Chapter 33.

624 36 1
                                    

SHARLENE'S POV

Lalapitan ko na sana sya ng makita kong lumapit sa kanya sina Nash at John.

"Excuse me ,pero para sa isang pitsel ng coke, sobra na ata ang mga sinasabi mo."-Nash-

Galit sila!

"Sir pasensya na po. Kailangan po kasi naming madisiplina ang mga crew."-manager-

"Madisiplina o ipahiya? Mali ang ginagawa mo e."-John-

Naglabas si Nash ng pera.

"Ayan! Bayad sa natapon nya. Wag mo na syang pagalitan."-Nash-

"Opo Sir."-manager-

Napatingin ako sa kanila. Lumabas sila at sumunod naman ako sa kanila.

"Okay ka lang tol?"-Nash-

"Tol dapat di nyo na ginawa yun! Okay lang naman ako. Sanay na ako. Baka mamaya paginitan pa ako at mapatalsik ako dito."-Joaquin-

Hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit nagtatrabaho sya!

"Hindi na kasi namin matiis yung pinagsasabi nya."-John-

Bumuntong- hininga si Joaquin.

"Sabi ko naman kasi sayo, sa company ka na lang namin magtrabaho! Magaan na ang trabaho, malaki pa ang sweldo!"-Nash-

"Ayaw ko naman na pag initan ni mama at papa kayo. Kaya ko to mga tol."-Joaquin-

Kung ganun. Ang mga magulang nya ang ay dahilan nito?

"Oo nga pala tol, nakita namin si Shar. Sinundan ka daw nya!"-Nash-

"Ha? Nasan na sya? Nakita nya ba ako?"-Joaquin-

"Hindi. Nilayo namin sya dito. Wala ka ba talagang balak sabihin sa kanya yung sitwasyon mo. Baka mamaya, magalit yun!"-John-

"Ayaw ko naman na mag- alala pa sya sakin. Kaya ko to."-Joaquin-

Ano ba ang meron at ayaw sabihin sakin ni Joaquin? Ano ba ang pinagdadaanan nya na nililihim nya?

JOAQUIN'S POV

Umuwi na ako dahil sa pagod sa trabaho.

Dumeretso na ako sa kwarto ko. Hay. Ang hirap naman.

Dahil sa ayaw kong magpakasal sa Ella na yun, pinarusahan ako ni mama. Hindi nya na ako binibigyan ng allowance, kinuha na ang kotse ko, at sa sunod na semester ay di na nya babayaran ang tuition ko.

Malupit talaga ang mga magulang ko! Hindi talaga nila ako mahal!

Nililihim ko to lahat kay Shar dahil natatakot ako! Natatakot ako na makipaghiwalay sya sakin pag nalaman nya.

Mas mabuti nang mahirapan pa ako sa pagtatrabaho, basta wag kaming magkahiwalay ni Shar dahil hindi ko kakayanin.

Buti na lang at di pa ako pinapaalis dito sa bahay namin pero malakas ang pakiramdam ko na onti na lang, papaalisin na nya ako.

Buti na lang at nandyan sina Nash. Kahit gusto nila akong tulungan ay ayaw ko. Alam ko kasi na pag iinitan sila nila mama kapag nagealam pa sila. Kakayanin ko to lahat mag- isa basta nandyan si Shar sa tabi ko!

------------------

Salamat sa pagbabasa :)
Nagawa ng thesis sa bahay! :) #Share

SharQuin Love Story Book 2!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon