JOAQUIN'S POV
Pagkadilat ko ay napangiti ako. Nasa tabi ko si Shar. Nakangiti sya sakin.
"Kamusta na Joaquin? Okay na ba pakiramdam mo?"-Shar-
"Okay na Shar! Andyan kana e."-ako-
Hinampas nya ako sa braso.
"Bolero ka talaga kahit kailan! Oo nga pala! Bukas na anniversary natin! May balak na ako kaya ayun ang sundin natin!"-Shar-
Napangiti ako. Basta request ng mahal ko, susundin ko.
"Oo naman."-ako-
Lumabas na ako sa ospital kasama si Shar. Pansamantala muna akong nakikitira kina Nash kasi ayaw kong umuwi sa bahay.
Ihahatid ko sana sya sa bahay nila pero tumanggi sya at sabi nya na magpahinga na lang ako.
KINABUKASAN...
"Happy anniversary Joaquin!"-Shar-
Ang aga ay pumunta na sya dito para batiin ako. Inabot nya sakin ang isang regalo!
Binuksan ko ang regalo nya. Isang t-shirt, pants at rubber shoes na magkakaterno.
"Ayan ang isuot mo ngayon Joaquin ha?"-Shar-
"Oo naman!"-ako-
Nahihiya ako kasi pangit ang regalo ko. Wala kasi akong pera kaya di ko nagawan na bilhan sya.
Inabot ko sa kanya ang isang maliit na box.
Isa yung bracelet na ginawa ko.
"Ikaw ang gumawa nito?"-Shar-
"Sorry kung yan lang ang nakayanan ko. Alam mo naman na....."-ako-
Di ko natapos ang sasabihin ko ng yakapin ako ni Shar.
"Salamat dito Joaquin! Ito ang best gift na binigay mo sakin!"-Shar-
Napangiti ako. Masaya ako na nagustuhan nya ang regalo ko. Di din madali ang paggawa nun! Madaming beses kong inulit yun para maging perfect!
Umalis na kami. Nag commute lang kami kasi wala na akong kotse.
May pinakita sakin si Shar.
"Naalala mo ba nung first date natin? Pinakita mo sakin yung listahan ng mga gusto kong puntahan?"-Shar-
"Oo."-ako-
May nilabas si Shar na papel. Akin! Yung listahan ng mga gusto kong puntahan! Project namin yun sa school e!
1. Water park
2. Snow world
3. Ilog
4. Beach
"Pupuntahan natin lahat to!"-Shar-
Napangiti ako.
Pumunta kami sa Manila Ocean Park. Masaya kami habang nandun! Gusto ko talaga makakita ng mga isda. Parang nakakagaan ng pakiramdam na makita silang lumalangoy.
Masayang- masaya din si Shar.
Next pumunta kami sa Star City para sa snow world.
Magkahawak kamay kami ni Shae habang nagiikot kami dun.
Nagpapicture kami kasi request yun ni Shar.
Habang tinitingnan namin ang mga ice sculpture ay biglang hinawakan ng mahigpit ni Shar ang kamay ko.
"Masaya kaba Joaquin?"-Shar-
"Sobra! Bakit?"-ako-
"Kasi, sa 5 taon na relasyon natin, ako lang lagi ang pinapasaya mo. Hindi ko man lang naisip kung napapasaya ba kita!"-Shar-
Di ko alam kung bakit sinasabi ni Shar ang mga bagay na yun.
Hinarap ko sya sakin at hinawakan ko ang dalawa nyang kamay.
"Shar! Hindi totoo yan! Knowing that you're with me, sobrang saya ko na! Sobrang masaya ako pag magkasama tayo! Kaya di mo na kailangan isipin yun kasi basta nandyan ka, kahit wala kang gawin, masaya na ako!"-ako-
Napangiti si Shar.
"Dapat masaya tayo ngayon pero dahil kung ano-ano iniisip mo, lulungkot kapa. Cheer up! 5 years na tayo at forever pa! Diba?"-ako-
Hindi sumagot si Shar. Ngumiti lang sya. May problema ata sya.
--------------------
Vote nyo po! Comment din kung gusto nyo! :)
Thanks readers! :D
BINABASA MO ANG
SharQuin Love Story Book 2!
FanficSecond Part of my 'Gimme Shar(SharQuin). Includes JaiLene.