SHARLENE'S POV
Late na naman si Joaquin! Napapadalas na yun! Tapos pag dadating pa sya, pawis na pawis sya at lukot- lukot ang damit. Ano ba talagang nangyayari sa kanya?
Pagkatapos ng lesson ay nilapitan ako ni Joaquin.
"Mag usap nga tayo!"-ako-
"Bakit? May problema ba Shar?"-Joaquin-
"Ako wala! pero alam ko na ikaw meron!"-ako-
"Wala Shar promise!"-Joaquin-
"E bakit ba palagi kang late?"-ako-
"Ano kasi. Ano. May inaayos kasi ako. Oo nga pala! Anniversary na natin next week!"-Joaquin-
Ngumiti ako.
"Oo nga. Anong plano?"-ako-
"A. Secret na muna yun!"-Joaquin-
Alam kong may tinatago si Joaquin kaya nagdesisyon akong sundan sya.Magaling naman ako magtago e.
Nakita ko sya na pumunta sa mcdo sa malapit na mall! Baka kakain sya. Matagal akong naghintay para lumabas sya pero di naman sya lumabas!
"Shar?"
Muntik na akong atakihin sa gulat ko ng may humawak sa likod ko.
"Kayo lang pala!"-ako-
Si Nash at John!
"Anong ginagawa mo dito Shar?"-Nash-
"A ano kasi! Sinundan ko si Joaquin pero hindi na sya lumabas kanina pa."-ako-
Nagkatinginan naman sina Nash at John. Pakiramdam ko may nililihim sila sakin!
"A talaga? Nakasalubong kasi namin si Joaquin nung papasok kami, umuwi na sya. May binili lang syang school supplies."-John-
"A? Bakit di ko sya nakitang lumabas?"-ako-
"Baka naman di mo lang napansin! Tara na Shar! Sumama ka na lang samin!"-Nash-
Sumama na lang ako sa kanila na maggala.
"Pwede ba akong magtanong?"-ako-
"Oo naman Shar!"-Nash-
"Alam nyo ba yung tungkol sa pinagkasundo si Joaquin sa ibang babae?"-ako-
Nagulat sila. Kung ganun, alam na nila.
"Wag kayong mag- alala, alam ko na! Gusto ko lang malaman kung kilala nyo ba yung babae?"-ako-
"Hindi e. Ayaw namin mangealam sa ganyang issue ni Joaquin. Naaawa na nga kami sa kanya e biruin mo kailangan nya pang magtrabaho para...."-John-
Pinatahimik ni Nash si John.
"Ha? Si Joaquin nagtatrabaho?"-ako-
"Hindi! Wag mo nang pansinin ang sinasabi ni John! Alam mo naman to!"-Nash-
May tinatago talaga sila sakin!
"A sige Shar, may pupuntahan pa kami! Sige maiwan ka na namin!"-Nash-
Umalis na sila. Lalo akong nagduda sa kinikilos nila!
Nagdesisyon ako na sundan silang dalawa.
Hindi ko alam kung san galing ang urge ko na may malaman! Feeling ko lang na may kailangan akong madiskubre.
Nakita kong pumasok sila sa Mcdo. Sumunod naman ako dun.
Umorder na din ako.
Ang haba nga ng pila e. Nang makaorder na ako ay nagsimula na akong kumain. Nakatalikod ako sa mga tao para di ako makita nina Nash.
Nakikita ko naman ang repleksyon nila.
Napalingon halos lahat ng tao doon ng may nabasag!
May nabasag pala na isang pitsel ng coke.
Kawawa yung crew! Pinapagalitan sya nung manager! Kung ano- ano pa pinagsasabi nya. Nahihiya sya kaya nakayuko lang sya.
Tanging 'Sorry' lang ang sinasabi nya.
Nagulat ako ng marealize ko kung sino yung tinititigan ko na crew!
Imposible!
"Joaquin?"-ako-
-------------------
Vote and comment :)
BINABASA MO ANG
SharQuin Love Story Book 2!
FanficSecond Part of my 'Gimme Shar(SharQuin). Includes JaiLene.