Chapter 29.

781 40 2
                                    

JOAQUIN'S POV

Kasama ko si Shar ngayon. Nag- aaral kami sa library. Di talaga madali ang mag doktor!

Nakatitig lang ako kay Shar habang nagbabasa sya ng libro.

Naramdaman nya siguro na nakatitig ako sa kanya kaya tumingin sya sakin.

"Akala ko ba, mag- aaral tayo? Bakit tulala ka lang dyan?"-Shar-

Napangiti ako.

"Kasalanan mo! Ang ganda mo kasi e!"-ako-

Nakita kong namula na naman si Shar. Natutuwa ako pag nakikita ko syang namumula. Ang cute nya kasi.

"Pinapakilig mo na naman ako Joaquin!"-Shar-

Natawa naman ako. May nagtext sakin! Si mama! Totoo ba to?

Mama: come home early, i will prepare dinner.

Napatayo ako sa saya! Totoo ba to? Maghahanda si mama ng Dinner namin? First time!

Napatingin naman sakin si Shar kaya binulong ko sa kanya yung text ni mama. Ngumiti sya.

"O sige umuwi kana! Alam ko naman na excited ka! Masaya ako para sayo Joaquin!"-Shar-

"Ayaw mo bang sumama?"-ako-

"Minsan lang yan Joaquin kaya enjoyin mo muna! Sa susunod na lang ako sasama!"-Shar-

Hinalikan ko sya sa pisngi at nagmadali akong umuwi.

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ni mama. Niyakap ko sya! Grabe! Bata pa ata ako ng huli ko syang mayakap!

"Joaquin, mabuti naman nandito kana. May bisita tayong dadating kaya magbihis kana."-mama-

Wala akong pakialam kahit sino pa yung dadating, ang mahalaga, makakasabay ko si mama na magdinner.

Habang nagbibihis ay narinig ko na may dumating na.

Sino kaya yung bisita namin?

Pagbaba ko ay dumeretso na ako sa dining area. Nakita ko dun ang kumare ni mama at may kasama itong anak.

"Good evening po."-ako-

"Oh. Joaquin. Sya nga pala si Tita Mary mo. Remember her?"-mama-

Hindi ko sya kilala pero tumango na lang ako.

"A hello Joaquin. Meet my daughter, Ella."-Tita Mary-

Ngumiti yung Ella. Nginitian ko naman sya. Para syang kinikilig na ewan. Ano kaya problema nya?

Umupo na kami at nagsimula nang kumain.

"Excited na ako sa paggraduate nila. Naghahanap na nga ako ng designer para sa gown."-Tita-

Gown? Para saan?

"Yes. Actually, naghahanap na din ako ng mga wedding coordinators na magagaling para sigurado tayo na maganda talaga ang kasal nila."-mama-

Hindi na ako nakatiis.

"Mama! Sino po yung ikakasal?"-ako-

Natawa sila. Anong problema ng mga to?

"O son. You and Ella. Pagkagraduate mo ay plinano namin na magpapakasal na kayo."-mama-

Nagulat ako sa sinabi ni mama. Tumayo ako.

"Ma! Hindi mo man lang naisip kung papayag ako?"-ako-

"Wag kang sumigaw anak! May bisita tayo. Im so sorry sa ugali ng anak ko."-mama-

"O okay lang po tita!"-ella-

Kumunot ang noo ko.

"Mama may girlfriend na ako at sya ang papakasalan ko!"-ako-

Nagulat sila pero di ko na pinakinggan ang mga sunod nilang sinabi, umalis na ako.

Isa lang ang gusto kong pakasalan! Ang babaeng mahal ko! Si Sharlene lang!

----------------
Comment and vote ! :)

Thanks sa patuloy na pagbabasa nito! :D

SharQuin Love Story Book 2!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon