sulli na bridal style. Pero lumapit si Jin hyung.

"Ako ng bahala sakanya." Ramdam ko ang lamig sa pagsasalita niya. Wala akong nagawa kaya hinayaan ko na lang siya. Nanatili lang ako sa pagkakatayo habang nakatitig sa kanila.

"Ano...titignan mo na lang ba siya sa malayo. Confess your feelings bro." Sabi ni Jungkook tapos pinath ang balikat ko at naglakad na siya papasok sa loob.

"Huwag kang duwag. Kung mahal mo siya edi mahalin mo huwag mong pigilan ang nararamdaman mo." Sabi naman ni RM and I shook my head.

"Hindi kapa lumalaban suko kana agad para kang hindi lalaki." Sabi naman ni Suga tapos pabiro akong sinuntok sa tyan.

"Wala naman mangyayari kahit ipagtapat ko ang nararamdaman ko para sakanya." Mahinang sabi ko

"Hindi ka super hero kaya huwag mong isakripisyo ang nararamdaman mo para kay Noona Ssul." Sabi pa ni Jungkook

"Idiot Alien. Duwag ka. Kuntento kana ba na mahalin siya ng patago." Sabi sakin ni Suga

"Wala kayong alam sa nararamdaman ko. Dahil wala kayo sa posisyon ko kaya madali lang para sa inyo sabihin sakin yan." Iritang sabi ko at umalis na doon.

Umupo lang ako sa isang swing sa may garden. Kailangan kong mapag-isa. I'm smilling outside but I'm crying inside...hindi sa lahat ng oras totoo ang mga ngiti na pinapakita ko.

I love Sulli...I really do. Sabi nga nila may mga laban na kaya mong ipanalo pero hindi mo kayang ipaglaban.

"Hindi mo kailangan magparaya." Sabi ng isang pamilyar na boses sa likod ko.

"Hyung..." mahinang sabi ko at napansin kong nandito na pala siya sa harap ko nakatayo.

"Stand up." Simpleng sabi niya tapos nilahad niya ang kamay niya kaya tinanggap ko iyon.

"You love her, right? Well wala akong magagawa. Then love her. May the best man win." Sabi niya tapos nag bro hug kami.

"Yeah. May the best man win." Sabi ko sakanya.

|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon