Chapter 22.

1K 34 0
                                    

JOAQUIN'S POV

Nilingon ko si Shar at napangiti ako. Nahuli na naman nya na nakatingin ako sa kanya.

"Ayan ka na naman!"-Shar-

"Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito kana!"-ako-

"Pwes! Maniwala kana!"-Shar-

Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.

Hindi ko namalayan na napaluha na ako.

"O bakit ka umiiyak?"-Shar-

"Alam mo ba na ganitong- ganito ang huling araw bago ka mawala sakin! Magkatabi tayong nanonood ng stars. Hinawakan mo din ang pisngi ko."-ako-

Masayang- masaya ako!

"Wag kang mag- alala Joaquin! Hinding- hindi na ako aalis sa tabi mo!"-Shar-

"Pwede ba akong magrequest?"-ako-

"Ano yun?"-Shar-

"Pwede ka bang kumanta habang naggigitara? Kasama kang tumanda!"-ako-

"Sige! Wait lang, kuhanin ko."-Shar-

Nagsimula na syang kumanta.

'Itong awitin kong ito, ay inaalay ko sayo, sintunado man tong mga pangako sayo. Ang gusto ko lamang, kasama kang tumanda.'

Hindi ko mapigilan umiyak. Akala ko! Akala ko hindi ko na ulit sya makikita. Hindi ko na mahahawakan ang mga kamay nya! Na hindi ko na ulit sya maririnig kumanta! Ang saya- saya ko. Sinabayan ko sya kumanta sa paborito kong part.

'Sasamahan kita kailanman, mahigit kumulang di mabilang, 30 araw sa isang buwan, umabot man tayo ng 3001. Loves na loves pa rin kita kahit bungi- bungi ka na para sakin ikaw ang pinakapoging papa (pinakamaganda) o kay isipin, kasama kang tumanda!'

"Masaya ako! Magkasama nga tayong tatanda Shar!"-Joaquin-

Nagtaka ako ng niyakap ko si Shar at hindi sya nagsasalita.

Pagkakita ko sa  kanya ay naiyak na sya ng sobra.

"Shar! Shar anong problema? May masakit ba sayo?"-ako-

"Joaquin Red Reyes! Bro! Mahal na mahal kita sobra! Naalala ko na ang lahat!"-Shar-

Nagulat ako pero natabunan yung ng walang kapantay na saya!

Nagtatalon kami sa tuwa ni Sharlene. Binuhat ko sya at pinaikot ko!(i-don zuleta)

Tumakbo kami papasok sa bahay nila. Niyakap ni Shar ang mama nya! Masaya ako na makita syang masaya!

Yehey! Thank you Lord!

"Salamat sayo Joaquin!"-Tita-

"Walang anuman po yun!"-ako-

"O sige umuwi kana Joaquin! Gabi na!"-Shar-

Napakamot ako ng ulo.

"Dito na lang kaya ako matulog?"-ako-

"Ay. Wag na makulit! Magkikita naman tayo! Papasok na ako bukas."-Shar-

"Sige na nga."-ako-

Hinatid ako ni Shar sa may gate.

"Bye! I love you Joaquin Red Reyes!"-Shar-

"Mas mahal kita Sharlene San Pedro."-ako-

Pasakay na ako sa kotse nang tawagin ako ni Shar. Pagkalingon ko ay tumakbo palapit sakin si Shar at niyakap nya ako ng sobrang higpit.

"Joaquin Red Reyes! Last 5 minutes!"-Shar-

Masaya ako! Ganito yung huling yakap ko kay Shar bago sya mawala sakin. Pero ngayon iba na, wala na ang kaba o lungkot na baka mawala pa sya sakin ulit. Masaya ako na nakabalik na talaga sya.

"Ingat sa pagda drive ha?"-Shar-

"Opo bro!"-ako-

-------------------

Dahil sa request ni magandangirl01 hahaha nag update ako :) eto na hahaha

Vote nyo po ang comment din kayo kung trip nyo! :D

SharQuin Love Story Book 2!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon