Chapter 19.

1K 34 2
                                    

SHARLENE'S POV

Hindi ko alam kung bakit ko naisip gawin yun! Basta lang natakot ako kanina kay Brace at naisip ko na dapat makaalis na ako dito.

Tumakbo ako palayo ng matumba sya.

"Shar!"-Brace-

Napahinto ako at napalingon sa kanya. Nakita ko na umaagos ang dugo sa ulo nya. Naguilty ako! Ang sama ko!

Nagdalawang- isip na ako tumakbo. At napabuntong- hininga ako sa ginawa ko.

Pag iniwan ko sya dito, may posibilidad na mamatay sya! Pero ito na ang pagkakataon para makatakas ako mula sa kanya. Pero di naman kakayanin ng konsensya ko pag may nangyaring masama sa kanya.

Ang gulo!

Tumakbo ako palapit sa kanya.

"Brace sorry!"-ako-

Wala na syang malay. Patuloy pa rin ang pagdudugo ng sugat nya! Kasalanan ko to!

"Dadalhin na kita sa ospital."-ako-

Ini start ko ang kotse pero wala na palang gas! Naku! Wala ding mga tao na malapit!

Binuhat ko si Brace papasok sa bahay.

Ginamot ko ang sugat nya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero sa palagay ko okay naman kasi tumigil na ang pagdudugo.

"Shar! Wag mo akong iwan! Mamatay ako pag nawala ka sakin!"-Brace-

Tulog sya pero ganun ang sinasabi nya! Naguilty talaga ako!

Hindi ko alam pero naawa ako sa kanya. Kung sakin siguro nangyari to baka matagal ko nang hindi kinaya.

Maghapon ko sya binantayan.

Kinakabahan ako kasi hindi pa rin sya nagigising.

Tatayo sana ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko.

"Shar wag mo akong iwan!"-Brace-

Gising na sya.

"Brace buti naman gising kana! Sorry sa nagawa ko! Natakot lang talaga ako sayo."-ako-

Nagulat ako ng pinilit nyang tumayo at yakapin ako.

"Shar! Akala ko mawawala kana sakin! Akala ko tuluyan mo na akong iiwan!"-Brace-

Nagulat ako.

"Hindi ka man lang ba galit sakin? Pagkatapos ng ginawa ko sayo! Brace, hindi mo ba mahal ang sarili mo?"-ako-

"Mas mahal kita!"-Brace-

Napaluha ako. Naaawa ako sa kanya pero hindi ko naman kayang pilitin ang puso ko na mahalin sya ulit! Pagkatapos nang lahat.

Inaamin ko! Minahal ko talaga sya! Sya ang unang tao na nakita ko nung nagka amnesia at mula nun ay di nya ako iniwan. Pinaramdam nya sakin na ako lang ang buhay nya at mahal na mahal nya ako.

"Brace."-ako-

"Shar! Please!"-Brace-

Natahimik ako.

Binitawan nya na ako maya- maya.

"Masakit paba?"-ako-

"Hindi na. Salamat."-Brace-

"Ipagluluto kita."-ako-

"Talaga?"-Brace-

Parang excited sya. Ito kasi ang unang beses na ipagluluto ko sya simula ng dumating kami dito.

Habang nagluluto ako ay pumunta sya sa kusina.

Tinitigan nya lang ako. Dati, nung hindi ko pa alam ang lahat, kinikilig ako sa tuwing tinititigan nya ako. Kapag nandyan sya, feeling ko safe ako.

Pano nga kaya ako nagustuhan ni Brace?

"Pwede ba akong magtanong?"-ako-

"Oo."-Brace-

"Bakit ako ang minahal mo?"-ako-

Natahimik si Brace. Napangiti sya pero parang malungkot.

"Alam mo Shar, hindi ko sigurado kung kailan nagsimula. Nagulat ako isang araw, mahal na kita! Mabait ka, maalalahanin. Pinaramdam mo sakin na mahalaga ako. Pero palagay ko nagsimula ang lahat nung 10th birthday ko."-Brace-

Pinapapatuloy ko lang ang pagluluto pero nakikinig ako sa kanya.

"Nung araw na yun, may nagawa akong bagay na para sa papa ko, napakasama! Galit na galit sya sakin at dinala nya ako sa kwarto para paluin. Birthday ko yun pero di nya pa rin pinalampas! Pinalo nya na nga ako at iyak lang ako ng iyak. Masakit ang bawat palo sakin ni papa. Tapos nang ipapalo nya na sakin yung pinakamalakas, hindi ko naramdaman yun. Napapikit kasi ako pero walang palo na dumampi sakin. At nang pagkadilat ko, nakita kita! Hinarang mo yung palo ni papa kaya ikaw ang tinamaan sa braso. Nakangiti ka at ang sabi mo sakin, 'Wag ka nang umiyak Brace! Ipagtatanggol kita!'. Natigilan si papa dahil namaga agad ang braso mo."-Brace-

Talaga? May ginawa pala akong ganung bagay? Sana naalala ko na.

"Nung oras na yun! Ayun ang unang beses na may nagtanggol sakin at babae pa! Sabi ko, 'Ang swerte ko sayo Sharlene!' tapos yun! Mula nun, minahal na kita!"-Brace-

So matagal na din pala? Ilang years na din.

Natahimik na ako. Pinapatuloy ko lang ang pagluluto ng may tumawag sa pangalan ko.

"Sharlene! Nandyan kaba?"

Nagulat ako! Kilala ko ang boses na yun!

"Joaquin?"-ako-

---------------

Maulan na linggo! :)
Wiiii! Ang lamig! Thanks readers! :)

SharQuin Love Story Book 2!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon