Chapter 40.

706 36 0
                                    

SHARLENE'S POV

"Sigurado ka na ba anak?"-mama-

"Opo mama! Alam ko po na malulungkot ka pero kailangan ko po talaga to mama."-ako-

"O sige. Basta tandaan mo lahat ng bilin ko! Mag iingat ka dun ha?"-mama-

Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko ay pumunta na ako sa airport.

Hindi na ako nagpahatid kay mama kasi baka maging emotional lang kami pareho.

2 hours pa naman bago ang flight ko kaya may naupo na ako. Nakacheck in na din ako.

Binuksan ko ang cp ko at bumungad sakin ang picture ni Joaquin na nakangiti. Halos wala na yung mata nya.

Nalungkot ako sa thought na aalis na ako. Ngayon kasi ang kasal ni Joaquin at hindi naman ako baliw para pumunta dun. Para na ding akong nagpakamatay kung ginawa ko yun.

May nagtext. Si Nash! At si Brace, at si Grae at John.

Diba nasa kasal sila ni Joaquin?

"Shar asan ka ngayon?"-ako-

Ganun ang text nilang apat sakin. Ano kayang problema nila? Alam naman nila na ngayon ang flight ko papuntang America. 

Dun ko na kasi ipagpapatuloy ang pagdodoktor ko. Maganda din to para makalimot.

Nagreply ako sa kanila.

ako: Nasa airport ako. 2 hours pa bago ang filght ko. bakit?

Matagal akong naghintay pero di naman sila nag reply. Ano na naman kayang trip nila?

ELLA'S POV

Nakatingin ako sa salamin. Ilang minuto na din akong nakaupo dito.

Tinitignan ko ang sarili ko habang suot ko ang wedding gown na to.

Hindi ko akalain na ikakasal ako kay Joaquin. Dati, pinapangarap ko lang sya. Ini stalk ko sya dati kasi hindi nya ako napapansin.

Tapos ngayon, ikakasal na ako sa kanya. Napangiti ako.

"Anak oras na."-mama-

Napangiti ako. Tumayo na ako at niyakap si mama.

"Masaya ka ba anak?"-mama-

"Opo! Salamat po!"-ako-

Nang bumukas ang pinto ay nakita ko na ang madaming tao. Lahat sila ay nakatingin, maliban sa isa.

Si Joaquin! Nakayuko lang sya! Malungkot ako na kahit ngayon man lang, di nya ako magawang tingnan.

Nagsimula na ang tugtog at dahan- dahan na akong naglakad. Nakangiti ako.

Napatingin ako kay Joaquin at nakayuko pa rin sya. Nang makalapit na ako sa kanya ay nakita ko na may luha sa mga mata nya.

Kung hindi pa sya tinapik ni Nash, ang best man, hindi nya pa ako lalapitan.

Sabay na kami na humarap sa magkakasal samin.

Nagsimula na naming sabihin ang mga dapat sabihin.

Kung kanina, sobrang saya ng nararamdaman ko, ngayon, napalitan yun ng lungkot.

Bukod sa hindi nakatingin sakin si Joaquin, naiyak pa sya. Alam ko kung bakit! Hindi ako manhid! Alam kong hindi ako ang mahal nya. Napipilitan lang sya!

At pag nakasal kami! Habang buhay na kasama ko ang lalaking hindi naman ako mahal? Ang martir ko naman!

Narinig ko nang magsalita ang nasa harap namin.

"Meron ba dito na tumututol sa kasal?"

Wala na akong maramdaman! Ang daming laman ng isip ko!

"Ako!"

Alam kong nagulat ang lahat sa sinabi ko. Kahit si Joaquin na nakayuko kanina ay napatingin sakin at nagulat.

"Im sorry Joaquin! Hindi kita kayang pakasalan!"-ako-

"Ella"-Joaquin-

"Ella!"

Napalingon ako ng sumigaw, si mama.

Sorry mom!

Tumakbo na ako palabas.

Run- away bride.

Umiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit!

Napatigil ako sa pagtakbo ng may humawak sa braso ko. Si Joaquin!

Hinabol pala nya ako.

"Ella. Bakit?"-Joaquin-

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Joaquin. Alam ko naman na napipilitan ka lang. Ayaw ko naman na makasal sayo lalo na alam kong hindi ako ang mahal mo at kahit kailan, hindi ko matatapatan si Shar sa puso mo."-ako-

Napayuko sya.

"Sorry!"-Joaquin-

"Okay lang. Ang mapapayo ko lang sayo, ipaglaban mo si Shar! Mahalin mo sya! Wag mo syang sasaktan. Nagsakripisyo sya para lang wag ka nang mahirapan!"-ako-

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"-Joaquin-

"Nakipagbreak sya sayo kasi nahihirapan kana sa sitwasyon mo! Mahal na mahal ka ni Shar!"-ako-

Nagulat sya.

"Salamat Ella!"-Joaquin-

Niyakap nya ako.

"Balang araw, may makikilala ka din na magmamahal sayo! Yung lalaking karapat- dapat."-Joaquin-

"Sana nga."-ako-

----------------------
Konting chapters na lang!
Salamat talaga readers! Comment lang! :)
Vote nyo din po.

SharQuin Love Story Book 2!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon