SHARLENE'S POV
Birthday ko ngayon, its time to party! Birthday ko ngayon, ilabas ang ice cream! hahaha
Masaya ako! Syempre, party! party!
Maaga akong gumising kasi nakakaexcite! 2 birthday na nagdaan, di ko kasama sina mama at mga kaibigan ko. Pero ngayon, kasama ko na sila!
Nagexercise muna ako bago nagdesisyon na lumabas ng kwarto.
Napangiti ako sa nakita ko. May mga rose petals kasi sa sahig. Parang alam ko na kung sino may pakana nito!
Sinundan ko lang yung mga petals hanggang makarating ako sa may garden.
At nakita ko dun ang lalaking pinakamamahal ko! Sino pa ba?
"Ano na namang pagpapakilig to Joaquin Red Reyes?"-ako-
Ngumiti lang sya. Ang cute nya talaga lalo pag nakangiti!
"Happy Birthday to you, happy birthday to you, happy birthday MAHAL KO......happy birthday to you!! HAPPY BIRTHDAY SHARLENE SAN PEDRO!"-Joaquin-
Napangiti ako. Nilapag nya ang hawak na chocolate cake at lumapit sakin. Niyakap ko sya. Napaluha na naman ako sa sobrang saya!
"Wag ka nang umiyak please! Hindi ka cute pag umiiyak ka!"-Joaquin-
Hinampas ko sya sa braso.
"Salamat dito ha? Pero parang ang baduy nung 'Mahal Ko'. hahaha"-ako-
Napakamot lang sya sa batok.
"Surpirse! HAPPY BIRTHDAY SHARLENE!"
Napangiti ako! Nandun sina Nash, John, Grae at kasama si mama. Teka, may isa pa!
Si. Si. BRACE!!
"Happy birthday Sharlene!"-Brace-
Masaya ako na nandito sya. Tumakbo ako payakap sa kanya.
"Salamat Brace at nandito ka."-ako-
Nagulat ako ng tanggalin ni Brace ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Shar, alam ko naman na masaya ka pero wag mo na ako yakapin. Kakabati lang kasi namin ni Joaquin baka mamaya mabugbog nya ako."-Brace-
Tatawa- tawa pa sya. Natawa din ako.
"Puro talaga kayo kalokohan! O tara, kumain na tayo!"-mama-
Nagparty party kami. Kahit kaming 7 lang, masaya na ako.
6 pm kami natapos at nagsimula nang magligpit. Nagpaalam na sila. Maliban kay Joaquin.
"Salamat sa araw na to mahal ko!"-ako-
Lumingon sakin si Joaquin at ngumiti. Grabe, kakaiba ang pakiramdam ko sa ngiti nya. Kinikilig pa rin talaga ako!
Umiwas ako ng tingin sa kanya kasi alam ko na namumula ako.
"Wag ka na ngang ngumiti ng ganyan Joaquin."-ako-
"Shar naman, alam ko naman na gwapo ako kaya di mo na kailangan magtago pag kinikilig ka! Sanay na ako!"-Joaquin-
Natawa ako!
"Wow! Lakas naman ng hangin no? May bagyo ata? Signal number 10!"-ako-
Ginulo nya ang buhok ko.
"Bakit? Di ba ako gwapo?"-Joaquin-
Tumingin ako sa malayo at tumawa.
"Hindi ko sure!"-ako-
Nagulat ako ng kilitiin ako ni Joaquin.
"A ganun? Hindi pala ako gwapo?"-Joaquin-
"hahaha. tama na Joaquin. hahaha."-ako-
"Sabihin mo na muna yung gusto kong marinig!"-Joaquin-
Kinikiliti nya pa rin ako.
"hahaha, oo na! gwapo ka! cute ka! ikaw ang pinakagwapong tao sa buong mundo!"-ako-
Tumigil naman sya sa pangingiliti. At pogi sign pa.
"Alam ko!"-Joaquin-
Tumayo na ako at medyo lumayo sa kanya.
"Joke lang yun naniwala ka naman!"-ako-
Alam kong hahabulin nya ako kaya tumakbo ako.
"Lagot ka sakin pag nahuli kita!"-Joaquin-
Binilisan ko ang takbo pero kakalingon ko, nadapa tuloy ako.
Kahit na may sugat na ako na nadugo ay tawa pa rin ako ng tawa.
"Huy Shar! Okay ka lang? Nadugo na o!"-Joaquin-
"Okay lang Joaquin, malayo yan sa bituka!"-ako-
Hindi na sya nakangiti. Alalang- alala sya at binuhat nya ako.
Natitigan ko ang mukha nya at naalala ko yung dati. Pag inaatake ako ng sakit ko, laging nandyan si Joaquin sa tabi ko.
Dahil sa mga naalala ko ay hinalikan ko si Joaquin sa pisngi.
"Ikaw ha? Gagamutin lang kita nanantsing kana!"-Joaquin-
Hinampas ko sya sa braso.
"E di wag na!"-ako-
"Hindi ka talaga mabiro mahal!"-Joaquin-
Binaba nya ako sa upuan at ginamot na ang sugat ko.
"Baka mamaya, hindi ka na magapag 2 piece pag pumunta tayo sa beach!"-Joaquin-
"Ayan lang pala iniisip mo! Akala ko pa naman!"-ako-
Napasimangot ako.
HInawakan nya ang magkabilang balikat ako at pinaharap sa kanya.
"Ayaw kong mapahamak ka. Ayaw kong masugatan ka, madapa, mauntog, matapilok o kahit mapuwing man lang. Kung pwede lang 24 hours akong nasa tabi mo kasi alam kong lampa ka,"-Joaquin-
Sumimangot ako.
"ayaw kong masaktan ka! Basta! Okay lang kung ako, wag lang ikaw! Kasi Sharlene San Pedro, mahal na mahal kita!"-Joaquin-
"Mas mahal na mahal kita!"-ako-
Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagamot nya ang sugat ko.
"Ang swerte ko talaga sayo !"-ako-
This time, sya naman ang humalik sa pisngi ko.
"Mas swerte ako sayo!"-Joaquin-
BINABASA MO ANG
SharQuin Love Story Book 2!
FanfictionSecond Part of my 'Gimme Shar(SharQuin). Includes JaiLene.