Chapter 34.

630 35 1
                                    

SHARLENE'S POV

"Anong meron Joaquin?"-ako-

"A may dinner sa bahay, isasama kita."-Joaquin-

"Ha? Sigurado ka?"-ako-

Tumango lang sya.

Kahit nalaman ko na ang sikreto ni Joaquin ay di ko magawang sabihin sa kanya. Hindi din ako nagagalit sa paglilihim nya kasi palagay ko may mabigat syang pinagdadaanan at ayaw ko nang dagdagan yun.

Kinakabahan ako habang papunta kami kila Joaquin. Parang kakaibaa yung feeling.

Nakita kong marami- raming kotse sa labas nila. May party ata.

"May party ba kayo?"-ako-

"Wala."-Joaquin-

Hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa bahay nila.

Pinagtinginan kami ng mga tao na nasa dining room na. Kumakain na sila.

"Oh great i thought you won't come! Bakit kasama mo si Shar?"-mama nya-

"Gusto ko e."-Joaquin-

"Good evening po."-ako-

"Shar?"

Napatingin ako sa nagsalita! Si Gab!

"Uy Gab!"-ako-

"Magkakilala kayo?"-Joaquin-

"Nagkita kami sa mall."-ako-

Nakita kong galit ang expression ni Joaquin.

"Sige, umupo na kayo."-mama nya-

Habang magkatabi kami ay hawak pa rin ni Joaquin ang kamay ko.

"Okay ngayon pag- uusapan na natin kung anong magandang date para sa kasal nyo ni Ella."-mama nya-

Ha? Kung ganun, si Gab pala si Ella? Ang awkward lang kasi ako ang gf tapos pinag uusapan yung tungkol sa kasal ng bf ko sa ibang babae.

"Mama, wala akong balak magpakasal sa kanya."-Joaquin-

Napalingon ako sa kanya. Lahat napatingin sa kanya.

"May girlfriend na ako."-Joaquin-

Tumayo sya kaya napatayo din ako.

Parang di ko gusto ang mangyayari dito.

"Si Sharlene ang girlfriend ko. 5 years na kami at mahal na mahal ko sya. Sya lang ang papakasalan ko!"-Joaquin-

Napalingon ako kay Joaquin. Yung mukha nya, desido na.

Napatayo ang mama ni Joaquin.

"Joaquin! Tumigil kana!"-mama nya-

"No mom! Im sorry!"-Joaquin-

Hinila nya na ako palabas at sumakay na kami sa kotse.

Hindi nagsasalita si Joaquin at hawak nya pa rin ang kamay ko.

Nagpunta kami sa may Manila Bay. Nang makarating kami dun ay nagulat ako dahil sumigaw si Joaquin ng sobrang lakas.

"Ayaw ko na!!!!!"-Joaquin-

Pagkalapit ko sa kanya. Naiyak sya.

"Joaquin."-ako-

"Shar? Bakit? Bakit? Ano bang ginawa ko at ayaw nya na maging masaya ako?"-Joaquin-

Naiyak sya kaya napaluha na din ako.

"Joaquin. Wag ka nang umiyak. Magiging maayos din ang lahat."-ako-

"Sana nga Shar. Ayaw kong magpakasal sa kanya!"-Joaquin-

"Kaya ka ba nagtatrabaho sa Mcdo?"-ako-

Napatingin sya sakin. Nagulat sya.

"Sorry Shar."-Joaquin-

Niyakap ko sya.

"Okay lang Joaquin. Naiintindihan ko na. Pero sana sinabi mo na sakin para nadamayan kita sa paghihirap mo."-ako-

"Shar, mahal na mahal kita."-Joaquin-

"Mahal na mahal din kita Joaquin! Ikaw lang mahal ko!"-ako-

Napangiti sya kahit naiyak pa rin sya.

"Ikaw lang ang papakasalan ko."-Joaquin-

Hindi ko alam kung tama to! Nasasaktan si Joaquin at nahihirapan sya. Ayaw ko syang nahihirapan.

-------------------

Vote and comment po :)

Pagod sa thesis -_- #Share

SharQuin Love Story Book 2!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon