SHIRLEY'S POV
"Jai?"-ako-
Kanina pa ako paikot- ikot dito sa bahay. Hinahanap ko kasi si Jai. Umalis sya ng hindi nagpapaalam.
Pumasok ako sa kwarto nya. Magagalit si Jai pag nalaman yan. Sisilipin ko lang sya.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong wala sya dun. Isasara ko na sana ulit ng may makahagip ng mata ko.
Ang daming pictures ko na nakaframe. Masaya ako kasi mahal talaga ako ni Jai. Pumasok na ako sa kwarto. Tinitingnan ko pa ang mga pictures ng may makaagaw ng pansin ko.
Yung picture na pinakita sakin nina Joaquin. Yung picture ng Gimme 5 na nasa gitna ako, ay hindi, si Sharlene pala!
Pero bakit may ganito syang picture? Kakilala nya ba ang Gimme 5?
"Shirley?"
Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Jai. Agad akong lumabas sa kwarto nya.
Buti naman at nasa baba pa sya. Kiniss nya ako sa pisngi.
"San ka nanggaling?"-ako-
"May mga inakaso lang ako. Anong problema?"-Jai-
"A wala naman. Kanina pa kasi kita hinahanap."-ako-
"A ganun ba? Sorry kung di ako nakapagpaalam."-Jai-
Ngumiti lang ako.
Patuloy pa rin gumugulo sa isip ko yung picture! Bakit may ganung picture si Jai?
Habang natutulog ako ay yun pa rin ang naiisip ko. Tumayo muna ako para uminom ng tubig.
Nakainom na ako ng tubig.
Pabalik na ako sa kwarto ko at napadaan ako sa kwarto ni Jai. Narinig kong may kausap sya.
Jai: basta dapat walang makaalam! Oo basta! Ako ba bahala! Basta wag mo sabihin kung nasan kami. Masaya na kami kaya hindi ako papayag na mawala pa sya sakin. O sige, bye.
Ano kaya yun? Sino kayang kausap ni Jai? Anong ibig sabihin.
Nagulat ako ng bumukas ang pinto ni Jai. Nagtago agad ako.
"Dapat talaga di na kami bumalik dito sa Pilipinas e."-Jai-
Bumaba na sya. Bumalik na ako sa kwarto ko.
May nililihim sakin si Jai at kailangan kong malaman kung ano yun.
JAIRUS'S POV
"Hindi! Wag mo syang kunin!"-ako-
Hinawakan nya si Shirley at hinila palayo sakin.
"Pasensya na Jai! Hindi ikaw ang mahal ko!"-Shirley-
Si Joaquin ang pilit kumukuha kay Shirley!
"Akin sya!"-ako-
"Walang sayo Jai! Simula pa lang akin na sya!"
"Wag ka nang magsalita! Akin na si Shirley!"-ako-
"Hindi mo ba maintindihan na ako ang mahal nya?"-Joaquin-
Hinabol ko sila pero nakakotse sila kaya di ko na sila naabutan.
"Shirley! Akala ko ba hindi mo ako iiwan?"-ako-
Naiyak na ako habang nakaluhod s kalsada.
"Jai! Jai!"
Nagising ako dahil may tumawag sakin. Si Shirley pala!
Panaginip lang pala!
Nayakap ko si Shirley sa sobrang saya ko.
"Salamat at panaginip lang yun!"-ako-
"Ano bang nangyari Jai?"-Shirley-
"Panaginip ko iniwan mo na ako. Sumama ka na sa iba."-ako-
Hinagod ni Shirley ang likod ko.
"Panaginip lang yun Jai. Mahal kita kaya hindi kita iiwan."-Shirley-
Nakahinga na ako ng maluwag.
Pumasok na kami sa school.
"Magkita na lang tayo mamayang uwian."-ako-
"Okay! Bye babes!"-Shirley-
Habang naglalakad ako papuntang classroom ay nakasalubong ko ang mga pamilyar na mukha.
"Uy! Jai? Tama ba?"-Nash-
"Oo! Jairus! Musta?"-ako-
"Okay naman! Ikaw? Ano nga palang course mo?"-Grae-
"Ayos lang din. Marketing."-ako-
"Talaga? Wow! Magaling ka siguro?"-John-
Nag- usap pa kami. Masaya ako at nakausap ko sila. Wala na kasi akong ibang kaibigan dito sa LUV U bukod kay Shirley.
"O sige tol! Bye!"-Nash-
Kakaiba yung naramdaman ko! Nalungkot ako. Umalis na sila.
"Tol!"-ako-
Ang sarap pakinggan na Tol ang tawag nila sakin.
Dumeretso na ako sa room ko.
BINABASA MO ANG
SharQuin Love Story Book 2!
FanfictionSecond Part of my 'Gimme Shar(SharQuin). Includes JaiLene.