JOAQUIN'S POV
Nasa school ako ngayon pero wala pa rin ako sa sarili ko. Habang nagdidiscuss yung prof ay tulala lang ako. Sigurado kasi talaga ako na si Shar yun!
Hindi pa ako kumakain mula kagabi, kaninang umaga at hanggang ngayon dahil wala akong gana.
Napagdesisyunan ko na magpunta ulit sa mall kung san ko sya nakita. Nag- iikot lang ako at hinahanap ko sya.
Nang mapagod na ako sa kakaikot ay umupo ako sa isang bench. Nahihilo na din ako dahil sa gutom.
"Imposible yun! Guni- guni ko nga lang siguro."-ako-
Natulala na naman ako at nagulat ako dahil may mga bumagsak na gamit sa harapan ko.
Tinulungan kong magpulot yung may- ari. At nang matapos...
"Salamat!"
Napatingin ako sa kanya! Imposible! Si Shar! Nakangiti sya sakin! Isang tao lang ang may ngiting ganun at si Shar yun!
"Sharlene?"-ako-
"Sorry. Hindi ako si Sharlene. Salamat ulit!"
Paalis na sya ng hawakan ko ang braso nya.
"Sharlene ikaw nga yan!"-ako-
"Hindi nga ako si Sharlene!"
Naglakad na sya palayo at hahabulin ko sana sya pero natumba na ako. At nawalan ng malay.
NASH'S POV
"Sa palagay nyo tol okay lang si Joaquin? Naaawa na ako sa kanya! Masyado nyang namimiss si Shar!"-ako-
"Oo nga e."-Grae-
Biglang nag ring ang CP ko. Tumatawag si Joaquin.
Ako: Hello tol bakit ka napatawag?
Caller: a kaibigan nyo ba ang may ari ng cp na to? Hinimatay kasi sya sa mall. Nandito sya ngayon sa ospital.
Ako: ha? Okay sige salamat! Papunta na kami dyan!
Sinabi ko kina Grae at John yun at nagpunta agad kami sa ospital.
"Joaquin Reyes po!"-ako-
"Room 204 po."-Nurse-
Tumakbo kami papunta dun. Nakita namin si Joaquin na walang malay. May nurse din dun.
"Kumusta na po sya?"-ako-
"Okay na sya. Nalipasan lang sya ng gutom. Pagkagising nya ay pwede nyo na syang iuwi. Tapos pakainin nyo sya."-Nurse-
"Salamat po! Pero sino po pala ang nagdala sa kanya dito?"-Grae-
"A umalis na sya. May iniwan pala syang note."-Nurse-
Inabot nya samin yung note at umalis na sya.
Ang nakasulat sa note ay....
'Hindi ako si Sharlene. Magpagaling ka! -SB-'
Nagkatinginan kami ni Grae.
"Nangyari pala to dahil sa kakahanap nya kay Shar. Kawawa naman si Joaquin, akala ko pa naman tanggap na nya."-John-
"Sharlene!"-Joaquin-
Nagising sya. Nanaginip siguro.
"Ano tol okay ka na ba?"-ako-
"Nasan sya? Si Shar? Nakita ko sya!"-Joaquin-
Binigay namin sa kanya yung note. Binasa nya naman yun.
"Pero sigurado ako! Si Shar yun! Kilala ko ang ngiti ni Shar!"-Joaquin-
"Kumalma ka muna Joaquin."-ako-
JOAQUIN'S POV
Sigurado ako na si Shar yun! Kilalang- kilala ko na sya at saulo ko ang bawat anggulo ng mukha nya.
Inuwi na ako nina Nash at pinakain. Kahit wala akong gana ay pinilit nila ako.
"SB?"-Nash-
"Ano nga kayang ibig sabihin nun? Baka naman initials nya yun?"-Grae-
Napaisip naman ako! Kailangan makita ko sya ulit.
Kinapa ko ang CP ko pero wala sakin.
"Nasan kaya yung CP ko?"-ako-
"Teka? May tumawag kasi saming babae e. Baka nasa kanya?"-John-
Napangiti ako.
"Nash peram ako ng CP mo!"-ako-
Dinial ko ang number ko.
At sumagot sya! Si Shar!
Ako: Hello?
Sya: OMG! Nakalimutan ko pa lang ibalik tong phone mo.
Ako: okay lang. Pwede bang magkita tayo?
Sya: ipapadala ko na lang! I send mo sakin ang address mo!
Naku! Hindi pwde! Kailangan magkita kami!
Ako: sorry pero di ko naman pwde ibigay ng basta- basta yun.
Sya: okay! Magkita na lang tayo bukas sa Starbucks sa mall. 3 pm.
Ako: okay!
Sya: Oo nga pala! Hindi ako si Sharlene!
Binaba nya na yung tawag.
Excited na ako! Makikita ko ulit sya! I need to know the truth!
---------------
Thanks po sa readers! :)
BINABASA MO ANG
SharQuin Love Story Book 2!
FanfictionSecond Part of my 'Gimme Shar(SharQuin). Includes JaiLene.