Chapter 26.

856 41 1
                                    

JOAQUIN'S POV

Nandito na ako sa labas ng bahay nila Shar. Tinext nya kasi ako na magbihis daw ako at pumunta dun.

Lumabas na sya. Nakangiti sya kaya napangiti ako. Ang ganda nya talaga!

"Tara na?"-Shar-

"San ba tayo pupunta?"-ako-

"Magdedate!"-Shar-

Napangiti ako. Magdedate kami, siguradong magiging masaya na naman ako.

"Bakit pinaiwan mo yung kotse ko?"-ako-

"Para di mo na kailangan magfocus sa pagdadrive!"-Shar-

"Gusto mo talaga akong masolo no? Pati kotse pinagseselosan mo."-ako-

Hinampas nya ako sa braso.

"Tara na nga!"-Shar-

Nagtaxi kami at bumaba sa may MRT. Ito ang first time na makakasakay ako sa ganun!

Hila ni Shar ang kamay ko.

Grabe pala! Sobrang siksikan! Madadala ka na lang sa dami ng tao.

Nakashort si Shar kaya nahalata ko na yung mga manyak na pasahero ay panay ang tingin sa kanya.

Ano pa ba ang dapat gawin ng isang bf? Syempre, hinawakan ko si Shar sa bewang at nilapit sakin. Nagtaka naman sya.

"Bakit ka kasi nagshort?"-ako-

"Mainit kasi e."-Shar-

Sa wakas! Bumaba na kami, baka mapaaway pa ako sa mga lalaki na yun e.

Pumunta kami sa Mall of Asia.

"Magice skating tayo!"-Shar-

Nagbayad na kami, bali 2 hours yun!

Alam ni Shar na gusto ko talaga magganun kasi naaalala ko ang mga magulang ko. Dahil madalas kami dati sa US ay marunong na ako. Si Shar, hindi pa.

"Ikaw ang nag- aya tapos di mo naman pala kaya!"-ako-

Sinubukan nyang lumapit sakin pero nadulas sya, buti na lang at mabilis ako at nasalo ko sya. Baka masaktan pa sya!

"Tara na Shar, wag na tayo dito, baka masaktan ka pa!"-ako-

"Joaquin alam ko naman na nageenjoy ka, kaya magenjoy kana. Hayaan mo na ako dito, matuto din ako."-Shar-

Nang subukan nyang tumayo ay matutumba na naman sana sya pero nahawakan ko sya.

"Akin na nga kamay mo!"-ako-

Hinawakan ko ang dalawang kamay nya. Nakatalikod ako sa daan.

"O sige aalalayan kita."-ako-

Yun nga. Natatawa si Shar kasi ang daming magaling na bata dun tapos sya ay di marunong.

"Okay lang yan! Game magfocus ka!"-ako-

Nakatingin lang ako kay Shar habang nakangiti sya at pinipilit na wag madulas.

After 1 hour, kaya nya nang tumayo.

Napansin kong nilalamig na sya. Nakashort kasi sya! Buti na lang at may jacket ako!

Hinubad ko ang jacket ko.

"Isuot mo yan Shar."-ako-

"Hindi na! Okay lang, baka lamigin ka!"-Shar-

"Okay lang ako."-ako-

Ako na mismo ang nagsuot ng jacket sa kanya.

Magkahawak na kami ng kamay at sabay na naga ice skating.

Ang saya- saya ko!

Oras na! May magbabagsak na ng parang snow!

Dinala ko si Shar dun! At hindi ako nabigo!

Tuwang- tuwa si Shar! Masaya ako na napasaya ko sya.

Humarap sya sakin habang nakangiti.

"Salamat!"-Shar-

Ngumiti din ako.

"Wala yun! Kahit ano na magpapasaya sayo gagawin ko! I love you Shar!"-ako-

"I love you too Joaquin!"-Shar-

--------------

Feel free to leave comments! Natutuwa pa ba kayo sa story ko? Dapat ko pa bang ituloy? Thanks! :)
Vote nyo po :D

SharQuin Love Story Book 2!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon