Chapter 27.

820 33 0
                                    

SHARLENE'S POV

7:30 am na pero wala pa si Joaquin.

"Baka naman nauna na sya sa school."-Mama-

Napagdesisyunan ko na pumasok na. Late na kasi e.

Pagdating ko dun ay hinanap ko agad si Joaquin, wala naman sya dun!

Pagkatapos ng klase ay tinawagan ko sina Nash. Hindi daw nila kasama si Joaquin. Nasan na kaya sya? Nag- aalala ako.

Napagdesisyunan ko na pumunta na sa bahay nila.

Pinapasok naman ako ng maid kasi kilala nya ako. Sinabi nito na hindi pa daw lumalabas si Joaquin sa kwarto nya mula kanina.

Pumasok na ako. Grabe! Ang laki talaga ng bahay nila. Ang layo pa ng lakakarin para makarating ako sa kwarto nya.

Sa wakas nakarating din ako. Kumatok ako. Kumatok ako ng paulit ulit pero walang sumasagot.

Hindi naman nakalock yun kaya pumasok na ako.

Nakita ko sya! Nakatalukbong sya ng kumot.

"Joaquin! Hapon na hindi ka pa rin bumabangon dyan. Tapos di ka man lang nagtext, alalang- alala na ako sayo!"-ako-

Pagkaalis ko ng kumot nya, nakita ko sya na yakap yakap ang sarili at parang lamig na lamig.

"Huy! Joaquin! Anong problema?"-ako-

Kinapa ko sya. Ang taas ng lagnat nya.

"Huy Joaquin! Anong nangyari sayo? Ang taas ng lagnat mo!"-ako-

Hindi sya sumasagot. Naisip kong dalhin sya sa ospital pero hindi pwede! Ayaw na ayaw ni Joaquin na nasa ospital sya. Lalo lang lalala ang nararamdaman nya.

Kinapa ko ang pisngi nya, nag- aalala na talaga ako! Pero nag isip ako! Tama!

Humingi ako ng gamot sa mga katulong nila, humingi din ako ng maligamgam na tubig at towel.

Pinunasan ko si Joaquin. Nasan ba ang mga magulang nya? Hindi man lang sya inaasikaso.

Pinainom ko na sya ng gamot.

Pinupunasan ko sya ng bigla nyang hawakan ang kamay ko.

"Salamat Shar."-Joaquin-

Ngumiti lang ako.

"Walang- wala to pag ako yung inaatake dati ng sakit ko. Bumaba na ang lagnat mo Joaquin. Ano ba kasing nangyari sayo?"-ako-

"Naover lang siguro ang saya ko kahapon."-Joaquin-

"O sige, matulog ka muna dyan at lulutuan kita ng lugaw."-ako-

Pumunta na ako sa kusina. Marunong naman ako magluto.

Nang matapos na yun ay pumunta na ako sa kwarto nya.

Sinubuan ko si Joaquin ng lugaw.

Nang tapos na sya.

"Sige magpahinga kana. Ibabalik ko lang to sa baba."-ako-

Papatayo na ako ng hawakan nya ang kamay ko.

"Dito ka muna Shar. Wag mo akong iwan."-Joaquin-

Ngumiti ako.

"Okay. Sige magpahinga kana dito lang ako."-ako-

"Kantahan mo ako Shar."-Joaquin-

Kinuha ko yung gitara nya at nagsimulang kumanta.

Napapansin mo ba? Kaya ang tulad ko? Kahit nasa sulok lang, ng iyong mga mata. Mahuli mo kaya ang pagsulyap sayo? Kahit na hindi naman ako ang iyong kaharap o CHINITO!
Balang araw ay malalaman mo rin.

At kung ikaw ay nakatawa, ako paba ay nakikita? Nalilimutan ko ang itsura ko kapag kausap na ikaw, sana naman ako'y pakinggan, at nang ikaw ay manilawan, dahil mo ang aking paningin at damdamin, OH CHINITO.

Paglingon ko kay Joaquin ay tulog na sya. Hinalikan ko sya sa noo.

"Matulog ka lang Joaquin ha?"-ako-

Bumaba na ako.

Habang nag- aayos ako ng pinagkainan ni Joaquin.

"Sino ka?"

Napalingon ako. Yung mama ni Joaquin!

---------------

Yung over night kami sa paggawa ng thesis pero naga update ako!hahaha #Share

SharQuin Love Story Book 2!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon