Chapter 24.

947 39 0
                                    

SHARLENE'S POV

"Shar. Sigurado na ba handa ka nang harapin sya?"-Joaquin-

Pang 10 times nya na tinanong yun! Andito pala kami sa prisinto. Dadalawin namin si Brace.

"Oo naman! 2 months na din ang nakakalipas, gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya."-ako-

"After ng ginawa nya sayo? Nag- aalala ka pa rin sa kanya?"-Joaquin-

"Kaibigan pa rin natin sya!"-ako-

Nagdala ako ng krispy kreme na donut at isang 1.5 na coke. Paborito kasi ni Brace yun.

"Ito na po sya."-pulis-

Nilabas nya si Brace at tinanggal ang posas nito.

Napaluha ako sa nakita ko!

Si Brace! Sobrang payat. Madami ding syang pasa sa mukha at puro sugat ang katawan nya!

"Brace? Anong nangyari sayo?"-ako-

Hindi sya makatingin ng tuwid sakin. Napalingon ako kay Joaquin, naaawa din sya, matagal naming kaibigan si Brace! Nakakaawa sya!

Hindi ko alam kung bakit pero nawala lahat ng galit na nararamdaman ko para kay Brace. Niyakap ko sya ng sobrang higpit.

"Shar sorry!"-Brace-

Naramdaman kong pumatak ang mga luha nya sa balikat ko.

"Okay na Brace. Napatawad na kita. Wag ka nang umiyak."-ako-

"Joaquin sorry!"-Brace-

Hinawakan ni Joaquin ang balikat ni Brace pero di sya nagsalita.

Kinuwento samin ni Brace kung bakit sya nagkaganun. Lalo akong naawa sa kanya kasi wala palang kamag- anak na bumisita sa kanya.

Habang nagkukwento sya ay ginagamot ko ang mga sugat nya. Nagrequest din si Joaquin na bigyan sya ng sariling selda.

"Wag kang mag- alala Brace, iuurong ko na ang demanda sayo."-ako-

Napatingin sya sakin at lalo akong naawa sa kanya.

"Salamat Shar! Salamat!"-Brace-

Pinakain ko na sa kanya yung dala ko. Masaya ako na kahit papano ay napasaya ko sya.

"Wag kang mag- alala Brace, malapit ka nang makalaya."-ako-

"Sorry talaga Joaquin! At Shar!"-Brace-

Ngumiti sya. Bago sya bumalik sa loob ay niyakap ko sya ng mahigpit.

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang si Joaquin.

"Joaquin, napatawad mo na ba si Brace?"-ako-

"Alam mo Shar! Gusto ko talaga! Kaya lang pag naiisip ko na lagi akong umiiyak kahit buhay ka pa. Na nangulila kami sayo ng matagal tapos tinatago ka lang pala nya, ang hirap Shar."-Joaquin-

Hinawakan ko ang kamay ni Joaquin.

"Isipin mo na lang lahat ng pinagsamahan natin, ang pinagsamahan nyo. Matagal na tayong magkakaibigan at madami na tayong pinagdaanan. Sana Joaquin, ayun na lang ang isipin mo."-ako-

Napabuntong- hininga sya.

"Sige na nga. Ikaw na din naman ang may gusto. Sige, papatawarin ko na sya."-Joaquin-

Napangiti ako at bilang ganti. Kiniss ko siya sa pisngi.

Bigla syang namula.

"Salamat Joaquin! I love you!"-ako-

"I love you too Shar!"-Joaquin-

Habang nasa byahe ay may napansin ako.

"Teka san tayo papunta? Bakit nasa sementeryo tayo?"-ako-

Ngumiti lang si Joaquin. Tumigil kami at nagpunta sa isang puntod. Kaya naman pala sya bumili ng flowers kanina dahil may dadalawin sya. Pero sino naman kaya?

Huminto kami sa harap ng isang puntod.

"Shirley Bernardo?"-ako-

Ayun yung pangalan na ginamit ko for 2 years!

"Dito yung libingan na akala ko ikaw ang nakalibing. Pinabago ko kahapon yung lapida. Kapatid ni Brace ang nakalibing dyan."-Joaquin-

Napatingin ako dun at nalungkot.

"Dito ako pumupunta sa tuwing namimiss kita at kinakausap ko lagi pag may problema ako. Sa palagay ko nga, alam na ng tunay na Shirley Bernardo kung gano kita kamahal! Ilang araw akong walang tigil na umiyak at hindi ako makakain! Akala ko kasi.... Akala ko....."-Joaquin-

"Sshhhhh. Joaquin, wag mo nang isipin yan. Nandito na ako o! Buhay na buhay!"-ako-

Niyakap nya ako kaya niyakap ko din sya.

"Buti na lang!"-Joaquin-

---------------
Vote po kung nagustuhan nyo :)

SharQuin Love Story Book 2!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon