Chapter 30.

668 36 7
                                    

SHARLENE'S POV

Nasa balcony ako ngayon at nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin.

Hay, ang sarap naman mabuhay! Hahaha

Biglang nagring ang cp ko. Tumatawag si Joaquin! Tapos na ba ang dinner nila?

Ako: hello? Ano kamusta na? Nagenjoy kaba.

Joaquin: Shar pwede bang bumaba ka saglit?

Bumaba naman agad ako. Ano kaya ang problema?

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Joaquin na nakatayo at umiiyak. Pinapasok ko sya.

Nagulat ako ng yakapin nya ako. Kahit di ko pa alam kung bakit, niyakap ko sya ng mahigpit.

"Joaquin? Anong problema? Bakit ka umiiyak?"-ako-

Hindi pa rin sya nagsasalita. Iyak lang sya ng iyak.

Hinagod ko na lang ang likod nya.

"Tumahan kana Joaquin, nalulungkot ako kapag naiyak ka."-ako-

Nahikbi pa sya ng hinarap nya ako.

"Si mama kasi.."-Joaquin-

"Ano? Anong nangyari? Sabihin mo sakin Joaquin."-ako-

"Shar, si mama gusto nya akong ipakasal sa ibang babae!"-ako-

Nagulat ako. Napabitaw ako kay Joaquin. Kung ganun! Ayun pala ang kasunduan na sinasabi nila.

Bakit? Bakit?

Ayun lang ang tanging tanong ko!

Bakit samin kailangan mangyari to? Bakit ayaw ng tadhana na maging masaya kami? Bakit pilit kaming pinaghihiwalay ni Joaquin?

"Kanino?"-ako-

"Sa anak ng kumare ni mama. Ella ang pangalan nya. Hindi ko narinig lahat ng detalye kasi umalis na ako pagkasabi nya nun."-Joaquin-

Nalulungkot akong isipin na hindi pala ako ang gusto ng mga magulang ni Joaquin para kanya. Hindi pa nga nila alam na kami na ni Joaquin.

"Shar sorry."-Joaquin-

Nakayuko sya.

"Joaquin di mo kasalanan yun! Walang may kasalanan nun."-ako-

"Shar pangako ko sayo, hinding- hindi ako bibitaw sa relasyon natin. Ikaw lang ang gusto kong pakasalan dahil ikaw lang ang mahal ko!

Napangiti ako kahit malungkot pa rin ako.

"Hindi ako papayag na maapektuhan tayo dahil lang sa pagmamahal sa pera ng mga magulang ko! Pangako ko! Hinding hindi tayo magkakahiwalay!

Sana nga!

Napagdesisyunan ko na dito na lang patulugin si Joaquin, may isa kaming guest room.

Alam ko na hindi na naman sya makakatulog kasi may nangyari na naman.

Sinamahan ko sya sa kwarto.

"Magiging okay din ang lahat Joaquin, magpahinga ka muna!"-ako-

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila nya ako payakap sa kanya.

"Kakantahan kita Joaquin para makatulog ka."-ako-

Kagaya nung kinanta ko sa kanya dati nung nasa Baguio kami.

Tulog na- Sugarfree

Tulog na, mahal ko. Hayaan na muna natin ang mundong ito. Lika na, matulog na tayo.

Hinahawi ko ang buhok nya habang nakanta ako. Magiging okay din ang lahat! Sana!

-----------------

Kung di na kayo natutuwa sa flow ng story, sorry! Haha comment po kayo para malaman ko! :D

SharQuin Love Story Book 2!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon